Ang Oakland Raiders, Ang Team ng mga Dekada, ay mapagmalaking inihayag ang panibagong pagtangkilik ng AirAsia, ang pinakamalaking lowfare na airline sa Asia. Ang Raiders, ay matagal nang kinikilala bilang isang organisasyon na nagpapalaganap sa popularidad ng putbol sa buong mundo, at ngayon ay makikisama sila sa AirAsia upang masilbihan at mapalawak ang pandaigdigan na fan base ng franchise.
|
Upang mabigyan diin ang pagtangkilik ng AirAsia, isang A340 airliner na pinangalanan na "Xcellence" ay palalamutian ng mga marka at mga simbolo ng Raiders, kasama rito ang panangga ng Raiders sa buntot ng eroplano at ang eyepatch sa may nguso nito. At saka meron din paligsahan sa internet ang AirAsia na tinawag na "1,000 Seats Courtesy of Air Asia" na kung saan pipili nang random ng isang daan na estudyante at sila ay bibigyan ng pagkakataon na manalo ng isang libreng tiket sa isang home game ng Raiders. Ang detalya ng programang ito ay mababasa sa Raiders.com.
"Kami ay tunay na nasisiyahan sa aming bagong relasyon sa AirAsia," sabi ni Amy Trask, ang Chief Executive ng Raiders. "Natatangi at magilas ang relasyon nang dalawang tunay na pandaigidigan na organisasyon. Kagaya ng dati, sabik kaming hanapin ang mga malikhain na oportunidad upang masilbihan at makIpag-ugnay sa aming mga fans sa buong mundo at kami ay nasisiyahan na makisama sa AirAsia sa ganitong gawain."
Isang lider sa industria ng putbol na naghahatid ng kaalaman sa sanlibutan na mga fans, ang Pilak at Itim ay itinataguyod ang katayuan nila sa daigdig at inihahatid ang mga balita sa buong mundo sa pamamagitan ng opisyal na propiedad ng team sa internet na doon makikita ang orihinal at naisalin na mga babasahin sa anim na iba't ibang wika - Tagalog, Hapones, Aleman, Intsik, Espanyol at Ingles. Ang Raiders ay nanguna at patuloy na nangunguna at natatanging team sa NFL na gumawa ng buo at makasariling websayt sa wikang Espanyol. Maraming tagasubaybay sa buong daigdig ang Raiders at kanilang dinadagdagan ang popularidad ng NFL sa sanlibutan sa kanilang paglalaro sa mga American Bowls na ginawa sa London, Barcelona, Tokyo at Mexico City.
Ang Air Asia, ang pangunahing low-fare na airline sa Asia, ay mabilis ang paglawak simula pa noong 2001 at nagkamit ng mga awards at naging pinakamalaking low-cost na airline sa Asia. Nakabase sa Malaysia, ang AirAsia ay meron fleet na 80 eroplano na patungo sa mahigit na 65 na destinasyon na lokal at internasiyonal, at meron silang 122 rota, at nagpapalipad ng mahigit na 400 flights araw-araw mula sa mga hub sa Malaysia, Thailand at Indonesia. Ngayon ang AirAsia ay nakapagdala na ng mahigit na 65 milyon na pasahero sa buong rehiyon at patuloy na binubuka ang kanilang pakpak upang mapalawak pa ang kanilang network na rota sa pamamagitan ng kanilang kasamahang mga kompanya, ang Thai AirAsia at Indonesia AirAsia.
"Makahulugan ang sandaling ito sa aming lahat sa AirAsia," sabi ni Dato' Sri Tony Fernandes, ang AirAsia Group CEO. "Kami ay lubos na masigla na makipag-ugnay sa isang dakila at kahanga-hangang team na kagaya ng Oakland Raiders dahil sa kaparis namin sila na nagsusumikap na maging pinakamahusay."
Ipagdiriwang ng Raiders ang kanilang ika-50 na season sa 2009 at uumpisahan ang kampanya sa Monday Night Football laban sa San Diego Chargers sa Septiyembre 14. Upang bumili ng tiket tumawag sa 1-800-Raiders o di kaya bumisita sa Raiders.com.