GINAWA NG RAIDERS NA MURA AT MAHUSAY SA KALIKASAN ANG BIYAHE SA KANILANG MGA LARO

092608trainlead.jpg


Sa ika-apat na season, nakipag-team up ang Oakland Raiders sa Capitol Corridor upang mabigyan ang mga fans nang madaliang biyahe at mahusay sa kalikasan na sasakyan patungo sa mga home games ng Raiders.

Ang mga Raider fans ay tatanggap ng 25 porsiyento na diskwento sa pamasahe sa mga tren ng Capitol Corridor patungo sa Oakland-Alameda County Coliseum sa lahat ng mga regular season na home games sa 2010 season. Sa mga araw ng laro ay meron 32 na tren ang namamasada sa pagitan ng Sacramento at ang Bay Area kung saan nagbibigay ang Capitol Corridor ng maligayang karanasan sa buong pamilya at ginagawang simple lang ang biyahe.

"Ipinagmamalaki ng Capitol Corridor na kapartner namin ang Raider Nation at aming padadaliin ang pagpunta sa mga home games," sabi ni Capitol Corridor Joint Powers Authority Chair Jim Holmes. "Sa handog namin para sa Raider Nation ay makakatipid kayo sa pamasahe, sa gasolina at matutuwa kayo sa inyong biyahe na walang aberya, maginhawa na pagsakay  at di na problema ang pagmaneho."

Kung mamimili ng mga tiket, ay mag-logon sa www.CapitolCorridor.org at ipasok ang code H842 upang makakuha ng 25 porsiyento na dskuento, o tawagan ang 1-877-9-RIDECC (1-877-974-3322) para sa detalya.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising