Skip to main content
Raiders
Advertising

Ika-10 Taon ng Youth Skills Camp

061410-ysc-story.jpg


Sa isang maliwanag at mainit na umaga ng Sabado sa Oakland Raiders Alameda headquarters, dalawang daang kabataan, kasama nang kanilang mga magulang at nakasuot ng Pilak at Itim ay sumali sa ika-10 taon ng Raiders Youth Skills Camp, na tinangkilik ng Wendy's at Lucky.

Lahat ay panalo dahil ang mga manlalaro ay nakilala nila ang mga fans at ang mga fans ay nakilala ang kanilang mga bayani sa putbol sa field na kung saan ginaganap ang laro. Higit na mahalaga sa lahat, nabigyan ang Raiders ng pagkakataon na kumunekta sa mga nakababatang miyembro ng Raider Nation. Dinumog ng mga kabataan si  Raiders 2010 first round draft pick na si Rolando McClain, na siyang nagbigay payo na "maglaro ng mabilis at mag-ensayo ng mabilis." 

Ang sabi naman ni Hall of Famer na si Willie Brown sa mga kabataan na matutuhan nila sa kampong ito ang mga kailangan sa pagtatagumpay sa buhay at sa palaro. Ang mga manlalaro, mga coach at mga bata ay hinati-hati sa mga grupo at sumali lahat sa labinlimang parte na drill program nang stretching at sprinting. Sa paniwala ni special teams coordinator na si John Fassel, na tatlong taon ng sumasali sa kampu, na lalong maiintindihan ng mga kabataan ang larong putbol at lalong mapupuri nila ang mga players kapag nakita sa kampu kung gaano katindi ang pag-eensayo at pagsisikap ng mga players upang gumaling.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising