PETSA:Setiyembre 19, ala-1:05 n.h. PT | POOK: Oakland-Alameda County Coliseum
NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference ay nasa ika-51 na season ng kumpetisyon sa putbol na propesyonal. Bubuksan nila ang kanilang home schedule sa 2010 regular season nitong Linggo laban sa **St. Louis Rams** sa Oakland.
TELEBISYON: Ang laro ay naka-televise sa FOXat ang mga dating manlalaro ng NFL na si Ron Pittsay ang maghahatid ng play-by-play at si John Lynchay ang magbibigay ng color analysis. Kung mabebenta lahat ang mga tiket sang-ayon sa patakaran ng NFL, ang laro ay ipalalabas ng KTVU Channel 2sa Bay Area at ng KTXL Channel 40 sa Sacramento.
RADYO: Si Greg Papa at si Tom Flores ang mag-aanunsiyu sa Raiders Radio Network. Ang laro ay maririnig na 'live' sa Raiders Radio Network na nagsisimula sa KITS LIVE 105.3 FM at KFRC 1550 AM. Ang pre at post game analysis ay maririnig sa KFRC, ang flagship na estasyon ng Radio Network ng Pilak at Itim na umaabot sa iba't ibang estado. Si Papa at ang tituladong head coach ng dalawang Super Bowl ng Raiders na si Flores ay nasa mike na naman sa pang-13 na sunod-sunod na taon. Ang pregame at postgame show sa radyo ay itatampok ang mga lehendaryong Raiders na si George Atkinson at David Humm kasama rin ang beteranong mga personalidad ng radyo na si Bruce Magowan at Jason Ross.
RADYO ESPANYOL: Ang mga laro ngRaiders sa 2010 regular season ay ihahatid sa Espanyol na estasyon ng La Kaliente, KZSF 1370 AM. Si Fernando Arias at Ambrosio Ricoang mag-aanunsiyu. Magrereport mula sa sideline sila Victor Zaragoza and Sal Acevedo mga personalidad ng radyo sa Bay Area.
SERYE: Ang larong ito ay ika-12 na enkuwentro ng Raiders at Rams. Lamang sa panalo ang Raiders ng 7-4 simula pa noong 1972. Dating nasa Los Angeles ang Raiders at Rams at lumipat sila sa kanilang kasalukuyang kinalalagyan noong 1995.
SA OAKLAND: Lamang ang Raiders ng 2-1 sa Rams sa mga larong ginanap sa Oakland. Tinalo ng Raiders ang dating Los Angeles Rams, 45-17 sa kanilang unang enkuwentro noong Oktubre 29, 1972. Tinalo nila muli ang Rams ng 35-17 noong Setiyembre 28, 1997 sa Coliseum. Bumawi ang Rams sa Raiders, 20-0 sa kanilang huling laban sa Oakland noong Disyembre 17, 2006.
MGA KONEKSIYON
RAIDERS: Si TE [Brandon Myers**ng Raiders at si CB Bradley Fletcher ng Rams ay dating mag-teammate sa University of Iowa…si QB [Bruce Gradkowski at si G John Greco ng Rams ay nagkasama sa University of Toledo…nakasama rin ni Gradkowski si HB Kenneth Darby ng Rams sa [
* *at FB Mike Karney ng Rams ay nag-teammates sa Arizona State…ang Strength and Conditioning Coach na si Brad Roll ay dating coach sa ganoong posisyon sa Rams sa mga taong 2006-07.
RAMS: Ang tatay ni DE Chris Long na si Howie, ay naging manlalaro ng Raiders ng 13 season at napili ng Pilak at Itim sa 2nd rawnd ng draft noong 1981 at humantong ang kanyang karera sa Pro Football Hall of Fame…si Rams CBs Coach Clayton Lopez ay nag-coach ng mga defensive backs para sa Raiders sa mga taong 2004-05…si Rams Director of Player Programs La 'Roi Glover ay napili sa 5th rawnd ng Raiders noong 1996 at naglaro ng isang taon sa Pilak at Itim bilang defensive tackle...si LB Larry Grant ay lumaki sa Sacramento at nag-aral doon sa Foothill High School at sa City College of San Francisco…si TE Daniel Fells ay napasok sa University of California, Davis at nasa Raiders practice squad noong 2007…si S Oshiomogho Otogwe ay galling sa Stanford.
Para sa Inyong Kaalaman
MGA PAMBUNGAD NA LARO SA 'BAHAY':Meron rekord na 33-15-1 ang Oakland Raiders sa mga pambungad na laro sa kanilang koliseo simula pa noong 1960.
RESULTA NG LINGGO 2:Ang all-time record ng Oakland Raiders sa Linggo 2 ng regular season ay 29-20-1 simula noong 1960. Panalo ang Pilak at Itim sa dalawang nakaraang Linggo 2 na mga laro. Binayo nila ang Chiefs sa Kansas City, 23-8 noong Setiyembre 14, 2008 at tinalo muli ang Chiefs sa Kansas City, ng 13-10 noong Setiyembre 20, 2009.