Ipinahayag ng team noong Martes na si Matt Leinart, ang beteranong quarterback na free agent ay pumirma na sa Oakland Raiders. Si Leinart ay nakapaglaro na ng 31 games, 18 dito bilang istarter, mula pa noong pumasok siya sa NFL nang mapili siya na 10th overall pick ng Arizona Cardinals sa 2006 NFL Draft.
Naglaro ang katutubo ng Santa Ana, Calif. para sa Houston Texans nitong nakaraang dalawang season at napanood siya sa dalawang games, isa rito ay bilang istarter bago siya nabalian at di na uli naka-pasok sa buong season. Bago siya lumipat sa Texans, naglaro siya ng 29 games at17 bilang istarter sa kanyang 4 season sa Cardinals. Sa kanyang unang season, naging istarter si Leinart sa 11 games at nakumpleto niya ang 214-sa-377 na mga pasa para sa 2,547 yarda at 11 touchdowns.
Sa kanyang anim na season bilang propesyonal, si Leinart ay nakakumpleto ng 350-sa-608 na mga pasa para sa 3,950 yarda at 15 touchdowns.
Siya ay 6-foot-5, at may timbang na 227-libra at tatlong beses na All-American at isa siya sa pinakamaraming natamong parangal na quarterback sa kasaysayan ng putbol sa kolehiyo sa USC. Ang record niya sa kolehiyo bilang istarter ay 37-2 at ang porsiyento na .949 na pagkapanalo ay ang pangalawang pinakamataas sa kasaysayan ng NCAA sa lahat ng quarterbacks na nag-istart ng 25 o mahigit na games.
Si Leinart ang nagdala sa Trojans sa BCS national championship at natanggap niya ang Heisman Trophy noong 2004, at ngayon ay makakasama niya ang kanyang ka-teammate sa USC at kasalukuyang quarterback ng Oakland Raiders, si [Carson Palmer na isa ring tumanggap ng Heisman.
Si Leinart ay maisasali sa listahan ng mga natatanging nanalo ng Heisman Trophy na sumama sa Pilak at Itim. Ang listahan: Billy Cannon (1959), Jim Plunkett (1970), Marcus Allen (1981), Bo Jackson (1985), Tim Brown (1987), Andre Ware (1989), Desmond Howard (1991), Rashaan Salaam (1994), Charles Woodson (1997) and Palmer (2002).