Skip to main content
Raiders
Advertising

Patungo ang Raiders sa Minneapolis

111411-janikowski-notes-story.jpg

PETSA: Linggo, Nob. 20, 2011, sa 10 n.u. PT | POOK: Mall of America Field, Minneapolis

NGAYONG LINGGO: Ang The Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference , ay nasa kanilang ika-52  na season ng kumpetisyon sa putbol na propesyonal. Sa unang siyam na laro nila sa 2011 regular season, nakalaban ng Raiders ang mga teams ng American Football Conference teams, kasama roon ang tatlong sunod-sunod na laban sa mga karibal sa AFC West. Sa darating na Linggo ay makakalaban ng Pilak at Itim ang unang intra-conference na karibal nang dadayuin nila ang mga Minnesota Vikings sa Minneapolis na miyembro ngg NFC North.

TELEBISYON: Naka-TV ang laro sa CBS, at ihahatid ang play by play ni Kevin Harlan at ng dating manlalaro ng NFL na si Solomon Wilcots bilang color analyst. Mapapanood ito sa Bay Area sa KPIX Channel 5. Ipapalabas din ang laro sa Sacramento ng KOVR Channel 13at sa Chico ng KHSL, sa Monterey ng KION at sa Fresno ng KJEO.

RADYO: Ang laro ay maririnig na live sa Raiders Radio Network at magmumula sa KITS LIVE 105.3 FM, ang flagship na estasyon ng Pilak at Itim para sa Radio Network na umaabot sa ibat ibang estado. Si Greg Papa at ang ang dalawang beses na nagkampeon sa Super Bowl na si head coach Tom Flores ay mag-aanunsiyu ng ika-14 na taon. Ang pregame at postgame how sa radio ay itatampok sila George Atkinson at David Humm parehong mga lehendaryong Raiders.

RADYO ESPANYOL:Lahat ng mga laro ng Raiders sa taong 2011 ay maririnig sa Espanyol sa Bay Area sa estasyon ng KCNL 104.9 FM. Si Fernando Arias at si Ambrosio Ricoang mag-aanunsiyu.

SERYE NILA:  Ito ang pang-13 na sagupaan ng mga Pilak at Itim at ng mga Vikings. Nakalalamang ang Raiders sa panalo, sa rekord na 8-4, simula pa noong unang laro nila noong 9-9-73.

MAGKALABAN SA SUPER BOWL: Naglaban na ang mga Raiders at mga Vikings sa  postseason, ng sila ay nagharap sa Super Bowl XI sa Rose Bowl sa Pasadena, Calif. Nanalo ang Raiders sa Minnesota, sa iskor na 32-14 sa harap ng 103,424 katao at dito nila nakamit ang una sa kanilang tatlong World Championships sa Professional Football.

MGA KUNEKSIYON

RAIDERS:Naglaro sa Minnesota si* *CB Lito Sheppard sa 2010…kasama rin ni Sheppard si Vikings QB Donovan McNabb sa Philadelphia Eagles…at si Sheppard ay naturuan din ng head coach ng Vikings na si Leslie Frazier nang siya ay defensive backs coach sa Philadelphia…si Linebackers coach Greg Biekert ay naka-two season din bilang manlalaro sa Vikings…si QB Jason Campbell at LB Quentin Groves ay kasamang naglaro ni Vikings WR Devin Aromashoudu sa Auburn…si TE Brandon Myers at mga Vikings DT Christian Ballard at LB Chad Greenway ay naglaro sa Iowa…si TE David Ausberry ay naglaro sa USC nakasam si Vikings DE Everson Griffen…si S Michael Huff ay karantso ni Vikings CB Cedric Griffin at LS Cullen Loeffler sa Texas…si DE Jarvis Moss at WR Louis Murphy ay naglaro sa Florida kasama ni Vikings WR Percy Harvin…sila WR Darrius Heyward-Bey, G Bruce Campbell at T Stephon Heyer ay naglaro sa Maryland kasama si Vikings LB Erin Henderson…ang Safeties coach na si Kevin Ross ay assistant secondary coach para sa Vikings noong 2003-05…si Vikings head coach Leslie Frazier ay dating defensive coordinator para sa Cincinnati Bengals, nang sila QB Carson Palmer at si WR T.J. Houshmandzadeh ay narororoon…si Frazier at Raiders head coach Hue Jackson ay sabay na coach sa Bengals nong 2004 …si S Matt Giordano ay na-coach ni Frazier noong 2005-06 nang si Frazier ay coach ng defensive backs sa Indianapolis Colts.  

VIKINGS:Si S Eric Frampton ay na-draft ng Raiders noong 2007 at nakasama sa club hanggang sa training camp… si Frampton ay taga-San Jose at nag-aral sa Oak Grove High School…si DE Jared Allen ay taa-Los Gatos at nag-attend sa Live Oak High School at Los Gatos High School…si WR Greg Camarillo at RB Toby Gerhart ay parehong nag-Stanford…si K Ryan Longwell ay galling sa Cal…si Offensive Coordinator Bill Musgrave ay dating coach ng mga quarterbacks ng Raiders noong 1997… si Defensive coordinator Fred Pagac ay nag-coach ng linebackers para sa Raiders noong 2001-03…si Running backs coach James Saxon ay pumasok sa American River JC in Sacramento (1984-85) at sa San Jose State (1986-87) at nag-coach sa Menlo College noong 1999.

NAKARAANG LARO:Sa isang labanan ng mga magkaribal sa American Football Conference Western Division at datihang magka-away sa American Football League, ay nagtagumpay ang The Oakland Raiders sa Chargers ng San Diego, sa iskor na 24-17. Ito ay ipinalabas sa Prime Time sa Thursday Night Football ng NFL Network noong Nobiyembre 10.

SA LINGGONG DARATING:Paghahandaan ng Raiders ang mga Chicago Bears ng  National Football Conference Northern Division sa O.co Coliseum sa Linggo, Nobiyembre 27. Ito ay ang pangalawang paghaharrap nila sa kasalukuyang season. Sa taong ito, lalabanan ng Pilak at Itim ang apat na teams ng NFC North, at sila ay dadayu sa Minnesota at Green Bay at paghahandaan ang Chicago at Detroit.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising