Kinoral ng Raiders and Cowboys, 31 -10

Tinalo ng Oakland Raiders ang Dallas Cowboys sa iskor na 31-10, sa pang-unang laro ng preseason sa Oakland Coliseum. Umabot sa end zone sila TE Tony Stewart, RB Louis Rankin, RB Gary Russell at WR Will Franklin at sila ay umiskor ng TD para sa Pilak at Itim.
Nagwagi sa opening coin toss ang Cowboys at pinili nilang mag-receive. Maiksi lamang ang punt return at dahil sa isang penalty ng mga Cowboys, sila ay nag-umpisa sa dulo ng field at doon napako ang bola. Pagkaraan ng punt ni P Matt McBriar, sumugod agad ang Raiders at katulong ng isang pass interference penalty ng Dallas, umabot ang atake ng Raiders sa habang 64 yarda sa loob ng pitong play. Tinapos ang drive ni K Sebastian Janikowski nang sipain niya ang 22 yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 3-0.

Sumagot si QB Tony Romo at ang mga Cowboys sa kanilang sumunod na drive. Pagkaraan ng siyam na atake at 71 yarda, kumonekta si Romo ng 8 yarda na touchdown kay TE Jason Whitten sa dulo ng end zone. Lumamang ang Dallas ng 7-3 at meron pang 5:16 nalalabi ang 1st kwarter.

Sinundan ni Bruce Gradkowski si JaMarcus Russell bilang quarterback bago nagtapos ang 1st kwarter, at agad niyang dinala ng 62 yarda ang mga Pilak at Itim hanggang sa labi ng end zone. Kumunekta si Gradkowski ng 3-yarda na toss kay TE Tony Stewart at umiskor siya. Nabalik ang lamang sa Raiders, 10-7.

Nabuag ni FS Michael Huff ang pag-iskor ng Dallas mula sa 6-yardline ng Oakland nang takbuhin niya ang kalahati ng lapad ng field at agawin ang pasa ni QB Jon Kitna. Hindi na umiskor and dalawang team bago mag-halftime. Nagmiss ang sinipang field goal si K Nick Folk mula sa 36 yarda. At natapos ang 1st half pagkaraan ng rushing ni Michael Bush.
Sa 2nd half, isang 18 yarda na pasa ang nasalo ng Rookie TE na si Brandon Myers at pumosisyon ang Raiders sa 1st and goal sa 3 yardline. Sa sumunod na atake, mapuersang sinugod ni RB Louis Rankin ang end zone at umiskor ng TD at winakasan niya ang mahusay na drive na meron 8 atake at 80 yarda at lumaki ang lamang ng Raiders sa 17-7 habang nalalabi pa ang 11:57 minuto sa 3rd kwarter.

Binawasan ng Dallas ang lead ng Raiders nang si K David Buehler ay ipinasok ang 39-yarda na field goal pagkatapos ng 8-play, 44-yarda na drive at ang iskor ay naging 17-10 para sa Oakland.

Si Rookie WR Nick Miller naman ay gumawa ng isang nakakagulat at napakahimalang pagsalo nang siya ay nag-dive at nag-juggling pa upang kumpletuhin ang 47-yarda na pasa at umabot siya sa 2-yardline ng Cowboys. Sa ikalawang atake, mula sa isang yarda, ipinasok ito ni RB Gary Russell at lumayo na ang Raiders ng 24-10 sa Cowboys. Nasa 4:59 minuto na lang ang orasan sa 3rd kwarter.

Na-three-and-out ang Cowboys at pumasok na quarterback naman si Charlie Frye para sa Raiders. Dinala ni Frye ang Raiders sa simula ng 4th kwarter at umiskor sila nang nagpabaya ng turnover ang Dallas. Kumunekta si Frye Kay WR Will Franklin ng isang 2-yarda na TD at talagang tambak na ang iskor sa 31-10. Kulang sa 10 minuto ang nalalabi na lang sa orasan.

Minsan pang nagbanta na umiskor ang Dallas sa 4th and 4 sa 4-yardline ng Oakland, ngunit pinigilan sila ng mahigpit na depensa ng Raiders. Inubos ng Raiders ang orasan upang maseguro ang panalo.
Magandang pasimula ang rekord ng Raiders sa pre-season, 1-0, at sa susunod na linggo dadayo sila sa Candlestick Park upang harapin ang San Francisco 49ers sa labanan na tinaguriang Battle of the Bay.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising