Sinunggaban ni DT[Tommy Kellysi Dallas QB Tony Romo. Photo by Tony Gonzales.
Bumagsak ang Oakland Raiders sa Dallas Cowboys sa iskor na 3-0 sa O.co Coliseum na ipinalabas sa Monday Night Football ng ESPN bilang pambungad na laro ng 2012 Preseason. Lumusot si RB Darren McFadden ng 38 yarda sa tatlong pagdala niya at si QB Matt Leinart ay kumumpleto ng 11 sa 16 na pasa para sa 98 yarda at si SS Mike Mitchell ay umagaw ng isang intersepsiyon. Ngunit dalawang intersepsiyon at dalawang mintis na field goal ang dahilan kaya nangamote sa iskor ang Raiders.
Nanalo sa pambungad na coin toss ang Raiders at pinili nilang tumanggap ng bola. Pagkaraan ng kahanga-hanga na laro ni RB Darren McFadden, napahamak ang isang mahabang pasa ni QB Carson Palmer para kay WR Jacoby Ford at ito ay naintersep ng kalaban. Nag-take over ang Dallas sa kanilang 37 pagkaraan maibalik ni S Gerald Sensabaugh ng 27 yarda ang naagaw na bola.
Nabigo ang drive ng Cowboys sa teritoryo ng Raiders at nag-umpisa ang Pilak at Itim sa kanilang 8 pagkaraan ng punt. Pumalit si Lonyae Miller kay Darren McFadden bilang running back. Na three-and-out ang Raiders at ang bagitong P Marquette King ang nag-punt. Ang sipa ni King na 58-yarda ay humantong sa kicker penalty laban sa Cowboys at nagbunga ng first down sa Raiders
Hindi nasamantala ng Raiders ang pagkakataon na ito at nag-punt muli si King. Isang offside ang ipinarusa sa Cowboys kaya naka-first down muli ang Raiders. Pumasok si Matt Leinart na quarterback. Ang kanyang pangatlong pasa para sa bagitong WR Juron Criner ay kinapos sa first down at nagpunt si King. Ang punt ni King ay bahagyang umabot sa goal line at ipinasiya na touchback.
Salamat sa agresibong pagdepensa ng Raiders, kasama rito ang isang sack ni DT Tommy Kelly, at na-three-and-out ang Cowboys. Sinalo ni Ford ang punt pero nabitawan at nag-out of bounds sa Raiders 36. Umabot ang salakay ng Raiders sa Dallas 34. Isang penalty ang hinatol sa Dallas penalty at tumuntong ang Raiders sa Cowboys 29. Sumipa si K Sebastian Janikowski ng field goal mula sa 47 yarda subalit nagmintis sa kanan. Nagsimula ang salakay ng Dallas sa kanilang 37.
Binigo muli ng Raiders ang Cowboys sa three-and-out at ang punt ni P Chris Jones ay lumabas sa 14. Natigil ang salakay ng Raiders sa 46 at nagpunt muli si King. Lumabas sa linya ang punt sa Dallas 19. Pumasok si Kyle Orton bilang quarterback. Hininto ng depensa ng Raiders ang mga Cowboys sa Dallas 43. Ibinalik ang punt ng 6 yarda hanggang sa Oakland 19.
Nabuwag ang salakay ng Raiders sa midfield at 43 sandali na lamang bago mag-halftime nang magpunt si King. Nag-fair catch si WR Cole Beasley sa kanilang 16. Pagkaraan ng ilang play, naagaw ni SS Mike Mitchell ang isang pasa ni Orton at dinala niya ng 19 yarda hanggang sa Dallas 47, at limang sandali na lamang. Isa pang 5-yarda ang inilusot ni Miller bago natapos ang half, at bumalik sa kanilang locker room ang mga team na walang iskor.
Sa 3rd kuwarter, pumuntos ang Cowboys matapos silang sumalakay ng 67 yarda sa loob ng 11 na paglusob at si K Dan Bailey ay sumipa ng 33-yarda na field goal sa 8:02 ng orasan.
Si CB Bryan McCann ang nagbalik sa kasunod na kickoff at dinala sa 13 at pumasok si Terrelle Pryor na quarterback. Na-three and out ang Raiders matapos ang dalawang pagtakbo ni Miller at scramble ni Pryor. Ibinalik ni Beasley ng 59 yarda ang punt ni King at umabot sa Dallas 36.
Pumalit na quarterback si Stephen McGee para sa Dallas. Lumusob ang Cowboys hanggang sa Raiders 40 bago naipagtanggol ng Pilak at Itim ang 4th and 2 at nakuha ang bola sa 4:14 ng 3rd kuwarter.
Muling nabigo ang salakay ng Raiders at nagpunt si King. Nagsimula ang Dallas sa kanilang 34. Nang bumalik ang bola sa Raiders nakalapit sila para umiskor subalit nagmintis ang field goal ni K Eddy Carmona mula sa 36 yarda at bumalik ang bola sa Dallas sa kanilang 26 at 6:44 na lang ang nalalabi sa game.
Pagkaraan na ma-three-and-out at isang punt, umatake ang Raiders mula sa Oakland 22 sa 4:29 ng orasan. Hindi naisagawa ng Raiders ang pagsalakay upang umiskor nang maagaw ni Mana Silver ang pasa ni Pryor sa 4th and 26. Inubos na lang ni QB Rudy Carpenter ang oras upang mapanatili ang tagumpay.
Patungo ang Raiders sa Arizona upang sagupain ang Cardinals sa Linggo 2 ng Preseason sa Biyernes ng gabi.