Tinalo ng San Francisco 49ers ang Oakland Raiders sa iskor na 17-9 sa Candlestick Park ng San Francisco sa Linggo 6 ng 2010 Regular Season. Ipinasok ni K [Sebastian Janikowski ang lahat ng tatlong field goal na kanyang tinangka nguni't nagkulang pa rin ito.
Tinanggap ni WR [Jacoby Ford ang opening kickoff ni K Joe Nedney at dinala ito sa Raiders 12. Umabante ang Raiders ng 79 yarda sa loob ng 13 play at sa dulo ng atake ay sumipa si K Sebastian Janikowski ng 27 yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 7:02 ng unang kuwarter.
Si WR Tedd Ginn, Jr. ang nagbalik sa kasunod na kickoff sa San Francisco 29. Nakapasok ang 49ers sa Raiders 47 bago sila napuersang magpunt ng Pilak at Itim. Sinalo ni WR [Nick Miller ang 43 yarda na punt ni P Andy Lee at agad ibinagsak sa Raiders 9.
Sumugod muli ang Raiders ng 85 yarda sa loob ng 12 play at muling sumipa ng field goal si Janikowski mula sa 24 yarda at lumamang ng 6-0 ang Raiders sa 12:40 ng 2nd kuwarter.
Si Ginn ang sumalo sa kasunod na kickoff at lumuhod sa end zone para sa touchback. Pinigilan ng depensa ng Raiders ang 49ers sa three and out at nagpunt si Lee. Ang 39 yarda na punt ay lumihis sa labas sa Raiders 34.
Naagaw ni LB Manny Lawson ang bola para sa 49ers nang dinayb niya ito sa San Francisco 43. Pumasok ang 49ers sa Raiders 34 bago sila nahinto at nagpunt muli si Lee. Tumalbog ang punt sa end zone para sa touchback at nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 20.
Na-three and out ang Raiders at nagpunt si Lechler. Ang 42 yarda na punt ni Lechler ay gumulong sa labas sa 49ers 37. Bumawi ng three and out ang Raiders at nagpunt si Lee. Ibinalik ni Miller ang bola sa Raiders 17.
Hindi napasulong ng Raiders ang bola at ibinalik ni Ginn ang 60 yarda na punt ni Lechler sa 49ers 31. Muling napuersa ng Raiders ang three and out at nagpunt muli si Lee. Ang bola ay tumigil sa 7 at hindi pa rin makakuha ng first down ang Raiders. Sa 49ers 41 ibinalik ni Ginn ang bola at dahil sa penalty inatras ito sa San Francisco 16.
Nagmarka na rin ang 49ers sa iskorboard ng ipasok ni Nedney ang 25 yarda na field goal at binawasan sa 6-3 ang lamang ng Raiders at meron 8 sandali na lamang ang 2nd kuwarter. Pagsalo ng kickoff ay lumuhod si Campbell at pumasok ang Raiders sa locker room na may lamang na 6-3.
Sinalo ni Ginn ang opening kickoff ng 2nd half at ibinaba sa 49ers 41, pero nagkasala ng holding penalty at inurong ang bola sa kanilang 21. Naka-sack si DT [Tommy Kelly at humarap ng 3rd and 30 ang 49ers kaya nabigong umabante. Nagpunt si Lee at dinala ni Miller ang bola sa Raiders 49.
Hindi nakayanang umabante ang Raiders at nag-fair catch si Ginn sa 49ers 9. Sumugod ang 49ers at kumunekta si QB Alex Smith ng isang pasa kay WR Michael Crabtree para sa 32 yarda na TD. Kasama ang extra point ni Nedney ay lumamang ng 10-6 ang San Francisco patungo sa 4th kuwarter.
Pagkaraan ng mahabang pagbabalik ng kickoff ni WR Jacoby Ford ay napenalty sila ng holding at the back, at ang Raiders ay nag-umpisa sa kanilang 11. Isa na namang three and out ang Pilak at Itim at nagpunt si Lechler. Sinalo at dinala ni Ginn ang punt sa 49ers 44.
Pinigil ng depensa ng Raiders ang 49ers sa three and out. Nag-take over ang Oakland sa kanilang 23. Umabot ng 55 yarda sa loob ng 8 play ang atake ng Raiders, at ipinasok ni Janikowski ang 40 yarda na field goal. Dumikit ang Raiders sa 49ers sa iskor na 10-9 sa 8:21sa 4th kuwarter.
Ang kasunod na kickoff ay tumalon sa endzone at touchback ito. Kumunekta si Smith ng isang 17 yarda na pasa kay TE Vernon Davis para sa touchdown. Kasama ang extra point ay naging 17-9 ang lamang ng 49ers at meron 7:14 na lamang ang laro.
Ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff sa Raiders 29. Three and out muli ang Raiders at nagpunt si Lechler. Dinala ni Ginn ang sipa sa 49ers 37. Nagpuersa ng Raiders ang punt at nag-umpisa sila sa kanilang 13. Meron 3:14 pa ang laro.
Ang pasa ni Campbell para kay Ford ay tumalbog sa taas at naagaw ni LB Takeo Spikes ang bola at nagwakas ang pag-asa ng Raiders na humabol pa.
Bumaba ang rekord sa season ng Raiders sa 2-4 at sa darating na linggo ay dadayo sila sa Denver upang harapin ang Denver Broncos sa INVESCO Field sa Mile High.