ang kanilang bentahe nang agawin niya ang bola sa end zone sa dulo ng laro para sa tagumpay ng Raiders na 25-20.
Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at pinili nilang tumanggap ng bola. Si WR [Jacoby Ford ang nagbalik ng opening kickoff ng 28 yarda sa Raiders 21. Pumasok na quarterback si [Jason Campbell pero na-three and out sila at nag-punt si P [Shane Lechler .
Si WR Jacoby Jones ang sumalo sa punt at kanyang dinala sa Houston 30 at dahil sa penalty ng Raiders nag-umpisa ang Texans sa kanilang 35. Sumugod ang Houston ng 65 yarda sa loob ng 10 play sa pangunguna ni QB Matt Schaub. Kumunekta si Schaub kay WR Kevin Walter ng 5 yarda na TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Houston ng 7-0 sa 8:09 sa orasan ng 1st kuwarter.
Ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff at dinala niya sa Raiders 14. Na-three and out muli ang Raiders at nag-punt ng 61 yarda si Lechler. Dinala ito ni Jones sa Texans 37. Pagkaraan ng isang first down, nakuha muli ng depensa ng Raiders ang bola nang agawin ito ni DE [Lamarr Houston matapos na madaplisan ito ni DT [John Henderson . Dinala niya ang bola sa Houston 35. Hindi naman naka-abante ang Raiders, pero di bale na dahil sumipa si K Sebastian Janikowski mula sa 54-yarda para sa field goal at nabawasan ang lamang ng Houston sa 7-3 at meron pang 3:26 ang 1st kuwarter.
Binara ng Raiders ang Houston sa three-and-out at hinadlangan ni LB Bruce Davis ang punt ni P Brett Hartmann at nakuha niya ang bola sa Texans 39. Na-penalty ng 1 yarda ang Raiders kaya sumipa muli si Janikowski para sa isa pang mahabang field goal na kanyang ipinasok sa umpisa ng 2nd kuwarter.
Pagkaraan nang kasunod na kickdoff, nalusotan ang Raiders ng isang pass play para sa first down bago nila napuersang mag-punt ang Texans. Ang punt ay sa kanilang 3 ibinaba at dahil sa penalty sa 2 nag-umpisa ang Raiders. Napilitang humagis nang mahabang pasa sa kaliwa si Campbell para kay Ford pero nasunggaban ito ni Jason Allen. Sinamantala ito ng Texans at kumunekta si Schaub kay TE Joel Dreesen para sa 56-yarda at tumakbo para sa TD. Pumasok muli ang extra point at lumaki ang lamang ng Houston sa 14-6 at 11:57 na lang ang 2nd kuwarter.
Si Ford muli ang sumalo sa kickoff at ibinaba ang bola sa endzone para sa touchback sa Raiders 20. Na-three and out muli ang Raiders. Gayundin ang Texans.
Sumigla ang opensa ng Raiders nang saluhin ni WR Darrius Heyward-Bey ang pasa ni Campbell, at pumiglas siya sa isang tackle, at humagibis sa end zone para sa 34-yard na TD. Nabigo ang two-point conversion at ang Raiders ay dumikit sa Texans sa 14-12 sa huling 1:09 ng 2nd kuwarter.
Napuersa ng Raiders ang isa pang punt at nakuha nila ang bola sa huling 15 segundo ng 2nd kuwarter. Ang mahabang pasa ni Campbell sa kanan ng sideline ay lumampas kay rookie WR [Denarius Moore at hindi rin nakumpleto ang sumunod niyang pasa kay WR [Derek Hagan . Sa 3rd and 10 at sa huling dalawang segundo na lang, tinamaan ni Campbell si Ford para sa 22-yarda at natapos ang first half.
Si Jacoby Jones ang nagbalik sa Houston 31 ang kickoff ni Janikowski. Sa umpisa ng 2nd half ay nagpalitan ng punt ang dalawang team. Pagkaraan ng 37 yarda na drive sa loob ng 11 play, sumipa muli si Janikowski ng 50-yarda na FG at lumamang ang Raiders sa 15-14 at meron 5:12 pa sa 3rd kuwarter.
Si DB Danieal Manning ang nagbalik sa kasunod na kickoff at ibinaba sa Texans 10. Bumawi rin si K Neil Rackers ng 54-yarda na FG at bumalik ang lamang sa Texans sa 17-15 at meron 1:59 pa ang 3rd kuwarter.
Hinagis ni QB Jason Campbell ang bola kay WR [Chaz Schilens para sa 18-yarda na TD sa dulo ng 61-yarda na drive. Pumasok ang PAT at bumalik ang lamang sa Raiders na 22-17 at meron pang 14:50 ang natitira sa laro.
Sa endzone umabot ang kasunod na kickoff at nag-umpisa ang Texans sa kanilang 20. Binara sila ng Raiders sa three and out. Sa kanilang 30 nag-umpisa ang Raiders matapos ang punt ni Hartmann. Bumawi rin ang Texans ng three and out pero nagkunwari ng punt ang Raiders at si RB [Rock Cartwright ay humagibis sa first down. Matapos gumana ng 35-yarda ang Raiders ay umabot sila sa Houston 28. Doon sumipa ng 42 yarda na field goal si Janikowski at lumamang ang Raiders ng 25-17 sa 10:00 sa orasan ng 4th kuwarter.
Nabawasan sa 25-20 ang lamang ng Raiders nang sumipa ng 40 yarda na field goal si Rackers at 2:56 na lang ang laro.
Na-three and out ang Raider sa sumunod na posesyon at nag-punt si Lechler. Umabot ang atake ng Houston sa Raiders 5 at meron na lang 7 sandali. Pero natiyak ang tagumpay nang agawin ni FS Michael Huff ang pasa ni Schaub sa end zone.
Gumana sa 3-2 ang Raiders at babalik sila sa O.co Coliseum upang harapin ang Cleveland Browns.