Skip to main content
Raiders
Advertising

Pribyu ng Raiders vs. Browns

101311-browns-story.jpg

Sumipa ng field goal si K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] nang kalabanin nila ang Browns noong 2007. Photo by Tony Gonzales.

Sumaibabaw sa tagumpay ang The Oakland Raiders sa isang makabagbag-damdamin na laro laban sa Houston noong Linggo 5 ng NFL. Isang araw pagkaraan nang pagyao ng may-ari na si Al Davis, buo ang loob ng mga Raiders na parangalan ang alaala niya sa paraan na kanyang palaging inaasam-asam, "Manalo ka lang, baby."

Naagaw ang bola sa endzone ni FS [Michael Huffinternal-link-placeholder-0] sa huling sandali na pasa ni QB Matt Shaub at napatiyak ang panalo na 25-20, na siyang nagpaluha kay Head Coach Hue Jackson at sa karamihan ng Bansang Raiders. "Ang manalo nang napakahalagang laro na pagdayo sa Houston, lalo na sa mga nangyari sa amin nitong nakaraang dalawang araw, ay talagang pagkalaki-laking pakiramdam," sabi ni Coach Jackson.

Nang bumalik ang team sa kanilang pasilidad sa Alameda ay sinalubong sila ng daang-daan na mga fans, at ipinagdiwang ang kanilang tagumpay at pinarangalan si Ginoong Davis.

 "Napakahalaga ito," ani S [Jerome Boydinternal-link-placeholder-0] . "Talagang lumaban kami, buong puso ang aming paglalaro, at ninais namin na talunin sila. Ang ibig kong sabihin ay talagang gusto naming ang manalo sa bawat laro pero itong laro ay talagang pinilit namin manalo para kay Mr. Davis at sa kanyang pamilya. Mahirap talaga. Mahirap sa aming mga players, at dahil bilang kapamilya, ay lalong mahirap ang tama sa amin. Kaya nagsumikap kami na maglaro ng puspusan."

Kahit na lumipas na si Mr. Davis, naramdaman ng team ang pagdalo niya sa larong ito at naglaro sila na para bang nanonood siya. Sabi ni T [Khalif Barnesinternal-link-placeholder-0] . "Lalong matamis na nagawa namin ito para sa kanya. Alam ko na di niya napanood sa pisikal, pero alam ko na naroroon siya sa stands at masaya siya." 

Upang magkatotoo ang "manalo ka lang, baby," naka-asinta naman ngayon ang pokus ng Raiders sa Browns team na me rekord na 2-2. "Nasa aming bahay, sa harapan ng aming mga fans, malaking laro ito para sa amin dahil ito ang susunod na laban at dahil sa kalaban namin ang Cleveland Browns," sabi ni Coach Jackson. "Mahusay ang kanilang running back; si Peyton Hillis ay isa sa mga pinakamagaling sa league. Hayop ang taong ito, at ikaw ay kanyang sasagaan. Ibig kung sabihin, walang duda yan. Mahusay din ang kanilang offensive line, bata ang kanilang quarterback na magaling, meron ilang magaling na mga receivers – Josh Cribbs ay parang bangungot yan. Isa siya sa mga pinakamagagaling na players sa putbol, kaya kailangan na mapigilan namin siya. Sa depensa, bata at magaling. Ibig kung sabihin sila D'Qwell Jackson, [Ahtyba] Rubin; ang defensive tackle na si Phil [Taylor], magagaling ang mga taong ito. Kaya kailangan na maghanda kami ng husto at yan ang gagawin namin."

Ang Browns ay hindi naglaro noong nakaraang linggo dahil bye week sila, kaya meron silang dagdag na panahon na paghandaan ang Pilak at Itim. "alam naming na bye week sila kaya dalawang linggo silang naghanda para sa amin, " sabi ni QB Jason Campbell. "Nangangailangan na maghanda ng husto. At lalabas kami sa field at ayusin ang dapat ayusin dito sa atin. Naka-pokus na kami sa Cleveland; magaling ang running back nila, mahusay at bata ang kanilang quarterback at ang depensa nila ay top ten sa statistics. Kaya kailangan na maghanda kami sa laro."

Sa kanilang paghahanda para sa Browns, nakita na ni Coach Jackson ang lakas ng depensa ng Cleveland. "Talagang mahusay sila," ani Coach Jackson. "Yun dalawang inside tackle nila at ang middle linebacker ay napakagaling ang paglalaro, at di kapanipaniwala ang laro ni Chris Gocong. Si Joe Haden sa corner; oo nga medyo marami na siyang tama pero mahusay pa rin, at ang isa pang magaling ay si numero 43.[T.J. Ward]. Oo talagang magaling siya! Malakas ang depensa nila, at malaking hamon ito para sa aming opensa, pero ganyan talaga sa National Football League. Hindi naman sa kanila lang namin nakikita ang galing at di namin nakikita sa iba, pero malaki ang aking paghanga sa kanilang team."

Sabik na ang opensa ng Raiders sa hamon na ito. Ang offensive lineman na si [Stefen Wisniewskiinternal-link-placeholder-0] , na patuloy na nagpapakitang gilas bilang rookie, ay magtatangkang manaig ang running game. "Sabik na kami," sabi ni Wisniewski. "Matibay ang harapan nila, at malaking hamon ito para sa amin, pero gagawin namin ang aming ginagawa at panatilihin na number one runner sa liga  si Darren. Matibay sila, ma-pisikal at ganyan din kami."

Naghahanda na rin ang depensa ng Raiders na makaharap si Hillis, Cribbs at McCoy sa Linggo. "Magaling ang quarterback, magagaling ang mga receiver, mahusay na running back si Peyton Hillis," sabi ni CB [Stanford Routtinternal-link-placeholder-0] . "Isang laro lamang sa iskedyul at kailangan na mapanalo ang larong ito upang nasa 4-2  kami at katapat ang San Diego sa tuktuk ng dibisyon."

Humanga rin ang Browns Head Coach na si Pat Shurmur sa pag-unlad ng Raiders. Sabi ni Coach Shurmur. "Magagaling sila. Sa palagay ko maganda ang ginagawa nila sa harap. Ibig kung sabihin na malakas ang depensa nila at dahil dyan malaki ang pag-asa nila. Sa palagay ko si Jason Campbell ay lumalaro ng napakagandang putbol sa ngayon, at meron pang ibang magagaling sa buong field, kaya yan ang dahilan na mapanganib ang Raiders. At kung meron kang mga tagasipa na sina Lechler at Janikowski at magagaling na team na nakapaligid sa kanila na marunong mag-block,  di ko alam kung ano pa ang gusto mo."

Pangungunahan ni Coach Jackson ang team sa O.co Coliseum sa Linggo sa harapan ng kanilang fans na tinatawag na Bansang Raiders at ituloy ang pagparangal kay Mr. Davis at patunayin ang Pangako sa Kagalingan ng Raiders.

Paghahandaan ng Raiders ang Browns sa O.co Coliseum sa 1:05 n.h. PT sa Linggo. Para sa kumpletong pagsubaybay sa laro, sundan ang Raiders.com, o sa opisyal na pahina sa Facebook, o  Twitter.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising