Tinapos ng Oakland Raiders ang unang linggo ng 2012 off-season program, kung saan nagkasama-sama muli ang mga players, at nakilala nila ang mga bagong mukha, at naipakilala sila sa mga coaching staff. "Magaling ang unang linggo ," sabi ni LB [Aaron Curry . "Di pa ako ganito ka-eksayted na makasama muli ang aking mga teammates at makita ang lakas ng bawat isa sa Commitment to Excellence."
Ang mga players na naroroon ay masugid na nag-ensayo sa ilalim ng mga strength and conditioning coaches upang umabot sa kanilang pinakamalakas na kondisyon pagdating ng simula ng 2012 season. "Masarap ang pakiramdam ko," sabi ni T [Khalif Barnes . "Sinagupa namin ito na napaka-pisikal. Ang aming lakas at kondisyon ay napakatindi nang lumabas kami para sa unang linggo. Maganda ang aming ginawa."
Ang pangalawang taon na QB na si Terrelle Pryor ay namangha sa tindi ng pangako at pagkawili ng kanyang mga teammates. "Lahat ay mapag-unlad at kami ay masipag na mag-ensayo upang maabot ang hinahangad," ani Pryor. "Magandang makita ko ang lahat na masipag kumayod."
Umaasa ang mga players na lumakas ang kanilang pagsasama sa off-season program upang tumuloy din ito sa kanilang pagsasama sa field. "Hangad namin na magkaroon ng kemistri, di lamang sa field, pero sa labas din, at magkakilalanan kami bilang mga tao at mga players."
Kasama sa bonding nila sa weight room, sila rin ay kumakayod kapag me miting sila sa kanilang mga coach. "Nais kung matutuhan lahat nang kaya kong alamin, parang sponge, at aralin lahat," sabi ni Pryor. "Mas mahusay ang takbo namin ngayon kaysa noong nakaraang taon pagdating ko rito, at ngayon mas marami na akong nalalaman. Hangad kong maging marunong at mas magaling na player ng putbol."
Para kay Pryor, ang pagkakaroon ng quarterbacks coach na si John DeFilippo ay isang magandang pagbabago. "Noon nakaraang taon, wala kaming quarterback coach," paliwanag ni Pryor. "Ngayong taon, meron na, kaya mas mabuti dahil nasasabayan namin siya at kahit na malalim ang ipinaliliwanag niya tungkol sa opensa, naiintindihan ko at okey na okey sa akin.
Ngayong patapos na ang unang linggo, masaya si Barnes sa ginawa niya. "Na makasama muli ang mga kaibigan ko, at matutunan muli ang mga laro ay napakabuti. Masarap bumalik muli sa putbol," sabi ni Barnes.
Balik-ensayo muli ang team sa Lunes, para sa kanilang pangalawang linggo ng off-season na pagpapawis.