Skip to main content
Raiders
Advertising

Patuloy na Pagsubaybay ng Training Camp

073011-article.jpg

Pumasok ang mga The Oakland Raiders sa kanilang Training Camp sa Napa Valley Training Complex noong Miyerkules, Hulyo 27, at nag-umpisa nang mag-ensayo para sa 2011 season. Karaniwan sa bawat araw ng training, ang team ay nagsisimula ng walk-through sa umaga. Bumabalik sila sa field sa kalagitnaan ng hapon para sa kabuuang pag-ensayo. Pagkatapos, humaharap si Head Coach Hue Jackson sa media session. Sa gabi lahat ng mga kuwento, litrato at video ay ginagawa at inilalathala sa Raiders.com.

Ang mga sumusunod ay kasama sa coverage:

Behind the Shield: Online

Si Jeanette Thompson ang punong-abala ng Behind the Shield: Online at araw-araw na inihahatid niya ang mga nangyayari sa loob at labas ng field. May dalang HD mini-camcorder si Jeanette at kanyang kinukunan at ini-interbiyu ang ibat-ibang tao upang ihatid ang bawat bahagi ng training camp sa kanilang Napa Valley Training Complex.

Mga Media Session ni Coach Jackson

Kasama sa iskedyul ni Raiders Head Coach Hue Jackson na harapin ang media sa bawat araw na ang team ay nasa training camp. Isasama natin ang mga video highlights at ang kopya ng Q&A ng bawat media session dito sa online araw-araw. Iuulat ni Coach Jackson ang mga detalya ng progreso ng mga player at mga inaasahan niya para sa darating na season.

Photo Gallerya

Makikita ninyo nang malapitan ang mga player ng Raiders sa ating comprehensive photo gallerya kasama pa ang mga aksyon na litrato mula sa sidelines ng training camp sa Napa.

Kopya ng Player Q&A

Inyong danasin din ang experyensa ng training camp sa mga pangungusap ng mga players ng Oakland Raiders na salin mula sa Q&A na kuha sa mga media sessions sa field.

Mga Tampok na Istorya

Ihahatid namin sa inyo ang mga tampok na mga kuwento ng mga players ng Raiders at ang kanilang pagsisikap sa field at sa komunidad, at gayundin ang mga iba pang gawain ng organisasyon.

Twitter

Para sa mga maiikling tala at pangungusap mula sa field, tiyakin na sundan ito sa Raiders on Twitter.

Facebook

Para sa mga karagdagang tala, pangungusap, mga kuwento at mga links, siguraduhin lamang na mag-"like" sa Raiders official Facebook page.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising