Tinalo ng [**
**](http://www.titansonline.com/).
Tumama ang hula ng Raiders sa opening coin toss at pinili nilang mag-receive. Nang saluhin niya ang opening kickoff, agad-agad na nagpakita ng gilas si WR [Jacoby Ford*nang maliksi niyang nilusutan ang mga kalaban ng 99 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ni K [Sebastian Janikowski *at lumamang ang Raiders ng 7-0 sa 14:48 ng 1st kuwarter.
Nag-fair catch si [Nick Miller*sa Indianapolis 29, at sa unang paghawak ng bola ng Colts ay binara sila ng Raiders sa three and out. Hindi rin nakakuha ng 1st down ang Raiders at nag-punt si P [Shane Lechler *ng 42-yarda.
Isang 1st down lamang ang ginana ng Colts. Sa 9 nagsimula ang atake ng Pilak at Itim at napigilan sila sa three and out at balik-punt si Lechler. Sa Colts 43 nag-fair catch si White.
Gumana ng 57 yarda sa loob ng 6 na play ang Colts at tumakbo ng 6 yarda para sa TD si RB Joseph Addai. Pumasok din ang extra point kaya nagtabla ang iskor sa 7-7 sa 6:00 sa orasan ng 1st kuwarter.
Sa Oakland 17 ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff, pero nahadlangan muli ang Raiders sa three and out. Si White ang nagbalik sa 53 yarda na punt ni Lechler at dinala niya sa Colts 38. Sa sumunod na 11 play ay sumugod ng 50 yarda ang Colts at meron na lang 12 yarda bago umiskor pero doon sila binara ng Raiders. Ipinasok ni K Adam Vinatieri ang 30 yarda na field goal kaya lumamang ng 10-7 ang Colts sa 14:51 ng 2nd kuwarter.
Bumawi ang Raiders at sila ay gumana ng 44 yarda sa 9 play bago sila nahadlangan ng Colts. Sa distansyang sa kalimitan ay nagpa-punt ang mga ibang team, ay tinangka ni Janikowski ang malayong field goal mula sa 59-yarda. Malakas na hiyaw ang umugong sa buong istadyum nang pumasok ito at nagtabla muli ang iskor sa 10-10 sa 9:31 ng 2nd kuwarter. Ang field goal na ito ay ang pangalawang pinakamahaba sa kasaysayan ng team at pangalawang pinakamahaba rin sa buong karrera ni Janikowski.
Sa Colts 26 nagsimula ang atake ng Colts ngunit na-unsyami sila sa three and out at nag-punt si McAfee. Sa Raiders 18 nag-fair catch si Nick Miller at sa sumunod na 11 play ay sumulong sila ng 62 yarda bago sila natigil. Isang 38 yarda ang hinarap na field goal ni Janikowski at kanyang madaling ipinasok ito kaya lumamang ang Raiders ng 13-10 sa 1:56 ng 2nd kuwarter.
Sa kickoff, nabawasan ang yardang itinakbo ni RB Dominic Rhodes dahil sa facemask penalty at sa kanilang 11 sila nagsimula. Dinala ni QB Peyton Manning ang team sa 8-play sa distansayang 88-yarda at tinapos niya ito ng 18-yarda na TD pass kay TE Jacob Tamme. Lumamang muli ang Colts ng 17-13 sa huling 36 segundo ng 2nd kuwarter.
Maikli man ang panahon ngunit nakaposisyon pa rin para sumipa ng isang 54 yarda na field goal si Janikowski ngunit nagmintis ito kaya nanatili ang lamang na 17-13 ng Colts nang pumasok sila sa locker room sa halftime.
Sa 2nd half ay dinala ni Rhodes ang opening kickoff sa Colts 22. Pagkaraan ng ilang play ay dinayb ni FS [Michael Huff* *ang pasa ni Manning at kanyang inagaw ito para sa Raiders 43. Maganda man ang intersepsiyon ay nasayang din dahil na-three and out sila. Mahigpit din ang depensa ng Raiders at nakaisang down lang si Manning bago napuersang ibigay ang bola sa punter.
Sa kanilang 44 nag-umpisa ang opensa ng Raiders, at gumana ng 23 yarda sa loob na 6 play. Nang sumipa si Janikowski ng field goal, ito ay 51 yarda ang layo at pumasok ito. Ang iskor ay 17-16 sa pabor ng Colts sa 7:53 ng 3rd kuwarter.
Hindi nagtagal ang bola sa Colts 26 bago sila nag-punt at ang sipa ni McAfee ay nag-out of bounds sa Raiders 26. Dahil sa holding penalty napaso ang drive ng Raiders at sa Colts 44 lumabas ang punt ni Lechler.
Sumulong ng 56 yarda sa 4 na play si Manning at tinapos niya ang atake ng 4 yarda na pasa kay White para sa TD. Lumamang ng 24-16 ang Colts.
Na-three and out muli ang Raiders.Sa Indianapolis13 nagsimula ang Colts. Pagkaraan ng ilang play, natiyempuhan ni CB [Chris Johnson* *ang pasa ni Manning at kanyang inagaw ito. Ang Raiders ay nag-take over sa Indy 37. Hindi naka-abante ang Raiders at pinasipa si Janikowski ng 45-yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Colts sa 24-19 sa 12:59 ng 4th kuwarter.
Gumana ng mga yarda ang Colts at kumunekta si Manning ng isang 7 yarda na TD pass kay WR Pierre Garcon at lumamang ang Colts ng 31-19 sa 7:38 ng laro.
Sa Oakland 29 dinala ni Ford ang bola. Hindi naka-abante ang Raiders at hindi rin nailusot ang tinangkang 4th and 3. Nag-take over on downs ang Colts sa Raiders 36 sa huling 6:38 ng laro.
Nahadlangan ng Raiders ang Colts sa three and out. Matagumpay na sumugod ng 80 yarda ang Raiders at tinapos ang drive ni TE [Zach Miller*nang saluhin niya ang 6-yarda na pasa ni QB [Jason Campbell *para sa touchdown. Lumapit muli sa iskor na 31-26 at meron pang 1:51 nalalabing pag-asang makahabol ang Raiders.
Nagtangka ng onsides kick ang Raiders sa baka-sakaling makuha muli ang bola ngunit naunahan sila ng Colts. Umiwas sa pagkakamali ang Colts kaya hindi na puspusan ang pagsugod at nilustay na lang ang orasan upang siguraduhin ang tagumpay. Bumagsak ang rekord ng Raiders sa 7-8 sa season na ito at wawakasan nila ang kampanya ng 2010 laban sa Chiefs sa Arrowhead Stadium ng Kansas City sa darating na Linggo.