*2009 NFL Draft *Pebrero 3, 2009
Hawak ng Raiders ang ika-7 pagkakataon na pumili sa 2009 NFL Draft. Mauuna sa lahat ang Detroit Lions na pumili sa Draft sa Abril 25 hanggang Abril 26. Inianunsyo ng NFL ang pagkakasunod-sunod ng mga teams sa pagpipili sa 2009 Draft noong ika-29 ng Disyembre, 2008 at batay ito sa kanilang naging rekord sa nakaraang season. Nauunang pumili ang pinakamahina ang record sa nakaraang season. Pagkatapos ng Lions, susunod naman ang St. Louis Rams na pangalawa sa listahan, at susundan sila ng Kansas City Chiefs, na pangatlo. Kung magkapatas ang rekord ang dalawang team, ang team na mas mahina ang kabuuang rekord ng lahat na kalaban nila, ang mauuna sa dalawa. At kung nagtabla pa rin, ang team na hindi nakapasok sa playoff ang mauuna. Panoorin dito ang aming kumpletong coverage sa 2009 NFL Draft dito sa Raiders.com.
Si Lechler at Asomugha ay Lalaro sa Pro Bowl
Pebrero 2, 2009
Ang mga taga-Oakland Raiders na cornerback na si Nnamdi Asomugha at ang punter na si Shane Lechler ay napili para sa 2009 Pro Bowl squad noong ika-16 ng Disyembre, 2008. Ang 2009 NFL Pro Bowl ay gaganapin sa ala-1:30 n.h. PST nitong Linggo sa Aloha Stadium sa Honolulu, Hawaii. Ito ang pang-apat na pagkapili ni Lechler para sa Pro Bowl, at siya ay nangunguna sa AFC sa punting at meron average na 48.8-yarda sa bawat sipa. Ang kanyang net punting average na 41.3 yarda ay una pa rin sa AFC at pangalawa sa buong NFL. Para kay Asomugha, ito ang pangalawang beses na sa kanyang anim na taon sa NFL. Naidagdag siya sa 2006 Pro Bowl squad bilang alternate, ngunit hind siya nakalaro dahil nahuli ang pag-abisyo sa kanya.
Nahirang si Woodson sa Hall of Fame
Enero 31, 2009
Ang dating Oakland Raiders na defensive back na si Rod Woodson, ang wide receiver na si Bob Hayes, ang guardiya na si Randall McDaniel, ang defensive end na si Bruce Smith, ang linebacker Derrick Thomas, at ang may-ari na si Ralph Wilson ay kasapi sa Class of 2009 Pro Football Hall of Fame. Ang anim na pararangalan ay napili ng Selection Committee ng Pro Football Hall of Fame ay nagmiting ngayon sa Tampa, Florida. Ang Class ng 2009 class ay dadagdag sa miyembro sa 253. Ang pagparangal sa Class of 2009 ay gaganapin sa Pro Football Hall of Fame sa Canton, sa Sabado, ika-8 ng Agosto, 2009 sa alas-7:00 n.h. ET. Ipapalabas ng ESPN at NFL Network ang seremonya tungkol sa paglagak ng corona.