Dalawangpu't limang beses na dinala ang bola ni RB [Michael Bush para sa 137 yarda at umiskor ng isang touchdown, at pitong beses na pinabagsak ng depensa ng Raiders ang kalaban na quarterback sa naganap na pagdomina ng Oakland Raiders sa [**
**](http://www.kcchiefs.com/) sa iskor na 31-10. Ito ang kanilang pangwakas na laro sa 2010 regular season sa Arrowhead Stadium.
Maginaw na 31 degrees Fahrenheit at meron wind chill na 20 degrees ang umiihip na hangin nang sila ay naglalaro. Nanalo ang Raiders sa opening coin toss pero ipinagpaliban ang pag-receive ng kickoff para sa second half. Si Rookie WR Dexter McCluster ng Kansas City Chiefs ang sumalo sa opening kickoff na sinipa ni K [Sebastian Janikowski at dinala niya ang bola sa Kansas City 26. Pumalpak sa Raiders 48 ang unang atake ng Chiefs, at nag-umpisa ang opensa ng Pilak at Itim sa kanilang 15 kung saan nag-fair catch si WR [Nick Miller sa punt ni P Dustin Colquitt.
Sa unang play ng Raiders, isang reverse ang ginawa nila upang linlangin ang kalaban, nguni't nag-fumble si WR [Darrius Heyward-Bey at naaagaw ang bola ni Chiefs LB Derrick Johnson sa Oakland 17. Mabuti na lang at napuersa ng depensa ng Raiders na mag-field goal ang Kansas City. Ipinasok naman ni K Ryan Succop ang 30-yarda na field goal. Ito ang nagbigay ng lamang sa Chiefs ng 3-0 lead sa 11:03 ng 1st kuwarter.
Si Rookie WR [Jacoby Ford ang nagbalik sa kausnod na kickoff at dinala niya ng 18 yarda, pero na-three and out ang Raiders. Umabot sa 52 yarda ang punt ni Pro Bowl P [Shane Lechler. Hindi rin gumana ang atake ng Chiefs.
Sa sumunod na drive ng Raiders, nasaktan si QB [Jason Campbell at pumalit sa kanya si [Kyle Boller bilang quarterback. Hindi rin naka-abante ang Raiders at nag-punt muli si Lechler. Nag-take over ang Chiefs sa kanilang 27.
Napigilan sa kanilang 41 ang atake ng Chiefs, at ibinalik ni Nick Miller ang punt ni Colquitt sa Raiders 21. Pero dahil sa penalty ay sa kanilang 9 sila nag-umpisa ng atake. Bumalik na quarterback si Campbell at dinala niya ang Raiders sa sumunod na 14 play, at sumugod sila ng 91 yarda. Tinapos ito ni WR [Chaz Schilens nang saluhin niya ang 5 yarda na pasa sa end zone. Pumasok din ang extra point ni Janikowski kaya lumamang ang Raiders ng 7-3 sa 8:33 ng second kuwarter.
Sa kanilang 29 nag-umpisa nang panibagong atake ang Chiefs pero pinabagsak ni LB [Kamerion Wimbley si Cassel at nag-take over ang Raiders sa kanilang 35. Nahadlangan ng Chiefs ang Raiders sa three and out.
Isang first down lamang ang binigay ng Raiders at pinuersa nila ang intentional grounding ni Cassel kaya na-penalty ang Chiefs at sa sumunod na laro ay na-sack si Cassel. Sumugod and Raiders sa loob ng 13-play at umabante sila ng 54-yarda. Ipinasok ni Janikowski ang 38-yarda na field goal at naging 10-3 ang lamang ng Raiders sa huling pitong sandali ng 2nd quarter.
Isang pooch kick ang sinipa ni Janikowski at maiksing yarda lamang ang nakuha ni RB Jamaal Charles, bago nagwakas ang 1st half na lamang ang Raiders ng 10-3.
Sa 2nd half, nakapasok ang atake ng Raiders sa loob ng Chiefs 40 at hinamon nila ang 4th and 4 pero kinapos sila ng isang yarda. Nag-take over on downs ang Chiefs at nakaabot ng 47 yarda ang pagtakbo si Charles. Si Charles din ang gumawa ng 5 yarda na touchdown at kasama ang extra point ay nagtabla ang iskor sa 10-10 sa 8:02 ng 3rd kuwarter.
Ibinalik ni RB [Rock Cartwright ang kickoff sa Raiders 25. Ang pulutong ng opensa ng Raiders ay nagmartsa ng 75 yarda at sa dulo nito ay dinala ni Michael Bush ang bola ng 26-yarda para sa touchdown. Lumamang muli ang Raiders sa iskor na 17-10, at meron pang 2:26 ang 3rd kuwarter.
Nag-pooch kick muli si Janikowski pero nasalo ito ng Chiefs. Muling napuersa na mag-punt ang Chiefs at ito ay na-out of bounds. Umabot ang drive ng Raiders sa 50 pero hindi rin sila naka-abante. Nag-punt si Lechler ng 47-yarda at nag-out of bounds din sa Chiefs 3.
Naispatan ni FS [Michael Huff ang pasa ni Cassel at naagaw niya ang bola, saka dinala nya ito ng 17 yarda hanggang sa Chiefs 10. Isa pang reverse ang lumito sa Chiefs, at lumusot si Ford ng 10-yarda upang umiskor ng TD. Lumaki ang lamang ng Raiders sa 24-10 at 11:07 na lang ang naiwan sa 4th.
Si McCluster ang sumalo sa kickoff at dinala niya sa Chiefs 29. Dahil sa pagmamadaling makahabol si Cassel ay sunod-sunod siyang nagpasa at naispatan na naman ang isa ni CB [Stanford Routt at kanyang inagaw ang bola at dinala ng 21 yarda para sa touchdown. Muling pumasok ang extra point at tinambakan na ng Raiders ang Chiefs sa 31-10 at huling 9:11 ang nalalabi sa laro.
Umabot ang atake ng Chiefs sa Raiders 20 pero hindi nila na-convert ang 4th down kaya nag-take over on downs muli ang Raiders at natira ang 6:13 na lang. Na-three and out ang Raiders at nagpunt si Lechler. Sa Kansas City 31 sinalo ni Arenas ang bola. Nakapasok ang Chiefs sa teritoryo ng Raiders pero mahigpit ang depensa ng Pilak at Itim at muling nagbalik ang bola sa Raiders sa huling 1:18 .
Inubos ng Raiders ang nalalabing sandali para sa tagumpay. Winakasan ng Raiders ang pagkampanya sa 2010 ng 8-8 na rekord at kanilang winalis ang mga karibal sa AFC West. Ito ang kauna-unahang tuhog na panalo ng Raiders sa lahat na karibal sa dibisyon simula pa noong 1976.
Mga Kalaban ng Raiders sa 2011
Sa Bahay: Denver, Kansas City, San Diego, New England, NY Jets, Detroit, Chicago, Cleveland. Dayo: Denver, Kansas City, San Diego, Buffalo, Miami, Green Bay, Minnesota, Houston.