Ipinasok ni K[Sebastian Janikowskiang sipa mula sa 33 yarda na syang tumalo sa Bengals. Litrato ni Tony Gonzales.
Isang upset ang pagkapanalo ng Oakland Raiders laban sa Cincinnati Bengals sa iskor na 20-17 sa Linggo 11 ng 2009 Regular Season ng NFL sa Oakland-Alameda County Coliseum. Dahil kay Rookie TE [Brandon Myers nag-fumble sa kickoff return ang kalaban at siya rin ang naka-recover sa bola at na-set up ang pampanalong field goal ni K Sebastian Janikowski mula sa 33 yarda sa mga huling 15 segundo ng laro.
Unang nag-receive ang Bengals nang manalo sila sa opening coin toss. Si RB Bernard Scott ang sumalo sa opening kickoff ni K Sebastian Janikowski at ibinalik niya ang bola ng 15 yarda hanggang sa Cincinnati 22. Si Carson Palmer ang nangunang quarterback ng Bengals. Dinala ni Palmer ang mga Bengals sa dulo ng field, nang ma-convert niya ang hamon ng 3rd sa 23 at 2nd sa 20 at tinapos niya ang drive sa loob ng 14 play ang distansyang 78 yarda at umiskor ng isang 1-yarda na dayb para sa touchdown. Kasama ang extra point ay lumamang agad ng 7-0 ang Bengals sa 5:32 ng 1st kuwarter.
Si CB/KR [Jonathan Holland ang nagbalik sa kasunod na kickoff at dinala niya sa Oakland 22. Si [Bruce Gradkowski ang nagsimulang quarterback. Nakakuha ang Raiders ng isang down bago napuersang mag-punt ng Bengals. Si WR Quan Cosby ang sumalo sa 46-yarda na punt at ibinaba sa Cincinnati 32.
Umatake ang Bengals sa loob ng teritoryo ng Raiders pero sa blitz ni safety [Tyvon Branch ay na-sack niya si Palmer na nag-fumble. Naagaw ni LB [Kirk Morrison ang bola pero na-strip sa kanya ito at tumalbog ang bola sa Cincinnati 34 na doon nakuha ng Raiders. Pagkaraan ng dalawang play, si Gradkowski naman ang nag-fumble sa snap at nakuha muli ang bola ng Cincinnati. Pagkaraan ng 9 na play at 68 yarda na drive, tinapos ni Palmer ang drive ng isang yarda na sneak para sa touchdown. Lumamang ng 14-0 ang Cincinnati sa 7:12 sa 2nd kuwarter.
Pinabayaan ni Holland na tumalbog sa endzone ang kickoff na bola para sa touchback. Na three-and-out ang Raiders at nag-punt si Lechler. Napuersa din ng Raiders at nag-take over sila sa kanilang 29 nang ibalik doon ni WR [Johnnie Lee Higgins .
Dinala ni Gradkowski ang mga Raiders sa 71 yarda sa loob ng 9-play at tinapos niya ito ng isang pasa para sa 10 yarda na touchdown kay TE [Zach Miller . Kasama ang extra point ni Janikowski lumapit ang Raiders ng 14-7 sa Bengals at 59 segundo na lamang ang 2nd kuwarter.
Hindi nagtagal ang bola sa Bengals dahil sa na three-and-out sila. Nadala ni Higgins ang punt sa Oakland 36 at umabot ang atake ng Raiders sa loob ng teritoryo ng Bengals pero ang 56 yarda na field goal ni Janikowski ay nagmintis sa kaliwa. Pumasok sa locker room na lamang ang Cincinnati ng 14-7 sa halftime.
Sa second half, ibinalik ni Holland ang bola sa Oakland 25. Natigil ang atake nila sa Cincinnati 34 at natapos ang 10 play at 38 yarda na drive. Ipinasok ni Janikowski ang field goal sa layong 52 yarda, at nabawasan ang lamang ng Bengals sa 14-10. Meron 9:59 pa ang 3rd kuwarter.
Na touch back ang sipa ni Janikowski at sa 20 yardline nag-umpisa ng atake ang Bengals at nagbantang umiskor ng umabot sila sa 1 yardline ng Raiders. Mabuti na lang at nag-blitz si CB [Stanford Routt at na-sack niya si Palmer. Nagmintis ang field goal ng Bengals mula sa 36 yarda at nag-take over ang Raiders kanilang 27.
Nag-fumble si RB [Michael Bush at umatake ang Bengals mula sa Oakland 13. Pumasok ang field goal ng Cincinnati mula sa 25 yarda kaya ang lamang ng Bengals ay 17-10 sa 3:29 ng 3rd kuwarter.
Napuersa sa three-and-out ang mga Raiders at umatake muli ang Bengals. Naagaw ni LB [Sam Williams mula sa palad ni RB Jeremi Johnson.at na-recover ni DT [Desmond Bryant . Huminto rin ang atake ng Raiders sa kanilang 47.
Nang mag-take over ang Raiders sa kanilang 20 ay meron 2:12 min na lang ang laro. Komunekta si Gradkowski kay WR [Louis Murphy at umiskor ng 29-yarda na touchdown sa huling 33 segundo ng laro. Sa extra point ni Janikowski, nag-tabla sa 17-17 ang dalawang team.
Sa kickoff, inagaw ni Rookie TE Brandon Myers ang bola mula sa kamay ni Andre Caldwell at nadala ang bola sa Cincinnati 17. Mula sa 33 yarda, ipinasok ang field goal ni Janikowski at lumamang ang Raiders ng 20-17 at 15 segundo na lamang ang laro. Ang huling pasa ng Bengals ay na-intersep ni [Nnamdi Asomugha at nagtagumpay ang Raiders.
Naging 3-7 ang record ng Raiders sila ay dadayo sa Dallas upang harapin ang mga Cowboys sa Thanksgving Day sa Huwebes.