Bumulusok si RB[Darren McFadden(20) ng 64-yarda para sa TD at nagtabla ang game sa 7-7.
Ang 43 yarda na field goal na sinipa ni K Sebastian Janikowskibago nagtapos ang orasan ng game ang siyang nagpanalo sa Raiders ng 34-31 laban sa Pittsburgh Steelers sa isa na namang klasik na labanan ng Raiders at Steelers. Si RB Darren McFadden ang unang umiskor para sa Raiders sa kanyang magilas na pagtakbo ng 64-yarda na touchdown patungo sa kanyang pangsampu na 100-yarda na rushing day. Si TE Richard Gordon ay sumalo din para sa kanyang unang TD reception sa kanyang career.
Bago nag-umpisa ang laro, pinarangalan nang masagisag na tanglaw si Al Davis at ito ay sinindihan ni Marcus Allen, ang Hall of Famer na running back. Ipinagdiwang din ng Raiders ang Hispanic Heritage Day at pinarangalan ang mga Bay Area Olympians at nagpalabas din ang Junior Raiderettes.
Nanalo ang Steelers sa coin toss at ipinagpaliban nila ang pagtanggap ng bola sa 2nd half. Si K Shaun Suisham ang sumipa ng pambungad na kickoff at sinalo ito ni FB Marcel Reeceat dinala ang bola sa Oakland 41. Pumasa si QB Carson Palmer kay WR Denarius Moore pero bumagsak siya at naagaw ang bola ni S Ryan Clark, at dinala nito sa Raiders 36.
Sinamantala ni QB Ben Roethlisberger ang magandang palad nila at sa loob ng 7 play umatake ng 36 yarda na winakasan ng 4 yarda na pasa kay TE Heath Miller para sa TD. Pumasok ang PAT at lumamang ang Steelers ng 7-0 sa 11:33 ng 1st kuwarter.
Si Goodson ang sumalo sa kasunod na kickoff at iniluhod ang bola para sa touchback. Bumawi agad ang Raiders ng bumulusok si RB Darren McFadden ng 64-yarda para sa TD sa dulo ng 3 play at 80 yarda na drive. Pumasok din ang PAT ni K Sebastian Janikowski at nagtabla ang laban sa 7-7 sa 10:33 ng 1st kuwarter.
Pinabagsak ni DB Phillip Adams si RB Chris Rainey sa Pittsburgh 19 matapos nitong tanggapin ang kasunod na kickoff. Si Miller muli ang sumalo at tumapos sa 4 yarda na TD pasa sa dulo ng 81 yarda na matagumpay na atake ng Steelers. Lumamang ang Steelers ng 14-7 sa 3:49 ng 1st kuwarter.
Touchback ang sumunod na kickoff dahil sa lumipad ang bola sa endzone. Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si P Shane Lechler. Ibinalik ni WR Antonio Brown ang 60 yarda na punt sa Raiders 48. Napuersa rin ng Raiders ang three-and-out at nag-fair catch si Adams sa Raiders 14.
Muling three-and-out ang Raiders at sa Pittsburgh 18 nagsimula ang Steelers. Pagkaraan ay nag-punt din ang Steelers at sumablay ang punt ni Butler sa tagiliran ng Oakland 40. Doon nagsimula ang pagsugod ng Raiders ngunit na-three-and-out sila.
Pagkaraan ng ilang play, nabitawan ni RB Jonathan Dwyer ang bola at salamat kina DT Desmond Bryant at CB Joselio Hanson narekober nila ang bola para sa Raiders sa Steelers 30. Sinamantala ng Raiders ang malapit na kinalagyan nila at tinamaan ni Palmer si WR Darrius Heyward-Bey ng isang 3 yarda na pasa para sa TD. Kasama ang extra point ay nagtabla muli ang iskor sa 14-14 sa 1:54 ng 2nd kuwarter.
Na touchback ang kickoff ni Janikowski at sumugod ang Steelers at umabot sila sa isang matagumpay na 33 yarda na field goal, at lumamang sila ng 17-14 bago natapos ang 1st half.
Si Janikowski ang sumipa ng pambungad na kickoff at ito ay na-touchback. Ilang play ang nakaraan bago si WR Mike Wallace ay nakawala at umiskor ng 22-yarda na touchdown. Lumaki ang lamang ng Pittsburgh sa 24-14 at meron pang 11:40 sa 3rd kuwarter.
Sinalo ni Goodson ang kasunod na kickoff at dinala ang bola ng 50 yarda hanggang sa Pittsburgh 48. Sa loob ng 10 play ay gumana ng 48 yarda ang Raiders at winakasan ni Palmer ang drive ng isang 1-yarda na TD pass kay TE Richard Gordon. Pumasok ang PAT at nabawasan ang lamang ng Steelers sa 24-21 sa 6:35 ng 3rd kuwarter.
Tinangka ng Raiders ang onsides kick pero pero pumalpak ito nang ang bola ay nag-out of bounds. Sa Raiders 48 nag-umpisa ang Pittsburgh, at pagkaraan ng ilang play, dinala ni Brown ang bola sa goal line. Nasikwat sa kanya ang bola pero sa magulong agawan ng ilang player, siya pa rin ang nakakuha sa bola at binilang na touchdown. Pumasok ang PAT at naging sampu muli ang lamang ng Pittsburgh sa 31-21.
Pagkaraan ng kickoff, sumugod ang Raiders sa loob ng teritoryo ng Steelers pero nasaktan si . Heyward-Bey ng siya ay tamaan sa panga ng helmet ng isang depensa ng Steelers. Dinala ng cart si Heyward-Bay dahil sa nawalan ng malay. Sumugod ang Raiders sa mahusay na paggana ni Palmer ng 80 yarda at tinapos niya ng isang 6 yarda na TD na pasa kay WR Denarius Moore. Pumasok muli ang PAT at lumapit sila sa Steelers ng 31-28 sa 12:13 ng 4th kuwarter.
Ibinalik ni Rainey ang kasunod na kickoff sa Pittsburgh 22. Matapos ang 3 play, nag-fumble si Brown at nakuha ang bola nila CB Pat Lee at LB Phillip Wheeler para sa Raiders sa Oakland 36.
Sumugod ang Raiders ng 50 yarda sa loob ng 10 play, hanggang sa Steelers 14 at mula doon ipinasok ni Janikowski ang 32-yarda na field goal. Nagtabla muli ang iskor sa 31-31 at meron pang 6:30 nalalabi sa laro.
Nag-umpisa ang Steelers sa kanilang 20 dahil sa kickoff na touchback. Isang first down lang ang nakuha nila bago sila napuersang mag-punt ng depensa ng Pilak at Itim. Sinalo ito ni Adams at dinala sa Oakland 25.
Sumugod muli ang Raiders at umabot sila sa Pittsburgh 26. Walang paltos na sinipa ni Janikowski ang 43-yarda na field goal sa huling sandali ng laro at nanalo ang Raiders sa iskor na 34-31.
Gumana ang rekord ng Raiders sa 1-2 para sa season at dadayo sila sa Denver sa darating na linggo upang harapin ang Broncos sa Sports Authority Field sa Mile High.