Skip to main content
Raiders
Advertising

Bumagsak ang Raiders sa Ravens 55-20

111112-gamecenter-cp.jpg

Umiskor si WR[Darrius Heyward-Beyinternal-link-placeholder-0]sa 55 yarda na pasa. Photo by Tony Gonzales.

Nanalo ang Raiders sa pambungad na coin toss at pinili nilang tumanggap ng bola. Si CB Coye Francies ang sumalo sa tumatalbog na bola ng kickoff sa endzone at iniluhod niya para sa touchback. Mula sa Raiders 20 sila nag-umpisa sa pangunguna ni Carson Palmer bilang  quarterback at si Marcel Reece sa tailback, na kapalit ng may injury na si Darren McFadden. Umabante ang drive nila at pinasok ang teritoryo ng Ravens pero di na-convert ang 4th and 1 kaya nag-take over ang Baltimore sa Ravens 48.

Kahit bentahe ang posisyon, napuersa na sumipa ng 48 yarda na field goal ang Ravens at ipinasok ito ni K Justin Tucker. Lumamang ang Ravens ng 3-0 sa 8:49 ng 1st kuwarter.

Ibinalik ni Francies ang kasunod na kickoff sa Oakland 24. Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si P Shane Lechler ng 59 yarda. Ibinalik ito ni WR Jacoby Jones sa Ravens 22. Dahil sa penalty laban sa Raiders nilagay ang bola sa Ravens 37.  Sumugod ng 63 yarda ang Ravens sa loob ng 8 play at dinayb ni QB Joe Flacco ang 1-yarda para sa TD. Pumasok din ang extra point at 10-0 na ang lamang ng Baltimore sa 3:15 ng 1st kuwarter.

Si Francies muli ang sumalo ng kasunod na kickoff at ito ay umabot sa endzone kaya touchback muli. Nahinto ang pagsugod ng Raiders sa Oakland 45. Si SS Mike Mitchell ang sumalo sa 53 yarda na punt ni Lechler at ibinaba niya sa Baltimore 2. Naagaw ang bola ni DB Michael Huffsa Baltimore 9 pagkaraan na mahampas niya ito.

Hindi umabot sa goal line ang Raiders at sumipa ng 22 yarda na field goal si Janikowski at nabawasan ang lamang ng Ravens sa 10-3 sa 10:02 ng 2nd kuwarter.

Ang kickoff ni Janikowski ay tumama sa crossbar at sa 20 nag-umpisa ang Ravens. Sumugod ang Ravens ng 80 yarda sa loob ng 6 play.  Natamaan ni Flacco si TE Dennis Pitta para sa 5-yarda  na TD, at lumayo ang Baltimore ng 17-3 sa 7:49 ng  2nd kuwarter.

Muling touchback ang kickoff at niluhod ito ni Francies. Pagkaraan ng ilang pass, inabot ni DE Paul Kruger ang bolang ipinasa ni Palmer at dinala niya sa Oakland 32. Isang field goal ni Tucker ang iniskor ng Baltimore at 20-3 na ang lamang nila sa 3:16 ng 2nd kuwarter.

Sa Raiders 20 nagsimula ang atake ng Raiders. Pagkaraan ng ilang play, tinamaan ni Palmer si WR Darrius Heyward-Bey, at lumusot siya sa tackle ni FS Ed Reed at sumibat siya sa end zone para sa 55-yarda na touchdown. Pumasok din ang extra point kaya nabawasan sa 20-10 ang lamang ng Ravens sa 1:37  ng 2nd kuwarter.

Sa kanilang 20 nagsimula ang Ravens, at sumugod sila ng 80 yarda sa 7 play at tinakbo ni RB Ray Rice ang 7-yarda para sa TD. Lumaki ang lamang ng Ravens sa 27-10 sa huling 24 sandali ng 2nd kuwarter.

Natapos ang 1st half sa touchback at 3 yarda na takbo ni Reece.

Sa 2nd half, isang line drive na kickoff ang sinipa ni Janikowski at dinala ito ni RB Anthony Allen sa kanilang 30. Pagkaraan ng ilang play, pinasahan ni Flacco si WR Torrey Smith para sa 47-yard na TD. Lumayo ang Ravens sa 34-10 sa 13:42 ng 3rd kuwarter.

Muling touchback ang tinanggap na bola ni Francies. Umatake ang Raiders ng 80 yarda sa loob ng 7 play. Tinamaan ni Palmer si WR Denarius Moore para sa 30-yarda na TD. Okey din ang  PAT kaya 34-17 na lang ang lamang ng Ravens sa 10:31 ng 3rd kuwarter.

Ang kickoff ni Janikowski ay na-touchback at na-three-and-out nila ang Ravens. Nag-punt ang Ravens pero nag-fumble sa pagsalo si CB Phillip Adams at naagaw ng Baltimore ang bola sa Raiders 20. Pinasahan agad ni Flacco si Smith para sa TD at 41-17 na ang agwat ng Ravens sa Raiders.

Na-three-and-out ang Raiders. Nagpunt si Lechler at nag-take over ang Ravens sa kanilang 26. Pagkatapos ng penalty. Dinagdagan pa ng Baltimore ang kanilang lamang sa 48-17 nang pumeke ng field goal si P Sam Koch pero itinakbo ang bola ng 7 yarda para sa TD.

Na-three-and-out muli ang Raiders. Humantong sa punt din ang Ravens at lumabas ito sa Raiders 10.

Isang 47 yarda field goal ni Janikowski ang iniskor ng Raiders.  Ngunit sa kasunod na kickoff, pagsalo ni Jones ang bola ay tumakbo ng 105 yarda para sa touchdown at ang Baltimore ay lamang na ng 55-20 sa 12:34 ng 4th kuwarter.

Umabot ang Raiders sa Baltimore 12 pero nag-fumble si Palmer sa snap sa 4th and 2 at nag-take over ang Baltimore. Si Tyrod Taylor ang pumasok na quarterback ng Ravens at napuersang nagpunt sila. Pumasok si Matt Leinart na quarterback ng Raiders pero three-and-out sila. Parehong di na nakaiskor ang teams.

Bumagsak ang Raiders sa 3-6 at pabalik sila sa Oakland upang harapin ang New Orleans Saints.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising