Ang Ralph Wilson Stadium ng Buffalo Bills sa Orchard Park, N.Y. AP Photo
Patungo ang The Oakland Raiders sa East Coast sa Linggo 2 ng regular season upang harapin ang Buffalo Bills na kasapi sa AFC Eastern Division. Darating ang Raiders sa Buffalo na meron 1-0 rekord at sadyang dadagdagan pa ang tagumpay na natamo sa Linggo 1 laban sa Denver Broncos sa Monday Night Football. Dahil nga sa laro noong Lunes ng gabi at ang biyahe nila ay Biyernes, maikling linggo lamang ang kanilang paghahanda. "Maghanda, magpahinga, at maghanda," sabi ni Head Coach Hue Jackson. "Bago na naman ang misyon at ang misyon ay Buffalo. Galing lang sila sa malaking panalo at ito ay ang unang laro sa bahay nila kaya di kaiba sa MNF. Ibubuhos nila ang husay nila kaya kailangan ay handa kami."
Ito'y ang pangalawang linggo na dadayo muli ang Raiders at lalabanan ang Bills na tumalo sa kampeon ng AFC West na Kansas City Chiefs. "Isang batang team sila, kagaya namin, pero mahusay ang galaw nila, kaya nilang gumawa ng mga play," ani QB [Jason Campbell. "Ang nasa unahan ng kanilang depensa ay magagaling humabol ng bola. Maraming puntos ang ginawa nila sa Kansas City, at alam natin na magaling na team ang Kansas City, at nanalo sila sa pagdayo, at diyan makikita kung gaano kagaling sila at ang kasalukuyang pag-iisip ng Buffalo."
Dahil tatawiriin ng Raiders ang buong kahabaan ng bansa at maglalaro sa teritoryo ng kalaban, pinaghahandaan ng mga coach at player kung papaano magawang matatag ang team sa tindi ng labanan at ingay ng mga tagapanood doon. "Ang susi sa pagpanalo ay gumawa ng mahigit na isang punto sa gagawin ng kalaban," sabi ni offensive coordinator Al Saunders. "Parating ganyan nga, kaya talagang nagsasanay kami kung paano maglaro ng mahusay kahit na maingay ang mga tao. Palagay ko ay handa ang ating mga players sa ganyan. Kailangang mahinahon, at mag-usap ng husto, kahit na mahirap gawin sa maingay na tao.
Isa sa mga hamon sa paghahanda ang kalagayan ng pag-iisip ng team, at ang isa pa ay ang pag-aaral sa mga plano para talunin ang Bills. "Magaling na football team," sabi ni Coach Jackson. "Oh man, 1-0 sila, at tinalo nila ang isa sa ating dibisyon, ang Kansas City Chiefs. Si Chan Gailey ay mahusay na coach, mabilis sila sa opensa, mahuhusay sila Fred Jackson at [Steve] Johnson. Mahirap sabayan si [Scott] Chandler,dahil 6'7", at gumawa siya ng marami laban sa Kansas City. Malaking hamon yan para sa ating depensa, pero nakahanda na kami. Sinagupa nila ang opensa ng Kansas na meron mahuhusay na mga receivers at runners, at binara nila. Mabigat ang trabahong haharapin natin, pero inaantabayan na namin."
Pinag-aaralan na ng depensa ng Raiders ang kinagawian na opensa ng Bills, at mga sandata nila at handa nang maglaro ng Raiders putbol. "Mahusay ang laro nila kaya respetado namin sila sa kanilang nagawa," sabi ng beteranong si DT [Richard Seymour. "parang nadarama naming na mahusay ang aming depensa at kaya namin ang bilis nila. Pero magaling ang pagsagawa nila kaya dapat alamin naming kung saan sila at kung ano ang ibig nilang gawin. Pambungad na laro sa kanilang bahay kaya siguradong masigla sila, pero ganyan din ang Denver, at alam namin ang gagawin nila. Papasok kami sa pook ng kaaway kaya ang aming misyon ay manalo at huwag makinig sa kanila."
Ang mga panlaban na opensa ng Bills ay sila RB C.J. Spiller, WR Steve Johnson at si QB Ryan Fitzpatrick. "Aalisin namin ang bisa nila sa laro, " sabi ni DE [Trevor Scott. " Malaking parte sila sa opensa, kaya nga tatanggalin namin ang makina ng kotse."
Si LB [Darryl Blackstock, na siyang nakaharang ng isang punt noong Lunes, ay tiwalang ang depensa ay nakahanda na para sa Linggo. Alam ng depensa ng Raiders na kailangang madala nila ang kanilang husay at galling. Kailangan madala ang ating 'A' game," sabi ni S [Matt Giordano. Matalas ang opensa ng Buffalo noong Linggo 1, pati ang depensa na nagpahintulot ng 7 puntos lamang sa Kansas. Kawili-wili ang larong ito."
Alam din ng Raiders na mahusay na linebacker si Shawne Merriman, na dating Charger. Gayunpaman, kahit na mahusay si Merrriman at ang mga Bills, handa na ang opensa na pumasok sa field, magpokus, at isagawa ang trabaho.
Si RB [Darren McFadden, na tumakbo ng 150 yarda, ay siyang pinakamaraming yardang naitakbo sa buong NFL sa Linggo 1. Nakalaro na niya ang magagaling na Bills. " Komportable kami sa running game, kaya yan ang gagawin namin. Kailangan na mailaro ang game namin."
Handa na ang opensa ng Raiders na harapin ang depensa ng Bills. "Masasagupa nila ang aming mga armas," sabi ni C [Samson Satele. "Marami kaming armas, at mahusay naman ang depensa nila. Talagang mahusay ang mga tao nila sa harapan, ang dalawang DT, at mahuhusay ang mga linebackers nila. Pero kailangan pagmasdan nila ang mga armas din."
Alam na alam din ng head coach ng Bills na si Chan Gailey, ang kakayahang dadalhin ng Raiders sa field. "Ang susi sa tagumpay ay ang pagtigil ng running game, at gagawin din namin na itakbo ang bola."
Kinikilalala din ni Coach Gailey ang husay ni K [Sebastian Janikowski dahil sa galing niya sa pagsipa kahit sa anong parte ng field. "Malalakas ang mga paa niya at asintado," ani Coach Gailey. "Lahat ay nagsasabi sa haba ng mga sipa niya, at parating umiiskor ng punto sa bawat laro."
Patungo ang Raiders sa pangalawang game na may dalang 1-0 sa unang beses mula 2002, at nais nilang pumunta sa Bills at maglaro sa style ng Raider at upang makabalik na 2-0. "Gagawin namin ang kailangan gawin," sabi ni DE [Matt Shaughnessy.
Sasagupain ng Raiders ang Bills sa Linggo , alas:10:00 n.u. PT sa Ralph Wilson Stadium sa Orchard Park, N.Y. Sundan ang aksiyon sa Raiders.com, Facebook, at Twitter.