Tinalo ng Oakland Raiders ang [**
* *ang bola ng 30 beses at kumuha ng 145 yarda.
Nanalo sa opening coin toss ang Raiders at piniling ipagpaliban ang pag-receive sa 2nd half. Tinaggap ni WR Mardy Gilyard ang opening kickoff ni K [Sebastian Janikowski*at kanyang dinala ang bola sa St. Louis 25. Nakagawa ng isang first down ang Rams ngunit dalawang beses na na-sack sila kaya nahinto ang paglusob. Nagpunt si P Donnie Jones at sinalo ito ni WR [Johnnie Lee Higgins *at dinala ang bola nang 53 yarda hanggang sa Rams 25.
Umabot ang salakay ng Raiders sa Rams 5 yardline bago hininto si FB [Marcel Reece*sa 4th down at nag-take over on downs ang Rams sa kanilang 6 yardline sa 8:28 ng orasan ng 1st kuwarter. Lumusob ang Rams sa teritoryo ng Raiders pero ang bagitong si DE [Lamarr Houston *ay na-sack ang quarterback sa 3rd and goal at umurong ang Rams sa kanilang 21. Nagmintis ng field goal si K Josh Brown mula sa 36 yarda at pumalit sa paglusob ang Raiders sa kanilang 26 at meron pang 2:50 sa 1st kuwarter.
Umabot sa Rams 23 ang atake ng Raiders bago napuersang sumipa ng field goal mula sa 47 yarda. Ang sipa ni Janikowski ay lumihis sa kaliwa at pumalit sa bola ang Rams.
Sinamantala ng St. Louis ang pagkakataon nang kumunekta si QB Sam Bradford kay WR Mark Clayton para sa isang 7 yarda na touchdown at tinapos nila ang 6 play sa loob ng 64 yarda na salakay. Idugtong ang extra point at lumamang ang Rams ng 7-0 sa 12:04 sa orasan ng 2nd kuwarter.
Ibinalik ng bagitong WR [Jacoby Ford*ang kasunod na kickoff at dinala nya ang bola sa Raiders 22. Umabot ang abante ng Raiders sa Rams 41 bago na-sack si QB [Jason Campbell at nag-punt si P [Shane Lechler *. Si Danny Amendola ang sumalo ng fair catch sa St. Louis 7-yard line at meron pang 7:08 ang 2nd kuwarter.
Pinigil ng Raiders ang Rams sa three-and-out at nag punt si Jones. Ang punt ay sinalo at dinala sa Rams 44 at dahil sa 15-yard personal foul penalty laban sa St. Louis nag-umpisa ang salakay ng Raiders sa Rams 29. Pinasok ni Janikowski ang 38-yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Rams sa 7-3 at nasa 3:22 ang orasan ng 2nd kuwarter.
Pinuersa ng Raiders na mag-punt ang Rams at ito'y sinalo at itinakbo ni Higgins sa Oakland 18. Nahinto ang paglusob ng Raiders nang ang isang pasa ni Campbell ay naagaw ng Rams sa kanilang 22 sa huling 22 segundo ng 2nd kuwarter. Isang takbo ni RB Steven Jackson at natapos ang 1st half.
Ibinalik ni Ford sa Raiders 18 ang kickoff ni Brown sa simula ng second half. Si [Bruce Gradkowski* *ang pumasok sa 2nd half bilang quarterback ng Raiders. Ipinasok ni Janikowski ang 41 yarda na field goal sa dulo ng 8-play at 59 yarda na salakay. Nabawasan ang lamang ng Rams sa 7-6 at meron pang 10:54 sa orasan ng 3rd kuwarter.
Na three-and-out ang Rams sa sumunod na paglusob nila at nadala ang punt sa Raiders 17. Tinapos ni Gradkowski ang 83 yarda na salakay ng isang 4yarda na TD pass kay WR [Louis Murphy* *. Idugtong rito ang extra point ni Janikowski at lumamang ang Raiders ng 13-7 sa 6:07 sa orasan ng 3rd kuwarter.
Pumalit muli ang Rams at dinala ni Gilyard ang bola sa Rams 17. Napuersa ng Raiders na magpunt ang Rams. Sinalo at nag-fair catch si Higgins sa Raiders 11. Umabot ang paglusob ng Raiders sa Rams 47 pero napuersa ring magpunt ang Raiders at ibinalik ang bola sa St. Louis. Mahigpit rin ang depensa ng Raiders at nagpunt si Jones. Sa Raiders 29 ibinaba ang bola. Pagkaraan ng 10-play at abanteng 67 yarda, sumipa si Janikowski ng 23 yarda na field goal na syang nagbigay nang lamang sa Raiders sa iskor na 16-7 sa huling 9:50 ng laro.
Sa sumunod na posesyon ng Rams, naagaw ni CB [Stanford Routt* *ang bola sa St. Louis 47. Nasayang ang pagkakataon ng Raiders at nagpunt sila. Ibinagsak ni S Steviesi Amendola sa Rams 13 sa pagbalik na punt. Three-and-out muli sila. Dinala ni Higgins ang bola sa Raiders 39.
Nakuha muli ng Rams ang bola nang agawin ni Jerome Murphy ang pasa ni Gradkowski at dinala niya ito sa Rams 41. Naka-iskor ang St Louis sa 17 yarda na pasa ni QB Sam Bradford kay WR Mark Clayton. Ito ang nagtapos sa 3 play at 59 yarda na atake, at lumiit ang lamang ng Raiders sa 16-14 sa huling 3:18 ang laro.
Inubos na lang ng Raiders ang oras upang makamit ang tagumpay.
Gumanda ang rekord ng Raiders sa 1-1 at patungo sila sa Arizona upang harapin ang Cardinals sa Linggo 3 ng 2010 Regular Season.