Dinedma ng Raiders ang Chargers 28-13

120510-bush-story.jpg

Hila-hila ni Raiders RB Michael Bush si Eric Weddle, ang Chargers safety,  patungo sa end zone para sa 7-yarda na TD.AP Photo.
Ang dalawang Running Back na sina Michael Bush at Darren McFadden ay humagibis ng halos 200 yarda at winalis ng Oakland Raiders ang [**

**](http://www.chargers.com/) sa kauna-unahang pagkakataon mula pa noong 2001, at sila ay nagwagi muli sa San Diego mula pa noong 2002. Nanalo ang Raiders sa isang pisikal ngunit malinaw na pagtatagumpay sa iskor na 28-13 laban sa masugid na karibal.

Nanalo ang Chargers sa opening coin toss at pinili nilang mag-receive. Sa Chargers 18 sila nag-umpisa ng paglusob nang ibalik doon ni RB Darren Sproles ang opening kickoff ni K Sebastian Janikowski. Nakalusot ang Chargers sa isang first down, pero sa 3rd and 13 pinigil sila ng mahigpit na depensa ng Raiders at napilitang mag-punt. Ibinalik ni WR Johnnie Lee Higgins ang punt ni P Mike Scifres ng 16 yarda hanggang sa Raiders 30.

Pumasok ang opensa ng Raiders na si Jason Campbell ang quarterback. Napigil ng Chargers ang Raiders sa three and out. Nang saluhin ang 46 yarda na punt ni Shane Lechler, nabitawan ito ni Sproles at narekober ng Raiders safety na si Hiram Eugene sa San Diego 18. Pagkaraan ng isang pasa na nakuha ni WR Louis Murphy, at kaskas ni RB Darren McFadden at scramble ni Campbell ay umabot ang Raiders sa 4th and 1 sa Chargers 9. Pumeke si Campbell na kunyari ibinigay ang bola kay RB Michael Bush na agad dinaluhong ng depensa ng Chargers habang si Campbell ay libreng sumibat sa kaliwa patungo sa napakadaling touchdown. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Raiders sa iskor na 7-0. Meron pang 8:35 sa 1st kuwarter.

Ibinalik ni RB Jacob Hester ang tumatalbog na kickoff ni Janikowski at meron holding call laban sa San Diego na nagpa-atras sa Chargers sa kanilang 14. Pagkaraan ng tatlong play ay naagaw ni FS Michael Huff ang isang pasa ni QB Philip Rivers at dinala niya ang bola sa San Diego 41.

Sa sumunod na 11 play, lumusob ang Raiders ng 41 yarda. Tinapos ni Campbell ang drive na ito  nang pasahan niya sa endzone si rookie WR Jacoby Ford para sa TD. Pumasok muli ang extra point at lumamang ng 14-0 ang Raiders sa huling 30 sandali ng 1st kuwarter.

Sa San Diego 31 dinala ni Sproles ang kasunod na kickoff. Umabot ng 48 yarda sa 9 na play ang paglusob ng Chargers at ipinasok ni K Nate Kaeding ang 39-yarda na field goal kaya nabawasan ang lamang ng Raiders sa 14-3 at meron pang 11:05 ang 2nd kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ay ibinalik ni Ford ng 23 yarda hanggang sa Raiders 35 ngunit dahil sa holding penalty, sa 20 yardline nag-umpisa ang Pilak at Itim. Ngunit hindi naging problema ito sa pagsugod ng Raiders. Tinapos ni Michael Bush ang drive nang humagibis siya ng 7 yarda na hila-hila si Eric Weddle patungo sa end zone. Ang iskor ay naging 21-3.

Halos mabitawan ni Sproles ang kasunod na kickoff at lumuhod sa end zone para sa touchback at ang San Diego ay nagsimula sa kanilang 20. Nakapasok ang drive ng San Diego sa Raiders 31 bago napigil ng depensa ng Pilak at Itim ang mga Chargers sa 4th and 1. Sa Raiders 32 nag-take over ang Pilak at Itim. Pagkaraan ng ilang play, bumalik ang bola sa San Diego dahil sa fumble ni RB Darren McFadden at sa Raiders 39 nag-umpisa ang Chargers. Meron pang 1:08 ang nalalabi sa 2nd kuwarter.

Hinadlangan ng Raiders na ma-convert ng Chargers ang 3rd and 3 sa 32 yardline. Sumipa si Kaeding ng 50-yarda na field goal, pero kinapos ito at walang nakuhang iskor.

Sa Raiders 40 sila nag-take over ang Pilak at Itim at 27 sandali na lang ang nalalabi sa 2nd quarter. Kusang lumuhod si Campbell bilang senyas na hindi na sila susugod at uubusin na lang ang orasan upang dalhin ang Raiders sa locker room na leading sa iskor na 21-3 sa  halftime.

Tinanggap ng Raiders ang opening kickoff sa second half pero hindi gumana ang kanilang drive kaya nag-punt si Lechler. Sinalo ni CB Antoine Cason ang 31 yarda na punt at ibinaba ang bola sa San Diego 15. Nakakuha ng isang first down ang Chargers bago nag-punt si Scifres. Ibinalik ito ni Higgins sa Raiders 22.

Pumasok ang Raiders sa loob ng teritoryo ng Chargers pero hindi sila naka-iskor at ang punt ni Lechler ay ibinaba sa San Diego 17. Umabante ang Chargers at pumasok ang 33 yarda na field goal ni Kaeding na siyang bumawas sa lamang ng Raiders sa iskor na 21-6 sa huling 44 segundo ng 3rd kuwarter.

Sa Oakland 25 dinala ni Ford ang kasunod na kickoff. Nakakuha ng 1st down ang Raiders bago napuersang mag-punt si Lechler. Na-touchback ang bola at nag-umpisa  ang Charges sa kanilang 20.

Sa sumunod na 6 play, ang drive ng Chargers ay umabot ng 80 yarda, at nasalo ni TE Antonio Gates ang 44 yarda na pasa para sa TD. Kasama ang extra point at ang iskor ay naging 21-13 sa pabor ng Raiders.

Maiksi lang ang kickoff at sinalo ito ni RB Rock Cartwright at dinala sa Raiders 38. Sa sumunod na 7 play, gumana ang Raiders ng 62 yarda. Umabot sila sa endzone sa tulong ng 37-yarda na pass play na nasalo ni WR Louis Murphy. Dahil sa nanganganib na silang matalo ay mahigpit na dinepensahan ng Chargers ang pag-iskor ng Raiders, ngunit hindi nila nakayanan ang bilis at lakas ni Darren McFadden at kanyang nilusutan ang 7 yarda hanggang siya ay maka-iskor. Meron pang 4:35 sa orasan. Ang iskor ay umabot na sa 28-13 at masasabing ayos na ang Raiders.

Si Hester ang sumalo sa kasunod na kickoff at nakuha niya ito sa end zone para sa touchback. Sinara na ng depensa ng Raiders ang anumang pag-asa na umiskor pa ang Chargers at nag-take over on downs ang Raiders sa San Diego 43. At dahil 2:57 na lamang ang nalalabi nag-wasting time na ang Raiders patungo sa tagumpay.

Gumana ang rekord sa season ng Raiders sa 6-6 at dadayo sila sa Jacksonville sa susunod na linggo upang harapin ang Jaguars sa Linggo 14 ng 2010 Regular Season.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising