|
Si NASA Astronaut Jose Hernandez, na tubong Bay Area at masugid na Raider fan, ay kasama sa ilulunsad na space mission sa Agosto 25. Ang paglipad ng Space Shuttle Discovery, STS-128, ay pang-tatlongpung U.S. mission patungo sa International Space Station at magdadala ito ng mga kagamitan at mga supply kasama rin ang maramihang gamit na logistics module. Taglay din ni Jose ang kanyang Commitment to Excellence, nang kusa niyang dadalhin ang isang bandila ng Raiders sa mission na ito bilang kinatawan ng Raider Nation sa buong kalawakan.
"We wish Astronaut Hernandez, the entire crew of the Space Shuttle Discovery and NASA all the very best with the upcoming 30th US Mission to the International Space Station. While the Raiders have always been a global organization, we are now intergalactic. We look forward to welcoming Astronaut Hernandez back --- and to a game or games --- when he returns to earth," sabi ng Raiders Chief Executive na si Amy Trask.
Ang Raiders at Ang Society ng Hispanic Professional Engineers (SHPE) ay pararangalan si Jose bilang isang napakamabuting huwaran para sa mga Latino sa buong daigidig. Ang seremonyang ito ay gaganapin bago magsimula ang laro ng Raiders vs. Broncos sa Setyembre 27. Ipagdiriwang din ng Raiders sa larong ito ang ikawalong taonang Fiesta Latina, bilang selebrasyon ng Hispanic Heritage Month sa Oakland-Alameda County Coliseum. Hahandogan ng Raiders, SHPE at mga kinatawan ng NASA si Jose ng isang plake' bilang pagkilalala sa kanyang mga nagawa at bibigyan din ng bandila upang madala sa international space station.
Dala-dala ni Jose ang diwa ng Raiders na Commitment to Excellence sa napakataas na tugatog sa kanyang pagkadalubhasa na inhinyero. Nakamit niya ang Bachelor of Science sa Electrical Engineering mula sa University of the Pacific at Master of Science sa Electrical and Computer Engineering mula sa University of California-Santa Barbara. Sa Lawrence Livermore National Laboratory siya nagtrabaho bag sumanib siya sa Johnson Space Center. Doon siya napili ng NASA at nakumpleto ang Astronaut Candidate Training. Noong isang taon pa nahirang si Jose bilang mission specialist para sa STS-128 mission na nakatakdang ilulunsad sa Agosto.
Ang Raiders ay matagal nang kinikilala na isang organisasyon na pandaigdig at kanilang ganap na pinapalawak ang popularidad ng putbol sa buong mundo sa kanilang paglalaro sa mga American Bowls sa London, Barcelona, Tokyo at Mexico City.
Ang Raiders ay nauna na at patutuloy na natatangi sa mga team sa NFL team na naghahatid ng websayt sa Espanyol. Ang Pilak at Itim sa kasalukuyan ay nagpapahayag sa lahat ng Raider Nation sa buong daigdig sa pamamagitan ng kanilang propyedad sa web na isinasalin sa anim na iba't ibang wika - Tagalog, Hapones, Aleman, Intsik, Espanyol at Ingles.