Skip to main content
Raiders
Advertising

Bumagsak ang Raiders sa Chargers, 24-21

123012-pryor-cp2.jpg

Pinakauna ni[Terrelle Pryorinternal-link-placeholder-0]bilang istarter na QB. Photo by Tony Gonzales.
* *

Nanalo sa coin toss ang Raiders at ipinagpaliban nila ang pagpili sa pagtanggap ng bola sa 2nd half. Inumpisahan ni Michael Spurlock ang laro nang saluhin niya ang kickoff at itinakbo niya ng 99-yarda para sa touchdown at lumamang agad ang Chargers. Dinala ni RB Mike Goodson ang kasunod na kickoff sa Oakland 14. Pumasok si Terrelle Pryor bilang quarterback para sa Raiders.

Na-three-and-out ang Raiders at nagpunt si P Shane Lechler. Ibinalik ito ni Spurlock sa kanilang 30. Na-sack ng Raiders si QB Philip Rivers sa 3rd down at kanilang na-three-and-out din ang Chargers. Nag-punt si P Mike Scifres at nagumpisa ang Raiders sa kanilang 29.

Na-three-and-out muli ang Raiders at nag-punt si Lechler. Tumalbog ang bola ng patagilid at nag out of bounds sa Chargers 29. Sumugod ang Chargers at hininto sila ng Raiders sa kanilang 13.  Sumipa ng 31 yarda na field goal si K Nick Novak at nagbigay ng 10-0 na lamang sa Chargers sa 4:11 ng 1st kuwarter.

Sa endzone sinalo ni Goodson and kasunod na kickoff at ibinaba niya ang bola para sa touchback. Dinala ni Pryor ang Raiders ng 80-yarda at ang 9 yarda na ipinasa kay WR Darrius Heyward-Bey ay umiskor para sa kanyang kauna-unahang TD na pasa bilang quarterback. Nabawasan ng Raiders ang lamang ng Chargers sa 10-7 sa 12:11 ng 2nd kuwarter. Samantala, nag-away si LB Takeo Spikes ng Chargers at si Goodson at pareho silang pinalayas sa laro.

Sa Chargers 19 dinala ni Spurlock ang kasunod na kickoff at sa sumunod na 14 play, sumugod ang Chargers ng 81 yarda. Tinapos ang drive ni QB Philip Rivers ng 11 yarda na pasa kay TE Antonio Gates para sa TD. Pumasok ang extra point at naging 17-7 ang lamang ng Chargers sa 2:48 ng 2nd kuwarter.

Si CB Coye Francies ang nagbalik ng kickoff sa Raiders 21. Na-three-and-out ang Raiders at nagtapos ang first half na lamang ang Chargers ng 17-7.

Si Francies muli ang sumalo sa pambungad na kickoff ng 2nd half at ibinaba niya ang bola para sa touchback. Umabot ang Raiders sa looban ng Chargers ngunit sinamang-palad na na-intersep ni CB Quentin Jammer ang pasa ni Pryor sa loob ng endzone. Nag-umpisa ang San Diego sa kanilang 20.

Pinigilan ng Raiders sa three-and-out ang Chargers. Pagkaraan ng punt at penalty, nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 12. Muling na-three-and-out ang Raiders. Sa Raiders 47 Nadala ang punt sa Raiders 47.  Sinamantala ang bentaheng ito ng Chargers at agad kumunekta si Rivers kay WR Danario Alexander ng isang 34 yarda na pasa para sa TD. Lumamang ng 24-7 ang San Diego sa 4:59 ng 3rd kuwarter.

Dinala ni Francies ang kickoff sa Raiders 23. Muling three-and-out ang Raiders. Subalit ng sumipa si Lechler, dinaluhong siya at napenalty ng running into the punter ang Chargers at nanatili ang bola sa Raiders. Masiglang umiscramble si Pryor sa 3rd and 4 ngunit napuersa muli ng punt ang Raiders. Nag-fair catch si Spurlock sa San Diego 8.

Nadepensahan ng Raiders at nagpunt ang Chargers. Nag-fair catch si S Matt Giordano sa Oakland 24. Lumusob ang Raiders sa buong kahabaan ng field at sila ay umiskor nang itakbo ni Pryor ang 3 yarda para sa TD. Lumapit sila sa Chargers ng 24-14 sa huling 7:43 ng laro.

Humanda ang Chargers sa onsides kick pero sinipa ni Janikowski ang bola hanggang sa endzone. Pagkaraan ng isang first down, ay hininto ng depensa ng Raiders ang abante ng Chargers. Dinala ni Moore ang punt sa Raiders 23.

Na-three-and-out ang Raiders. Na-three and out din ang Chargers, at nang i-punt ni Scifres ang bola, naharang ito ng Raiders at naagaw nila ang bola sa San Diego 11. Sinamantala ito ng Raiders at kumunekta si Pryor kay Moore ng 5-yarda na pasa para sa TD. Kasama ang PAT naging 24-21 ang lamang na lang ng Chargers sa huling 1:52 ng laro.

Sumipa ng onside kick ang Raiders pero nakuha ng San Diego ang bola sa Raiders 47. Inubos na ni Rivers ang orasan.

Nagwakas ang 2012 kampanya ng Raiders sa record na 4-12.


This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising