Skip to main content
Raider Nation Stand Up
Advertising

Ipagdiriwang ng Raiders Ang Pamana ng Lahing Pilipino

[

LuckyLogo200.jpg

](http://www.luckysupermarkets.com/)Ang Ikalawang Raiders Mabuhay Fiesta ay gaganapin sa Linggo, ika-18 ng Oktubre, sa okasyon ng laro ng Oakland Raiders laban sa Philadelphia Eagles sa Oakland-Alameda County Coliseum. Bilang pagpupugay sa Buwan ng Pamana ng Lahing PIlipino, pupunuin ang istadyum ng mga palabas na naka-aaliw sa mga Pinoy. Matagal na ang tradisyon ng Raiders na itampok ang mga iba't-ibang kultura at sila ang unang team na propesyonal sa Amerika na meron seksiyon na Tagalog sa kanilang websayt simula pa noong 2007 - www.raidersintagalog.com.

"We are pleased to again celebrate Filipino Heritage Month and to salute our Filipino fans as part of our long standing tradition to our global and multicultural fans," sabi ng Chief Executive ng Raiders na si Amy Trask.

Ang mga fans ay inaanyayahang bisitahin ang Raiderville – ang bagong aliwan sa pre-game – na matatagpuan sa parking lot G ng Coliseum. Mapapanood sa entablado ng Raiderville ang mga sumusunod na mga mang-aawit at mga artistang Pinoy; Lil Jordan, Mike Dash E, Desi Arnez, Divo Bayer, TTB Hip Hop's Bwan and Mr. Rey, Jern-Eye, Jeremy John, at mga dance group na sila Soulciety at Step, Styles & Spotlights. Maririning din ang mga Filipino DJs na sina CMC, B-Strut, Steez-O, at Samala.

Pararangalan sa field ng Oakland Raiders ang mga sumusunod na mga non-profit na organisasyon na Pilipino: Filipino American Arts Exposition, Filipina Women's Network, The ABS-CBN Foundation at ang Young Filipino Professional Association. Dahil sa sila ang mga tampok na tagasuporta ng Raiders Mabuhay Fiesta, sila ay makikinabang sa Raiders Ticketing Fundraising Program. Sa mga mabebentang tiket ay magbabahagi ng pondo para sa mga nasabing organisasyon, at gagamitin ito bilang ayuda sa mga nasalanta at tulong sa pagpagawa ng mga napinsala ng bagyong Ondoy sa Pilipinas.

Naka-iskedyul na darating din sana ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ng Top Rank, subalit dahil sa nakaraang kapinsalaan na idinulot ni Ondoy, kinansel ito. Si Manny ay abalang tumutulong sa pag-ayuda sa mga nangangailangang kababayan sa Pilipinas.

"Ang World Champion na si Manny Pacquiao ng Pilipinas ay umaasang makarating sa Oakland Raiders Filipino Heritage game sa Linggo, Oktubre 18. Libu-libo ang mga fans ni Manny sa Bay Area. Nagagalak siya na maging panauhing pandangal siya sa 2009 Raiders Mabuhay Fiesta game," sabi ng Top Rank Chairman of the Board na si Bob Arum. "Si Manny, ang pambansang idolo, at ang kanyang team ay masugid na tumutulong sa nasalantang mga pamilya. Nakakalungkot ang nangyari. Sa palagay ni Manny, gayundin kami, na ang dapat niyang gawin ay manatili muna sa Pilipinas upang makatulong sa mga biktima ng pambansang kalamidad."

Mayroon mensahe si Manny na ipaabot ng video at ipalalabas sa laro sa Linggo at doon niya babatiin ang Raiders Filipino Heritage Game at hihikayatin niya ang Raider Nation na sumuporta sa mga nasalanta. Sa gayunding layunin na ang World Champion Fighter na si Anna "The Hurricane" Julaton, ay darating sa Raiderville , kasama ng ibang mga celebrities na Pinoy, at bago mag-umpisa ang laro, siya ay magpipirma ng mga awtograp kapalit ng donasyon para sa mga biktima ng kapinsalaan.

Isa sa mga pinakamatagumpay na koro sa Asia at sa buong daigdig ay ang University of the Philippines Madrigal Singers at sila ang kakanta ng Pambansang Awit ng USA. Sa half-time naman makikita ang pagtatanghal ng tatlong dance ensembles na may kakaibang uri ng pananayaw. Ang Parangal Dance Company ay magpapalabas ng isang sayaw ng pagsamba, ang Subli, samantalang ang Likha Pilipino Folk Ensemble ay magpapakita ng kanilang sariling salin sa tradisyonal na Tinikling. Gagamit naman ng tinghoy lampara bilang mga alitaptap, ang Kawayan Folk Arts sa kanilang pagsayaw ng Pandanggo Sa Ilaw.

Sa Raiders Mabuhay Fiesta 2009 ay itatampok din ang isang limited edition na souvenir na Filipino rally towel. Dahil nga sa lider ang Raiders sa pagbebenta ng mga bilihin sa NFL, pinalalawak nila ang kanilang fan base sa buong mundo kaya nag-aalok sila ng t-shirt na pang-alaala sa Filipino Heritage Game. Mabibili ang Raider Filipino t-shirt sa mga tindahan sa loob ng istadyum at sa mga napiling Raider Image store at sa online sawww.raiderimage.com.

Dati nang nangunguna ang Raiders sa loob at labas ng field, sa kanilang outreach sa pandaigdigan. Malawak ang popularidad sa boung daigdig ng Pilak at Itim at sila ay nakiki-ugnay sa kanilang fans sa pamamagitan ng websayt na nakasalin sa anim na wika - Tagalog, Hapones, Aleman, Intsik, Espanyol at Ingles.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising