Nasalo ni WR[Darrius Heyward-Beyang 41 yarda na pasa at isinalang ang unang TD ng Raiders. Photo by Tony Gonzales.
Nanalo ang Raiders sa pambungad na coin toss at pinili nilang tumanggap ng bola sa umpisa ng laro. Ibinalik ni RB Mike Godson ang opening kickoff ni K Jason Hanson hanggang sa Oakland 21. Umabot ang salakay ng Raiders sa Lions 13 bago sumipa ng 30 yarda na field goal si K Sebastian Janikowski pero nagmintis siya sa 8:36 sa orasan ng 1st kuwarter. Nag-umpisa ang opensa ng Lions sa Detroit 20.
Naunang umiskor ang Detroit nang ipasok ni Hanson ang 41 yarda na field goal at nag-lead ang Lions ng 3-0 sa 1:51 ng 1st kuwarter. Tinapos ng field goal ang kanilang atake na umabot ng 57 yarda sa 12–play.
Si RB Taiwan Jones ang sumalo sa kasunod na kickoff at dinala niya ang bola ng 20 yarda hanggang sa Oakland 13. Pagkatapos ng isang first down, napuersang nag-punt ang Raiders. Pumasok si P Shane Lechler, sa kauna-unahang pagkakataon ngayong 2012 preseason at sumipa ng 41-yarda na punt. Nag-fair catch si WR Titus Young sa Lions 32.
Pumasok sa Oakland 49 ang atake ng Lions bago sila natigil ng depensa ng Oakland at nag-punt si P Ben Graham. Nag-false start muna ang Detroit bago sumipa ng 40 yarda na punt na sinalo ni CB Bryan McCann pero siya ay bumagsak agad sa Oakland 14.
Salamat sa mala-bomba na pasa na 41 yarda ni QB Carson Palmer kay WR Darrius Heyward-Bey, at sumapit ang Raiders sa distansiyang pag-iskoran. Subali't sunod-sunod na natigil sila ng Detroit at mukhang naharang din nila si McFadden sa 4th and goal sa 1. Hinamon ni Head Coach Dennis Allen ang unang pasiya ng reperi at nanalo siya at ibinigay ang touchdown sa Raiders. Pumasok din ang sinipa na extra point ni Janikowski at lumamang ang Raiders ng 7-3 at nalalabi na lang ang 6:29 sa 2nd kuwarter.
Ibinalik ni CB Justin Miller ang kickoff ng 80 yarda hanggang sa Raiders 21. Pumasok na quarterback si Shaun Hill dahil sa nasaktan si Matthew Stafford. Tumigas ang depensa ng Raiders at nakonsuelo ang Lions sa 30-yarda na field goal si Hanson. Nabawasan ang lamang ng Raiders sa 7-6 sa 5:24 ng 2nd kuwarter.
Ibinalik ni Jones ang bola mula sa kasunod na kickoff hanggang sa Oakland 17. Pagkaraan ng ilang play, isang screen pass ni Palmer para kay Jones ang naagaw ng Lions at dinala sa Raiders 7. Sa 3rd and goal sa 8, natagpuan ni Hill si WR Calvin Johnson sa 2. Sa 4th and goal, naging matatag ang depensa ng Raiders at nahinto ang atake. Nag-take over sila sa kanilang 2 sa 3:16 ng 2nd kuwarter.
Patuloy ang pagsugod ng Raiders nang talunin ni WR Eddie McGee ang bola pero di niya nadakma ito at naagaw ni LB Stephen Tulloch at nag-take over ang Detroit sa kanilang 37. Nahinto sila ng depensa ng Raiders sa three-and-out at matapos na masalo ni McCann ang punt, ay nag-umpisa ang salakay ng Raiders sa kanilang 28..
Pagkaraan ng ilang play, matapang na dinayb ang linya ng out of bounds ni Jones para matigil ang orasan sa huling 5 sandali ng 2nd kuwarter, upang makasipa ng field goal si K Eddy Carmona at sa distansyang 56 yarda ay ipinasok ito ni Carmona kaya lumamang ng 10-6 ang Raiders sa halftime.
Sa 3rd kuwarter, ibinalik ni WR Nate Hughes ang opening kickoff ni Carmona hanggang sa Detroit 28. Dinala ni Hill ang pag-atake at natagpuan niya si TE Brandon Pettigrew para sa 7-yarda na TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Detroit ng 13-10 sa 9:33 ng 3rd kuwarter.
Pagkaraan na maibalik ni RB Mike Goodson ang kickoff, pumasok si Terelle Pryor na quarterback ng Raiders. Isang first down lang at nagpunt si Lechler. Nag-fair catch si WR Patrick Edwards sa Lions 5.
Isang first down ang binigay ng Raiders bago nila napuersa ang punt ng Lions. Sumalakay ang Raiders at salamat sa 59-yarda na scramble ni Pryor ay umabot sila sa Lions 14. Pagkaraan ng dalawang play, humagibis si Pryor ng 17 yarda para sa end zone. Pasok din ang PAT ni Carmona at bumalik ang lamang sa Raiders na 17-13 sa huling 30 segundo ng 3rd kuwarter.
Lumipad sa endzone ang kickoff ni Carmona at nagsimula ang atake ng Lions sa 20. Ang agresibong depensa ng Raiders ay nagbunga ng three-and-out at nag-fair catch si McCann sa Oakland 45.
Ilang play ang nakaraan at si Pryor ay pumasa nang malalim sa teritoryo ng Lions at natagpuan si rookie WR Juron Criner para sa 39 yarda na touchdown. Kasama ang PAT ni Carmona at lumaki ang lamang ng Raiders sa 24-13 sa 11:44 ng 4th kuwarter.
Pumasok si Kellen Moore na quarterback para sa Detroit at nagsimula sa Detroit 23. Na-sack siya ni DT Jamie Cumbie at nahinto sila kaya nag-take over ang Raiders sa kanilang 9 pagkatapos ng punt.
Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si Lechler. Kamuntik nang mabitawan ni Edwards ang 48-yarda na punt pero na-rekober niya sa Lions 38. Isang first down lang bago sila nahinto ng Raiders para mag-punt. Ibinaba ang punt sa Oakland 24.
Pumihit sa kanan si Pryor at eksaktong tinamaan niya si Criner para sa 76-yarda na TD. Pumasok ang extra point ni Carmona at lumayo ang Raiders sa 31-13 sa 5:29 ng 4th kuwarter.
Kumuha ng isang panghuling touchdown ang Lions bago pumasok sila Raiders QB Kyle Newhall-Caballero at RB Lonyae Miller upang isara ng mahusay ang game at mapanatili ang tagumpay.
Tatapusin ng Raiders ang 2012 Preseason sa susunod na Huwebes sa Seattle.