Natalo ang Raiders sa Broncos, 26-13

120612-gamecenter-cp.jpg

Sa pagbabalik ni RBDarren McFaddenmakalipas ng apat na game na di naglaro dahil sa injury, siya ay umiskor ng touchdown nang saluhin niya ang 6-yarda na pasa. Photo by Tony Gonzales.

Tinalo ng Denver Broncos ang Oakland Raiders sa iskor na 26-13 sa Thursday Night Football ng NFL Network sa O.co Coliseum ng Oakland. Nang pumasa si QB Carson Palmer para sa dalawang touchdown nilampasan niya si Cotton Davidson para sa pangsampu sa listahan ng all-time in passing sa kasaysayan ng Raiders history, pero kinulang ito.

Nanalo ang Raiders sa coin toss at ipinagpaliban ang pagtanggap ng bola sa 2nd half. Tinanggap ni WR Trindon Holliday ang opening  kickoff ni K Sebastian Janikowski at binaba niya sa Denver 32. Dinala ni QB Peyton Manning ang Broncos ng 68 yarda sa loob ng 10 play at tinapos niya ang atake ng isang pasa na 6-yarda kay TE Joel Dreessen para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Broncos sa 7-0 sa 10:30 ng 1st kuwarter.

Sinalo ni RB Mike Goodson ang kickoff ni K Matt Prater sa endzone, at dahil sa touchback, nagsimula ang drive ng Raiders sa kanilang 20. Pinigilan ng Broncos ang Raiders sa three-and-out at nag-punt si P Shane Lechler. Tinamaan ni safety Mike Mitchell si Holliday matapos niyang saluhin ang 51 yarda na punt ni Lechler, nag-fumble si Holliday, pero narekober ang bola ni CB Tony Carter sa Denver 25.

Pumasok ang Denver sa loob ng teritoryo ng Raiders, pero sa dulo ng 50 yarda na drive na ginawa sa 10 play, na-sack ni DE Lamarr Houston si Manning sa 3 and 8, kaya napuersa nila ang 43-yarda na field goal ni Prater. Ang iskor ay naging 10-0 para sa Broncos sa 5:09 ng 1st kuwarter.  

Dinampot ni Goodson sa ikalawang talbog ng bola ang kasunod na kickoff at ibinalik niya sa Oakland 19. Matapos ang ilang play, mala-bomba ang ibinato ni Palmer kay rookie WR Rod Streater na kanyang nasalo para sa 58-yarda at umabot sa Broncos 22. Subalit sa sumunod na play, naagaw ni CB Champ Bailey ang pasa ni Palmer. Nagtake-over ang Denver sa Broncos 21.

Sumugod ang Broncos ng 64 yarda sa 10 play bago sumipa ng 34 yarda na field goal si Prater na siyang nagbigay ng 13-0 na lamang ng Denver sa 13:39 ng 2nd kuwarter.

Sinalo ni Goodson ang kickoff sa end zone para sa touchback. Na three-and-out ang Raiders at nag-fair catch si Holliday sa Denver 17. Umabot ang atake ng Broncos sa dako ng goal line at mabuti na lang at naagaw ni CB Phillip Adams nang daybin niya ang bola.

Sa kanilang 20 nagsimula ang Raiders. Hinatak ni Palmer ang team na sumugod ng 80 yarda sa loob ng 14-play, at umiskor sila nang pasahan niya ng 6-yarda si RB Darren McFadden para sa TD. Pumasok din ang extra point ni Janikowski at nabawasan ang lamang ng Denver sa 13-7 sa 1:59 ng 2nd kuwarter.

Na touchback ang kickoff ni Janikowski nang lumipad ang bola sa end zone. Umabot sa gitna ng field ang Broncos bago sila napuersa ng Raiders na mag-punt. Sinalo ito ni WR Denarius Moore sa Raiders 17 at nasa kamay ni Palmer ang bola nang matapos ang first half.

Sa 2nd half, nahinto ang mga Raiders paglampas nila sa midfield, at nag-take over ang Denver sa 9. Sumulong ng 89 yarda ang Broncos sa loob ng 10 play at nahinto sila sa Raiders 2 kaya dito sumipa si Prater ng 20 yarda na field goal.  Nadagdagan ang lamang ng Broncos sa 16-7 sa 7:30 ng 3rd kuwarter.

Si Goodson ang sumalo ng kickoff at dinala ang bola sa Oakland 8. Subalit nakaraan ang ilang play at na-sack si Palmer at nabitawan niya ang bola. Nakuha ito ng Denver sa Raiders 2.

Sinamantala ng Denver ang magandang posisyon at itinakbo ni RB Knowshon Moreno ang isang yarda para sa TD. Kasama ang extra point, lumayo ang Broncos sa iskor na 23-7 sa 5:07 ng 3rd kuwarter.

Na-three-and-out ang Raiders at matapos ang punt, nagsimula ang Denver sa kanilang 36. Nakalapit muli ang Broncos sa loob ng teritoryo ng Raiders at sumipa ng 33 yarda na field goal si Prater kaya naging 26-7 ang iskor para sa Denver. Labingsiyam na segundo na lang ang natitira sa 3rd kuwarter.

Hindi pa rin gumana ang drive ng Raiders at nag punt sila. Napuersa rin ng Raiders na mag-punt ang Broncos. Nabalik ang bola sa Raiders, at pagkaraan ay kumunekta si Palmer kay WR Darrius Heyward-Bey para sa 56-yarda na touchdown. Nagtangka ang Raiders ng  two-point conversion pero nabigo ito at ang iskor ay 26-13 para sa Broncos sa huling 5:36 ng palaro.

Nag-onside kick ang Raiders pero nakuha ito ng Denver sa Oakland 49. Hinawakan ng Broncos ang bola at hindi na ito nabalik sa Oakland bago nagwakas ang game.

Bumaba na sa 3-10 ang rekord ng Raiders sa season at kanilang paghahandaan ang Kansas City Chiefs sa Linggo, Disyembre 16 sa O.co Coliseum.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising