Raiders Inihayag si Cable na Head Coach

 

093008alDavis.jpg

Inihayag ni Al Davis, May-ari ng Raiders na si Tom Cable na ang interim Head Coach noong Martes, ika-30 ng Septiyembre, 2008. -Tony Gonzales

Inihayag ng The Oakland Raiders na si Tom Cable na ang kanilang interim Head Coach, ayon sa anunsiyo ni Al Davis, ang may-ari ng Raiders sa isang press conference na ginawa sa facilidad ng Raiders sa Alameda, California.

Sumapi si Cable sa Raiders noong 2007 bilang offensive line coach. Noong 2007, si Cable ang nag-coach sa offensive line ng Raiders na tumulong sa Pilak at Itim na maging pang-anim sa ranking sa buong NFL sa rushing at Inside the 20 touchdown percentage.  Si Cable, 43 anyos, ay dating offensive line coach ng Atlanta noong 2006, at doon niya pinahusay ang isang pankat na nagdala sa Falcons bilang panguna sa rushing sa buong NFL. Noong 2004-05, si Cable ang offensive coordinator at offensive line coach sa UCLA, at doon niya pinabuti ang pinakamasaganang opensa sa buong bansa.

Noong 2005, si Cable ang humawak sa opensa ng UCLA na nag-average ng 431 yarda sa bawat laro at nakalikom din ng 10 panalo at nakapasok sa isang bowl. Noong 2004, ang opensa ng Bruins sa ilalim ng pamumuno ni Cable ay gumana nang mahigit na 1,000 yarda mula sa nakaraang season habang nag-average ng 410 yarda bawat laro.

 

093008cable1.jpg

Si Tom Cable ay itinuring na interim Head Coach ng The Oakland Raiders. -Tony Gonzales

Si Cable ay naging head coach ng University of Idaho noong 2001-03. Nang siya ay nasa Idaho, ang kanyang mga teams ay nag-average ng 424.1 yarda sa total ng opensa sa bawat palaro. Nag-coach din si Cable ng dalawang taon sa University of Colorado. Noong 1998, siya ay nagsilbing offensive line coach at sa sumunod na taon siya ay na-promote na offensive coordinator. Sa ilalim ng kanyang direksiyon, ang opensa ng Buffaloes ay pang-14th sa buong bansa noong 1999, at may average na 424.9 yarda sa bawat laro.

Ginugol niya ang anim na season (1992-97) bilang offensive line coach sa University of California, at doon niya pinamunuan ang apat na first-team All-Pac-10 selections.

Nag-umpisa si Cable ng kanyang karrera sa coaching sa kanyang Alma mater bilang isang graduate assistant sa Idaho noong 1987 at 1988. Siya ay graduate assistant sa San Diego State noong 1989, isang defensive line coach sa Cal State Fullerton noong 1990 at offensive line coach sa Nevada-Las Vegas noong 1991.

Siya ay taga-Merced, California at naglaro ng apat na taon sa Idaho, tatlong taon bilang starting guard, at naka-isang season siya sa Indianapolis Colts bago siya nagsimula ng karrera sa coaching.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising