Tinalo ng Oakland Raiders ang [**
.
Naunang mag-receive ang Raiders nang manalo sila sa opening coin toss. Malamig pa ang opensa ng Pilak at itim at agad three-and-out sila. Umabot naman sa 57 yarda ang punt ni P [Shane Lechler at sa Eagles 28 nag-umpisa ang kalaban. Binawian ng three-and-out ang Eagles at si QB Donovan McNabb ay na-sack ni DE [Trevor Scott sa 3rd and 8.
Hindi pa rin gumana ang opensa ng Raiders at na-sack pa nga si QB JaMarcus Russell sa first down. Nag-punt muli si Lechler at touchback ito. Si McNabb ay muling na-sack ni Scott at nag-punt din si Rocca.
Humantong muli sa punt ang opensa ng Raiders at nang mag-take over ang Eagles isang 51 yard na pasa ang nasalo ni WR DeSean Jackson kaya umabot sa posisiyon na nakasipa si K David Akers ng isang 43 yarda na field goal. Lumamang ang Eagles ng 3-0. Sa umpisa, nag-miss si Akers mula sa 43 yarda.
Sumagot kaagad ang Raiders ng isang eksaktong hagis ni Russel na sinalo ni TE Zach Miller sa gitna ng field at sa tulong ng blocking ng teammate ay natakbo niya ang 86 yarda para sa touchdown. Madaling sinipa naman ni K [Sebastian Janikowski 's ang PAT at lumamang ng 7-3 ang Raiders bago matapos ang 1st kuwarter.
Ang atake ng Eagles ay natigil sa Raiders 43 at sa punt ni Rocca ay nag-fair catch si WR [Johnnie Lee Higgins sa Oakland 13. Maganda ang sumunod na atake ng Raiders, nang dalhin ni Russel sila sa tatlong first down at sa loob ng 12-play ay gumana ng 76-yarda. Dito sinipa ni Janikowski ang isang field goal kaya humaba ang lumamang ng Raiders sa 10-3.
Sa kickoff, lumampas ang sipa ni Jaikowski at sa Eagles 20 nagsimula ang atake ng kalaban. Hindi nagtagal ito nang i-sack ni DE [Richard Seymour si McNabb at nag-punt si Rocca. Tumalbog sa endzone ang punt ni Rocca at touchback ito.
Sa sumunod na drive ng Raiders ay na-intersep ang pasa ni Russel kay Miller at dinala ang bola sa Oakland 40. Umabante ang Eagles hanggang nakasipa nang 43 yarda na field goal si Akers at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 10-6. Labing-isang segundo na lamang ang nalalabi at naitakbo ang bola ni RB [Justin Fargas ng 20 yarda bago sila bumalik sa mga locker room para sa halftime na dala ng Raiders ang lamang na 10-6.
Sa pagbukas ng second half ay dinala ng Eagles ang bola sa loob ng teritoryo ng Raiders bago sila nahinto nang matibay na depensa. Sumipa ng field goal si Akers mula sa 47 yarda at nagmintis ito sa kanan ng poste kaya nag-take-over ang Raiders a kanilang 37 sa 11:25 sa orasan ng 3rd kuwarter.
Umabot ang drive ng Raiders sa Eagles 40 pero nabigo sila sa 4th and 1. Pag-take over on downs ng Eagles, na-sack muli si McNabb ni DE [Jay Richardson at nag-punt si Rocca. Sa Raiders 14 sila nagsimula.
Nagpalitan ng mga punts ang Pilak at Itim at Eagles dahil sa matitibay ang kanilang mga depensa. Hanggang sa na-out of bounds ang punt ni Rocca sa Oakland 40.
Mahusay ang sumunod na drive ng Raiders at umabot sila sa 36 yarda ng Eagles pagkaraan ng 7 play at 32 yarda na drive. Dito sumipa si Janikowski ng 46 yarda na field goal at lumamang ng 13-6 ang Raiders sa 10:25 sa orasan ng 4th kuwarter.
Sa pangsagot na drive ng Eagles, tinapos ito ng depensa sa pang-anim na sack kay McNabb. Dinala ni Higgins ang punt ni Rocca hanggang sa Oakland 26. Three-and-out ang Raiders.
Sa Philadelphia 31 nagsimula ang atake ng Eagles at pagkaraan ng 5 play at 42 yarda na drive, umabot sila sa teritoryo ng Raiders. Ipinasok ni Akers ang 45 yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 13-9 at 6:06 pa ang nalalabi sa laro.
Si CB [Jonathan Holland ang sumalo sa kickoff at touchback ito. Umabante hanggang sa Raider 42 ang atake nila at doon nag-punt si Lechler. Nag-fair catch si Jackson sa Eagles 20.
Huling pagkakataon na humabol ang Eagles sa drive na ito at sila ay umabot sa Oakland 44 nang harapin nila ang 4th and 4. Umatake sila pero ipinakita muli ang tigas ng depensa ng Oakland at tinigil ang atake, at nag-take over on downs ang Raiders sa kanilang 44. Meron pang 2:14 sa orasan pero nilustay ng Raiders ang mga segundo upang maseguro ang tagumpay.
Umangat sa 2-4 ang Raiders at sa susunod na Linggo ay kakalabanin ang [**
**](http://www.newyorkjets.com/) sa Oakland Coliseum.