Itinatawag ni Raiderette direktor Jeanette Thompson ang mga numero ng mga finalists. Photo by Tony Gonzales.
Sa Hilton – Oakland Airport ginanap ang preliminari awdisyon para sa 2011 edisyon ng Oakland Raiderettes. Daan-daang magagandang kababaihan ang bumuo ng applikasyon. Lahat ay nakipagpaligsahan upang mapasama sa final awdisyon na gagawin sa Linggo, at doon sila makikipagsabayan ng galing sa mga datihang Raiderettes ng nakaraang taon.
Si Matilda, isang dating nagbi-business sa Wall Street, ay nasiyahan sa kanyang interbyu. "Palagay ko maganda naman. Pinakauna ko itong try out para sa Raiderettes, pero sa pagharap sa mga huwes at nakita nila ang mukha ko, ay ayos naman," paliwanag ni Matilda.
Tumayo si Matilda sa entablado sa kanyang awdisyon. Photo by Tony Gonzales.
Pagkaraan ng rehistrasyon, ang mga kandidato ay hinati sa mga grupo upang humarap sa isang panel of judges. Lahat sila ay nagsalaysay ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili at nag-pose pa para sa mga photo at video.
Si Jessica, isang katutubong Oakland, ay mapakumbaba at maganda ang tayo ay nagbigay pa ng mga payo. "Hindi ako nakakasigurado pero ibinuhos ko ang aking makakayanan. Pinakita ko na ako ay maraming kagalingan," sabi ni Jessica. "Sa mga nalalabing mga kandidata, ngumiti ng maganda, kunin ng pansin ang mga huwes, at magpakatotoo sa sarili."
Pagkakataon naman ni Jessica na tumayo sa harapan ng mga huwes sa preliminari awdisyon.Photo by Tony Gonzales.
Si Kisato na tubong Tokyo, Japan ang naglalarawan na sari-saring lahi ang mga kandidata ngayon taon. Matatas siya sa Hapones at Frances, pero medyo nag-alala siya sa kanyang Ingles.
"Kinakabahan ako noong una. Nahihirapan akong magsalita nang mabuti. Umaasa ako na palalampasin naman nila (mga huwes) yan. Nais kong makasama sa finals," ani Kisato.
Lumipad si Kisato mula Japan upang mag-try out para sa Raiderettes at ngumiti siya sa mga huwes at sa kamera. Photo by Tony Gonzales.
Mahaba na ang hapon nang pasalamatan ni Raiderette direktor Jeanette Thompson ang lahat ng mga kandidato at ipinahayag niya ang mga pinili ng mga huwes kung sino ang kasama sa final round. Yun mga makakasama ay tuturuan ng mga dance routine sa bawat parte ng awdisyon sa Martes at Huwebes. Isasayaw nila yun sa kanilang pakikipagpaligsahan laban sa mga kasalukuyang Raiderettes upang makasama sa pangkat sa Linggo, Abril 17.