Skip to main content
Raiders
Advertising

Binayo ng Raiders Ang Bears 32-17

082110wimbley.jpg

Apat na beses na pinabagsak sa first half ni LB [Kamerion Wimbleyinternal-link-placeholder-0] (96) si QB Jay Cutler ng Bears.Photo by Tony Gonzales.

Mainit at maalinsangan ang gabi sa Soldier Field, nang harapin ng Oakland Raiders ang [**

**](http://www.chicagobears.com/) sa ikalawang linggo ng 2010 Preseason. Tinalo ng Raiders ang Bears 32-17, at tumaas sa 2-0 ang record nila sa preseason.

Nanalo sa coin toss ang Raiders at piniling tumanggap ng unang bola. Ibinalik ng 20 yarda ni WR [Yamon Figursinternal-link-placeholder-0]*ang kickoff ni K Robbie Gould sa Raiders 19 at doon nagsimula ang opensa ng Oakland sa pangunguna ni [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0] bilang quarterback. Sa loob ng 10-play ay umabante sila ng 81 yarda, at sa Bears 1, at 3rd and goal, pumuslit si Campbell upang umiskor ng TD. Pumasok ang extra point ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] *at agad lumamang ang Raiders ng 7-0 at meron pang 8:27 lsa 1st kuwarter.

Paghawak ng bola ng Bears, parehong umiskor ng sack si DT [Tommy Kellyinternal-link-placeholder-0]* *at L B Kamerion Wimbley kaya napuersa sa 3-and-out ang Bears. Nag-take over ang Pilak at Itim sa Chicago 39.

Matapos ang 6-play at 14 yarda na drive, umiskor muli ang Raiders nang ipasok ni Janikowski ang 43-yarda na field goal. Nag-lead ang Raiders ng 10-0 at meron pang 4:58 sa 1st kuwarter.

Ibinalik ni WR Johnny Know ang kickoff sa Chicago 24. Pero agad silang nag-punt matapos na harangan ni CB [Stanford Routtinternal-link-placeholder-0]* *ang pasa ni Knox sa 3rd and 4. Si Figurs ang sumalo ng bola at nag-take over ang Raiders sa 20.   

Maganda ang simula ng atake ng Raiders sa isang 40-yarda na screen pass kay FB [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0]* *, pero sa sumunod na play ay naagaw ang pasa ni Campbell. Sa pagkakamaling ito ay malaking parusa ang idinulot ng Chicago nang itinakbo ni Matt Forte ang bola ng 89 yarda para sa touchdown. Hindi pumasok ang sipa ni Gould at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 10-6 at huling 22 sandali na lamang ang 1st kuwarter.

Dinala ni RB [Rock Cartwrightinternal-link-placeholder-0]*ang bola sa Raiders 38 at dahil sa isang horse-collar tackle penalty na ginawa ng Bears, ay nabigyan ng 10 yarda ang Raiders. Hindi naka-abante ang Raider s at nag-punt si  P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] *.

Umabot ang atake ng Chicago sa Raiders 19 pero palpak ang kanilang field goal. Naparusahan ng intentional grounding at nabigyan ng 10 yarda ang Raiders. Three-and-out ang Raiders at muling nagpunt si Lechler.

Ang sumunod na atake ng Bears ay naputol dahil sa sack ni Wimbley. Sinalo ni WR [Johnnie Lee Higginsinternal-link-placeholder-0]* *ang punt ni Maynard at dinala niya ang bola sa Raiders 49. Sa dulo ng 10 play at 25 yarda na drive, sumipa si Janikowski upang bigyan ng lamang ang Raider, 13-6.

Na-three-and-out ang Bears dahil sa malakas na depensa ng Raiders, pero nag-fumble sila at isinuli ang bola sa Chicago sa Raiders 25. Pagkaraan ng ilang play, sa 4th and 7, kumunekta si Cutler kay Knox para sa 22 yarda na TD. Umiskor ng 2-point conversion, at ang Bears ay lumamang ng 14-13 sa dulo ng first half.

Muling nagwagi ang mahigit na depensa ng Raiders at agad 3-and-out ang Bears. Dahil sa husay na ipinakita niya sa Dallas, si [Kyle Bollerinternal-link-placeholder-0]*ang pumasok na quarterback para sa Raiders. Three-and-out sila at pumalpak sa punt sa endzone, at nakuha ni LB [Slade Norrisinternal-link-placeholder-0] at umiskor ng TD. Dagdag ng isang punto sa sipa ni K [Swayze Watersinternal-link-placeholder-0] * at lumamang ang Raiders 20-14 at meron 11:28 pa sa3rd kuwarter.

Nagpalitan ng punt ang dalawang team sa third quarter. Dinala ni Boller ang team ng 51-yarda at kanyang nilundag  ng 2 yarda para sa TD. Pumasok ang extra point ni Waters at umangat ang Raiders sa 27-14 sa huling 31 sandali ng 3rd kuwarter.

Bumawi ang Bears at si Gould ay nakakuha ng field goal sa dulo ng 11-play, at 54-yarda na drive at nabawasan ang lamang ng Raiders 27-17 at huling 9:21.

Naagaw ni Rookie safety [Stevie Browninternal-link-placeholder-0]*ang isang pasa ni LeFevour at dinala ang bola sa Bears 9. Si [Colt Brennaninternal-link-placeholder-0] *ang pumasok na quarterback at kumuha sila ng isa pang field goal at ang lamang ng Raiders ay  30-17. Meron 5:12 pa ang palaro.

Naharang ni Norris ang punt ni Maynard at ang bola ay tumalbog sa endzone at ito ay tinatawag na safety at dagdag na dalawang punto para sa Raiders kaya naging 32-17 ang lamang. Inubos na lang ang oras at panalo na sila.

Bumalik ang Raiders sa kanilang Napa Valley Training Complex upang tapusin ang Training Camp 2010. Sila ay sasali sa Back to Football: The Raider Nation Celebration sa Biyernes, Agosto 27th mula alas 4:00 hanggang alas 6:00 ng hapon sa Frank Ogawa Plaza sa dakong 14th at Broadway sa downtown Oakland. At sa Sabado, paghahandaan ng Raiders ang [**

**](http://www.sf49ers.com/) sa isa na namang Battle of the Bay sa Sabado, Agosto 28 sa Oakland-Alameda County Coliseum.   

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising