Ginulpi ng [**
**](http://www.newyorkjets.com/) ang Oakland Raiders, sa iskor na 38-0, sa kanilang 'bahay' sa Oakland-Alameda County Coliseum sa Oakland, Calif., sa Linggo 7 ng 2009 regular season.
Nanalo sa opening coin toss ang Raiders at piniling mag-receive. Si CB/KR [Jonathan Holland ang sumalo sa sipa ni K Jay Feely at dinala ang bola sa Oakland 23 pero dahil sa illegal block, na-penalty sila at ibinalik ang bola sa Oakland 10. Si [JaMarcus Russell ang nag-start na quarterback at agad siyang na-sack at nag-fumble. Na-recover ng Jets ang bola sa Raiders 4.
Pumasok si Mark Sanchez na quarterback ng New York. Sa pang-apat na play ay 4th and goal sa 1-yardline at itinakbo ni RB Thomas Jones ang bola sa endzone. Kasama ang extra point ni Freely ay lumamang ang Jets ng 7-0 sa 12:54 ng unang kuwarter.
Sa sumunod na posesyon ng bola, na-three-and-out ang Raiders at na-punt si P [Shane Lechler . Nag-fair catch si Safety Jim Leonhard sa Jets 25.
Hininto ng depensa ng Raiders ang mga Jets sa New York 48 at nag-punt si P Steve Weatherford at sa Oakland 14 nag-umpisa ang Raiders. Ang pasa ni Russell ay na-intersep ni Leonhard at dinala niya ang bola sa Raiders 4-yard line. Sa 2nd and goal itinakbo ni QB Sanchez ang nalalabing 3 yarda para sa TD. Pumasok muli ang extra point ni Feely at lumamang ng 14-0 ang Jets sa 4:20 ng unang kuwarter.
Dahil sa na-touchback ang kickoff, sa 20 nag-umpisa ang drive ng Raiders at umabot sila saJets 33. Pero ang pasa ni Russell para kay WR [Todd Watkins sa endzone, ay na-intersep ni CB Darrelle Revis at nag-take over ang Jets sa kanilang 20.
Na three-and-out naman ng Raiders ang Jets at napilitang mag-punt. Inistrokan sila ng Jets nang fake punt at kumuha ng 16 yarda si Weatherford pero matigas pa rin ang depensa ng Oaklnd at nag-punt muli ang Jets. Si Higgins ang nag-receive, pero hanggang midfield lang ang atake nila bago nag-punt si Lechler. Sa New York 7 na-down ang punt.
Umabot ng 10 play at 93 yarda ang atake ng Jets at tinapos ito ni RB Shonn Greene ng isang 8-yard touchdown run. Lumayo ang lamang ng Jets sa 21-0 at meron 5:51 pa sa 2nd kuwarter.
Pumalit na quarterback si [Bruce Gradkowski at dagliang na-three-and-out ang Raiders kaya nag-punt si Lechler.
Sa loob ng 12 play ay umabante ang Jets ng 76 yarda at sumipa si Freely ng 39 yarda na field goal at nasa 24-0 na ang lamang ng Jets. Natapos ang 1st half nang saluhin ni FB [Luke Lawton ang kickoff.
Sa 2nd half, umabot din ang atake ng Raiders sa loob ng teritoryo ng Jets pero na-sack at nag-fumble si Gradowski at naagaw ng jets ang bola sa kanilang 34. Kumunekta si Sanchez kay WR David Clowney ng isang 35-yard TD at kasama ang extra point ni Freely, tinambakan na ang Raiders ng 31-0 sa 5:28 ng ikatlong kuwarter.
Umabante muli ang Jets sa teritoryo ng Raiders pero na-sack si Sanchez at mula sa 37 yarda ay nag-mintis ng field goal si Freely. Pagkatapos na ma-three-and-out ang Raiders, ay umatake uli ang Jets at tinapos ito ni Green ng isang 33 yarda na touchdown. Kaya sa 6:30 sa orasan , 38-0 na ang lamang ng Jets.
Hindi na naka-iskor ang Raiders at inubos na lamang ng Jets ang orasan.
Bumagsak sa 2-5 ang rekord ng Raiders at sa susunod na Linggo 8 ng 2009 regular season ay dadayo sila sa San Diego upang hamunin ang Chargers sa QUALCOMM Stadium.