Kinuha ng Raiders si Running Back Mike Goodson

033012-goodson-story.jpg

Kinuha ng Oakland Raiders si RBMike Goodsonat ibinigay si OL Bruce Campbell sa palitan nila ng Carolina Panthers.

Nakuha ng Oakland Raiders ang running back na si Mike Goodson mula sa Carolina Panthers kapalit ni offensive lineman Bruce Campbell. 

Si Goodson, 24 anyos, ay naglaro ng tatlong season para sa Carolina Panthers, at pumasok siya sa 28 games, tatlong beses na istarter. Gumawa siya ng 501 rushing yards sa 125 na pagtakbo (4.0 avg), umiskor ng tatlong TD at sumalo ng 43 beses para sa 349 yarda.

"Nais namin na kumuha ng isa pang player upang makipag-kumpetensiya sa posisiyon na running back, " sabi ni General manager Reggie McKenzie. "Marami siyang magagawa sa aming opensa. Mahusay siya at natural ang kanyang galing sa pagtakbo, mahusay siyang receiver sa backfield, at maabilidad din na kick-returner.  Makikita natin kung maisasagawa niya lahat ito bilang isang Raider".

Nagpapasalamat din kami sa mga ginawa ni Bruce bilang Raider, at umaasa kami nang maganda para sa kanya", ani McKenzie.

Si Goodson ay maytaas na 6-feet at may timbang na 212-pound at naglaro ng apat na games noong 2011, pagkaraan na maglaro siya sa lahat ng 16 games, tatlo na istarter, noong 2010.  Sa loob ng season na yan siya kumuha ng 452 yarda sa 103 beses na pagdalala ng bola (4.4 avg.) at umiskor ng 3 TD at sumalo din ng 40 resepsiyon para sa 310 yarda.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising