Skip to main content
Raiders
Advertising

GINAWANG HEAD COACH NG OAKLAND RAIDERS SI HUE JACKSON

011811-HCPC.jpg


Ipinakilala si Hue Jackson na siya ang bagong Head Coach ng The Oakland Raiders.

Si Al Davis, ang may-ari ng Oakland Raiders ang nagtangahal kay Jackson sa isang press conference noong Martes at ito ang sinabi niya tungkol sa bagong head coach: "Ang maalab na panindigan ni Hue ay liliyab ng apoy at maglalagablab nang matagalan sa bawat puso at kaisipan ng mga manlalaro ng Raiders at sa Bansang Raiders."

Nitong nakaraang taon, si Jackson ang namahala sa opensa ng Oakland Raiders at  natapos nila ang season na pang-apat na pinakamagaling mag-iskor sa AFC at pang-anim sa buong NFL (25.6 puntos bawat laro). Mahigit na dinoble ng Raiders ang kanilang iniskor noong 2009, nang lumikom sila ng 410 na puntos sa 2010.

Sa ilalim ng patnubay ni Jackson, naging panlima ang Raiders sa AFC at pang-sampu sa NFL sa kabuuang yarda na nalikom ng opensa (354.6 yarda bawat laro) at pangalawa sa NFL at AFC sa rushing (155.9 yarda bawat laro).

Dalamput limang taon na ang karanasan ni Jackson bilang coach sa kolehiyo at sa propesyonal na putbol at gayundin, siya ay naging offensive coordinator sa gayong dalawang antas.

Bago siya sumanib sa Raiders, nagsilbi si Jackson ng dalawang season sa Baltimore bilang coach ng mga quarterback at tinulungan niya ang Ravens na umabot sa postseason noong 2008 at 2009. Noong 2008, tinuruan ni Jackson si Joe Flacco, na siyang naunang rookie na QB sa kasaysayan ng NFL na manalo ng dalawang laro sa playoffs at umunlad ang Ravens sa kampeonato ng AFC.

Noong 2007, sa ikalawang pagkakataon ay naging NFL offensive coordinator si Jackson nang magsilbi siya sa Atlanta Falcons.  Siya ay offensive coordinator ng Washington Redskins noong 2003 at dalawang beses niyang hinawakan ang puwestong yan sa kolehiyo - sa University of Southern California noong 1997-2000 at sa University of California noong 1996.

Sa ilalim ng pagtuturo ni Jackson sa Cincinnati (2004-06), sila Chad Ochocinco at T.J. Houshmandzadeh ay naging magkaparehas na pinakamaaning mga wide-receiver sa kasaysayan ng NFL. Bilang coach ng mga wide receiver ng Cincinnati noong 2006, si Ochocinco (1,369) at Houshmandzadeh (1,081) ay ang pinakaunang parehas na Bengal na nahigitan ang 1,000-yarda na receiving sa isang season. Apat na season na magkakasunod na hinawakan ni Ochocinco ang pinakamaraming nakolektang receiving yards sa NFL, at siya rin ang unang manlalaro ng AFC na nanguna sa receiving yards sa apat na season na magkakasunod.

Noong 2005 sa pagtuturo pa rin ni Jackson, ang magkasamang Ochocinco-Houshmandzadeh ay nakabuo ng 175 receptions para sa 2,388 yards, na siyang nakatulong na gumana ng titulo ng AFC North at pumasok sa playoff sa unang beses sa mahigit sampung taon.

Umasenso si Jackson na offensive coordinator sa Washington sa tulong ni Head Coach Steve Spurrier noong 2003 at siya ang humawak sa offensive play-calling ng team.

Noong 2002, si Jackson ang nag-coach sa running backs at noon ay nasa iskedyul na si Pro Bowl RB Stephen Davis ay patungo na naman sa 1,000-yard rushing bago siya nasaktan. Kumuha ng 1,432 yarda si  Davis noong 2001.

Siya ay nagsilbing offensive coordinator ng USC noong 1997-2000, at tumulong siya sa pagrekuluta at pag-unlad ng mga manlalaro, kasama rito si QB Carson Palmer, na kanayang nakasama rin sa Cincinnati. (Si Palmer ang No. 1-overall pick sa NFL nang pinilli siya ng Bengals noong 2003.)

Bilang offensive coordinator ng Cal noong 1996, tinulungan ni Jackson na makapasok ang Golden Bears sa Aloha Bowl. Nag-coach siya ng mga running backs sa Arizona State noong 1992-95. Naging minority intern fellowship coach siya sa training camp ng Washington Redskins noong 1995, at gayundin sa Arizona Cardinals noong 1992 at sa L.A. Rams noong 1990.

Noong 1990-91 ay running backs coach at special teams coordinator siya sa Cal State Fullerton. Gumana siya ng  karanasan bilang pro coach bilang coach ng running backs/wide receivers/special teams para sa London Monarchs sa World League. Sa Pacific nagsimula ng karrera si Jackson bilang assistant coach noong1987 at doon siya nagsilbi hanggang 1989.

Bilang quarterback ng Pacific noong 1985-86, pumasa si Jackson ng 2,544 yarda at 19 TDs. Kumuha rin siya ng letra sa basketball noong 1986 at nagtapos ng degree sa Physical Education. Katutubong Los Angeles si Jackson at siya ay star quarterback sa Dorsey High School, na kung saan din siya kasama sa basketball team.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Jackson na maging head coach ng team sa National football League. Sinabi niya sa Q&A na marami siyang natutunan kay Mr. Davis.

Nang siya ay tanungin tungkol sa kanyang pakikipag-usap kay Al Davis, sabi ni Hue Jackson:  "Ang pinakamahalaga na nalaman ko kay Coach Davis ay ang kadakilaan ng The Raiders. At kung papaano maging tunay na Raider. Ito ay tungkol sa pagiging matagumpay at iyan ang talagang batayan. Ang ating pondasyon ay batay sa pagwawagi at kagalingan sa lahat ng ating gawain, maging sinuman, ang mga coach man o ating mga manlalaro, sa loob at labas ng field. Sisikapin natin at gagawin natin ang tama."

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising