Skip to main content
Week 3 Panthers at Raiders
Advertising

Tanungin si Coach Jackson

011711-jackson-story.jpg


Tanong mula kay Jim Hoggard: Paano mo titimbangin upang maiwasan ang kontrobersya kung sakaling ang istarter na quarterback ay pumalpak sa umpisa ng season habang meron naman magaling na backup?

Coach Jackson: Sa aking palagay, ang iyong istarter ay iyong istarter. Maliwanag na si Jason Campbell ay ang aming istarter at si Kyle Boller ay ang aming backup sa ngayon. Kailangang nga na madagdagan pa ng ilang kamay ang posisyon na yan habang patuloy tayo sa hinaharap. Sa palagay ko ang istarter ay di dapat mabahala kung sinuman ang iba pang nasa team. Aming pinagbibigyan ang mga istarters sa kanilang posisyon upang sila ay makapaghanda na maglaro tuwing linggo. Sa aking palagay rin na masasabi ng mga backup namin dito na di mahuhulaan sa pagkaraan ng isang play lamang ay maaring ipasok siya kaya siya ay laging handa rin na pumasok at maglaro. Hindi ko naiisip na meron kontrobersya dito. Siyempre aking inaasahan na ang quarterback namin ay maglalaro ng mahusay at magaling. Kung di nya makakayanan na tumugon sa hamon ay gagawin namin lahat nang paraan upang makayanan ang hamon. Tunay na kumpiyansya kami sa itinuring namin na istarter, at huwag sanang masaktan o may mangyaring di inaasahan sa kanya, kaya di kami tumitingin sa pagpapalit ng listahan.

Tanong mula kay Miguel Gomez: Ano ang kailangan upang maibalik ang mga Raiders sa Commitment to Excellence?

Coach Jackson: Kailangan ang Commitment sa Excellence. Kailangan ang ganyang pangako sa kagalingan sa lahat ng aming gawain, kung paano ang aming paghanda, paano ang pag-ensayo, kung paano ang paglakbay, ang pagkain, ang pagtulog, at pagkondisyon at pag-ingat sa aming mga katawan upang ihanda sa bawat labanan. Kailangang habulin ang perpeksiyon sa lahat ng aming gawain. Yan ang layunin ng team at organisasyon para sa lahat ng larangan ng putbol. Malaki ang paniwala ko na kung tunay ang aming pangako na maging pinakamagaling ay magkakatotoo na kami nga ang magiging pinakamagaling.

Tanong mula kay Nate ng North Dakota: Ano ang maasahan ng Bansang Raider sa inyong unang season na Head Coach ngayon taon?

Coach Jackson: Possibleng makikita nila ang isang taong napakahilig sa pagpapanalo at nag-aakala na mananalo sa bawat laro. Hindi ako aatras sa ganyang pangako. Alam ko ang mga inaasahan sa akin. Nais kung pataasin ang pag-asa nila sa lahat ng baytang. Sinabi ko na noong una pa. Tunay na yan ang paniwala ko. Tiwala ako na meron tayong mga ganoong players. Naniniwala akong mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga player na abutin nila ang tugatog ng kagalingan. Hindi ako aatras habang ako ang coach dito. Palagay ko alam na ng mga players yan. Handa na silang humarap sa kung anumang hamon na iyan. Yan ang ibig sabihin kung ano ang tunay na Raider. Inaasahan natin na gagawin natin yan.

Tanong mula kay Mark Lopez: Kukunin mo ba para sa team ang isang player na meron problema sa kanyang karakter o personalidad? Oo o hindi at bakit? 

Coach Jackson: Oo, kung ang isyu sa kanyang karakter ay naiintindihan ko at kaya ko siyang hawakan at ang organisasyon ay naniniwala rin sa player at maaring tulungan siyang makalampas sa kanyang problema. Kung minsan meron mga player na nangangailangan ng mga taong tumutulong sa kanya upang makaabot sa kanyang makakayanan. Hindi, kung ang player ay di ko kayang matulungan. Ayokong kumuha ng isang sisira sa team, sa organisasyon, o sa ating lungsod. Hindi siya ganoong kahalaga. Maraming magagaling na players, siguradong makakakuha tayo ng player na hindi maproblema ang karakter. Meron mga kaso na sa palagay ko ay kailangang dulutan ng pansin depende sa bawat tao at meron huwag ng pag-alalahanan pa. Kung ipinasiya na kunin siya, ay kunin ko ng walang alinlangan. Kung ang pasiya ay hindi, ay tumalikod na at tumingin na sa susunod na player.

Tanong mula kay Clifford Geigle: Batay sa inyong karanasan sa ibang organisasyon sa NFL, meron bang maling pagtingin ng iba sa organisasyon ng Raiders? At dagdag ko pa, meron din bang ganitong maling pagtingin sa Raiders sa larangan ng labanan na nagbubunga ng mga tawag ng reperi na di-makatarungan sa Pilak at Itim?

Coach Jackson: Oo, naniniwala ako na meron ganoong pagtingin ng mga tao na tayo ay di trinatrato ng malinis. Hindi ako sang-ayon dyan sa ganitong dahilan – hanggang di tayo maging team na ating ninanais, hindi tayo dapat mag-alala sa ganito. Hanggang di natin matutunan na huwag magkamali sa mga pre-snap at huwag ng magkasala ng saksakan na penalty, hangga't di natin matigil na bugbugin ang sarili sa mga turnover ng  bola, at di natin nakukuhang ma-turn over ang kalaban, at hindi tayo nagta-tackle at nagblo-block nalabag sa aking inaasahang dapat na pagta-tackle at pagblo-block, ay di matitigil na sasabihin yan sa atin. Kung kaya natin na maging team na aking nakikinita, sa palagay ko mawawala ang mga alinlangan, at ang ganyang isyung maling pagtingin sa atin ay mawawala. Sa palagay ko ang isyu dapat ay kung gaano tayo kagaling, at gaano kabilis abutin natin iyan.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising