Skip to main content
Raiders
Advertising

Binara NgTexans Ang Paghabol Ng Raiders, 31-24

100310-bush-story.jpg

Umiskor si RB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0] ng  2-yard TD.Photo by Tony Gonzales.

Labing-isang pasa ang sinalo ni TE [Zach Millerinternal-link-placeholder-0]**  para sa 122 yarda at si QB [Bruce Gradkowskiinternal-link-placeholder-0] ay kinumpleto ang 24 sa 39 na mga pasa para sa 278 yarda at dalawang TD. Ngunit kulang pa rin at nabigo sa [

**](http://www.houstontexans.com/) ang mga Oakland Raiders sa iskor na 31-24 sa Oakland-Alameda County Coliseum sa ika-apat na linggong aksiyon sa  2010 Regular Season ng NFL.

Nagwagi ang Raiders sa opening coin toss at piniling mag-receive ng bola. Si WR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0]*ang sumalo sa opening kickoff na sinipa ni K Neil Rackers at dinala niya ang bola nang 64 yarda hanggang sa Texans 38. Hindi gumana ang atake ng Raiders at  nag-punt si P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] na sinalo ni SS [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0] *sa Houston 10.

Nagmarka agad ang Texans nang takbuhin ni RB Derrick Ward ang 33 yarda para sa touchdown sa dulo ng 6 na play at 90 yarda na drive. Gumana si Rackers ng extra point kaya nag-lead ang Houston ng 7-0 at meron pang 10:06 naiwan sa unang kuwarter.

Para sa kanilang pangalawang posesyon, sinalo ni Ford ang kasunod na kickoff sa loob ng end zone at ito ay touchback sa Oakland 20.  Bumawi naman ang Oakland nang umiskor si RB Michael Bush sa pagtakbo ng dalawang yarda para sa Pilak at Itim sa loob ng 8 play at 80 yarda na atake. Ipinasok rin ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0]* *ang extra point. Nagtabla ang dalawang team sa 7-7 sa 6:14 ng orasan sa unang kuwarter.

Sinipa ni Janikowski ang kasunod na kickoff na sinalo ni RB Steve Slaton para sa touchback. Sumugod ang Houston at sa Oakland 46 sila nahinto ng depensa ng Raiders sa 3rd and 2 kaya napuersang mag-punt si P Matt Turk. Sa Raiders 3 naibaba ang bola.

Hinarang ng Texans ang Raiders para sa 3 and out at ibinalik ni WR Jacoby Jones ang 44 yarda na punt sa Raiders 37. Lumusob ng 37 yarda sa 5 play ang Texans, at tinapos ni QB Matt Schaub ang drive nang isang 11 yarda na TD pass para kay TE Joel Dreesen. Pumasok ang extra point at lumamang ang mga Texans ng 14-7 at 23 sandali na lamang ang first kuwarter.

Si Ford ang sumalo sa kickoff na tumuloy sa end zone para sa touchback. Ang Raiders ay nag-take over sa kanilang 20. Isang first down ang nakuha ng Raiders bago sila nagpunt. Si S Stevieang nagpabagsak kay Jones na sumalo sa 51 yarda na punt ni Lechler. Nag-umpisa sa kanilang 19 ang mga Texans. Pinuersa ng Raiders ang three and out. Sa Raiders 36 dinala ang bola ni WR [Johnnie Lee Higginsinternal-link-placeholder-0]* *.

Sa pamumuno ni QB Bruce Gradkowski, ang mga Raiders ays umabante ng 64 yarda sa loob ng 9-play, at pinasahan niya si WR [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0]* *  para sa 13 yarda na touchdown. Pumasok din ang extra point ni Janikowski at nagtabla na naman ang laro sa 14-14 sa 6:50 sa orasan ng 3rd kuwarter.

Lumampas na naman ang kickoff ni Janikowski para sa touchback. Nagpabaya ang Raiders ng isang first down bago napuersa ang punt sa 4th and 14. Nag-fair catch si Higgins sa Raiders 29. Umabot sa kanilang 42 ang Raiders bago nag-punt. Sinalo ni Jones ang punt ni Lechler sa Texans 16. Three and out din ang Houston. At nag-fair catch na naman si Higgins sa Oakland 43.

Pagkaraan ng ilang play, habang sumusugod ang Raiders, na-sack si Gradkowski at na-fumble ang bola at nakuha ng Houston. Sa kanilang 40 nag-umpisa ang mga Texans pero 32 segundo na lamang ang nalalabi sa 2nd kuwarter. Sumipa ng field goal ang Houston bago nagwakas ang 1st half, pero ang 46 yarda na sipa ni Rackers ay pumaltos. Tabla ang laro sa 14-14 bago sila nagbalikan sa locker room para sa halftime.

Ang kickoff ni Janikowski sa second half ay touchback na naman. Pagkaraan ng dalawang play, nakawala si RB Arian Foster at dinala nya ang bola ng 74 yarda para sa touchdown. Pumasok ang extra point at lamang muli ang Texans ng 21-14 sa 14:16 sa orasan ng 3rd kuwarter.

Hindi nakasagot ang Raiders at nag-take over ang Houston sa kanilang 10-yard line pagkaraan ng 42 yarda na punt ni Lechler. Nakapasok ng field goal si Rackers mula sa 35 yarda at lamang na ang Houston sa 24-14 at meron 2:35 na lang ang 3rd kuwarter.

Na intersep ang isang pasa ni Gradkowksi, at dinagdagan ang lamang ng Houston nang kumunekta si Schaub kay Foster para sa 11 yarda na TD pass. Matapos ang PAT, nanguna ang Texans sa 31-14 at meron na lang 14:54 sa 4th kuwarter.

Ibinalik ni Jacoby Ford ang kickoff sa Raiders 13. Sumugod ang Raiders ng 87 yarda sa loob ng 9 play at kumunekta si QB Bruce Gradkowski ng isang 14 yarda na pasa kay TE Zach Miller para sa TD. Pumasok ang PAT at lumiit ang lamang ng Texans sa 31-21 at meron pang 10:56 sa 4th kuwarter.

Ang kickoff ni Janikowski ay tumalbog-talbog bago tumigil sa touchback. Nadepensahan ng Raiders at napuersa ang three and out. Sa kanilang 18 sila nag-take over pagkaraan ng unang penalty ng Pilak at Itim. Sumugod sa loob ng teritoryo ng Texans ang Raiders pero hanggang sa 39 yarda na field goal ang kanilang natamo. Pumasok ang field goal at nabawasan ang lamang ng Texans sa 31-24 at meron pang 6:13 ang laro.

Touchback muli ang kasunod na kickoff. Nahinto ng depensa ng Raiders ang Houston sa 3rd and 6 at napuersa ang punt. Ibinalik ni Higgins ang punt ni Turk sa Raiders 25. Sa 4th and 16, lumihis ang pasa ni Gradkowski at na-intersep ito at sa Raiders 41 nadala. Nalalabi ang 1:40 na lamang ang laro.

Inubos na ng Houston ang oras upang maseguro ang tagumpay.

Haharapin ng Raiders (1-3) ang bumibisitang [**

**](http://www.chargers.com/) sa darating na Linggo sa ika-5 Linggo ng 2010 Regular Season.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising