Skip to main content
Raiders
Advertising

Haharapin ng Raiders ang Chargers sa San Diego

101010-blocked-punt-story.jpg

Hinarang ng Raiders ang dalawang punt sa kanilang panalo sa Chargers sa Oakland noong Oktubre.AP Photo.

NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng American Football Conference sa Western Dibisyon, na ngayon ay nasa ika-51 na season ng kumpetisyon sa putbol na propesyonal, ay bibisita sa San Diego upang sagupain ang Chargers sa isang labanan ng mga taga-AFC West.

TELEBISYON: Ipalalabas ang laro sa CBSat si Jim Nantzang maghahatid ng play-by-play at ang dating manlalaro ng NFL na si Dan Foutsang magbibigay ng color analysis. Ang laro ay mapapanood sa TV sa Bay Area sa KPIX Channel 5at sa Sacramento sa KOVR Channel 13. Ang laro ay ihahatid din sa TV ng KHSLsa Chico, ng KION sa Monterey at ng KJEO sa Fresno.

RADYO: Si Greg Papa at si Tom Flores ay ang mag-aanunsiyu ng live sa Raiders Radio Network mula sa KITS LIVE 105.3 FM at KFRC 1550 AM. Sila rin ang magbibigay ng pregame at postgame analysis sa KFRC. Si Papa at si Head Coach Flores, ang dalawang beses na matagumpay na coach sa Super Bowl, ay nasa mikropono ng ika-13 na sunud-sunod na taon. Sa pregame at postgame show ay itatampok ang mga lehendaryong Raiders na sila George Atkinson at David Humm at kasama rin ang mga beteranong mga personalidad ng radyo sa Bay Area na sila Bruce Magowan at Jason Ross.

RADYO ESPANYOL:Ihahatid sa radyo sa wikang Espanyol ang lahat ng laro ng Raiders sa 2010 regular season sa estasyon ng La Kaliente, KZSF 1370 AM. Si Fernando Arias at Ambrosio Ricoang mag-aanunsiyu. Ang mga magrereport sa sideline sa lahat ng mga home games ay ang taga Bay Area na personalidad ng radyo na sina Victor Zaragoza at Sal Acevedo.

SERYE:Sa Linggo ay ang pang-102 na enkuentro sa liga ng Raiders at Chargers. Nakalalamang ng panalo ang Raiders ng 55-44-2 sa kanilang serye ng labanan sa regular season simula pa noong 1960 bilang orihinal na mga miyembro ng the American Football League. Panalo rin ang Raiders sa kanilang nag-iisang postseason game.

MGA KUNEKSIYON

RAIDERS: Ang may-ari ng Raiders na si Al Davis ay dating assistant coach ng Chargers noong 1960-62…si Head Coach Tom Cable ay naging graduate assistant sa San Diego State noong 1989…si RB [Michael Bennettinternal-link-placeholder-0] ay dating manlalaro ng Chargers noong 2008-09…si WR [Chaz Schilensinternal-link-placeholder-0] at Chargers OLB Antwan Applewhite at G/T Brandyn Dombrowski ay dating magka-teammate sa San Diego State…si LB [Sam Williamsinternal-link-placeholder-0] at Chargers QB Billy Volek ay nagka-teammate din sa Fresno State… si G [Robert Galleryinternal-link-placeholder-0] at Chargers K Nate Kaeding ay nagkasama sa Iowa…gayundin sina DT [Richard Seymourinternal-link-placeholder-0] at Chargers TE Randy McMichael sa Georgia…si LB [Quentin Grovesinternal-link-placeholder-0] at Chargers G/T Tyronne Green sa Auburn…si LB [Ricky Browninternal-link-placeholder-0] at Chargers DT Antonio Garay sa Boston College…si CB [Jeremy Wareinternal-link-placeholder-0] at Chargers DE/DT Ogemdi Nwagbuo sa Michigan State…si G [Daniel Loperinternal-link-placeholder-0] at Chargers QB Billy Volek ay nagkalaro sa [**

internal-link-placeholder-0] at si Chargers OLB Antwan Applewhite ay parehong nag-aral sa Narbonne High School sa Los Angeles.

CHARGERS: Si Chargers head coach Norv Turner ay nag-head coach ng Raiders ng dalawang season (2004-05)…si Turner ay taga-Martinez at nagtapos sa Alhambra High School…si Defensive line coach Don Johnson ay nag-coach ng mga defensive tackles sa Raiders noong 2007-08…si CB Dante Hughes ay nagtapos sa Cal…si RB Ryan Matthews ay galing ng Fresno State…si WR Malcolm Floyd ay taga-Sacramento at nagtapos sa River City High School…si QB Billy Volek ay tubong Fresno at nag-aral sa Clovis West High School…si CB Donald Strickland ay taga-San Francisco at nag-aral sa Archbishop Riordan High School.

MULING GUMANA SI FORD NG MAHIGIT 300 YARDA: Ikalawang beses na season na lumikom ng mahigit na 300 all-purpose yarda sa isang laro si WR/KR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0] nang nakabuo siya ng 329 yarda laban sa [**

**](http://www.miamidolphins.com/) sa Oakland-Alameda County Coliseum noong nakaraang Linggo, Nobiyembre 28. Lumikom si Ford ng 208 yarda sa pitong kick return, kasama ang 101-yarda na return para sa touchdown, at kumuha pa ng 108 yarda sa apat na resepsiyon ng pasa ng quarterback. Ang rookie na galing sa Clemson ay naka-rush din ng 13 yarda sa isang carry. Noong Nobiyembre 7, si Ford ay kumuha ng 306 all-purpose yarda sa 23-20 overtime na panalo nila sa Kansas City.

MADISTANSIYANG PAGTAKBO NI FORD: Sinalo ni WR/KR Jacoby Ford ang opening kickoff at itinakbo niya ng 101 yarda para sa touchdown laban sa Miami Dolphins sa Oakland-Alameda County Coliseum noong Nobiyembre 28. Iyon ang ikatlong pinakamahabang pagbabalik ng sipa sa kasaysayan ng Raiders at si Ford din ang ikalawang manlalaro na nakapagbalik ng dalawang kickoff para sa touchdown sa isang season nang pantayan niya ang dalawang kickoff return na isinagawa ni Justin Miller noong 2008. Ang nabuong 208 yarda ng rookie na si Ford sa loob ng pitong return laban sa Dolphins ay ang pinakamataas na single-game total sa AFC ngayong season.  

UNA SI FORD: Ang 101 yarda na kickoff return para sa touchdown na ginawa ni WR/KR Jacoby Ford noong Nobiyembre 28 laban sa Miami Dolphins sa Oakland-Alameda County Coliseum ay kauna-unahan sa buong kasaysayan ng Raiders na naibalik ng isang Raider ang game-opening kickoff para sa touchdown.

SALO NI McFADDEN: Nanguna si RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] sa lahat ng mga receivers at gumawa ng career high na pitong resepsiyon laban sa Miami Dolphins sa Oakland-Alameda County Coliseum noong Nobiyembre 28. Nakabuo si McFadden ng 63 yarda na receiving kasama ang 20-yarda na catch.

MGA SACKING SAFETY: Mga Safety na sina [Tyvon Branchinternal-link-placeholder-0] at [Michael Huffinternal-link-placeholder-0] ay naka-rekord ng tig-iisang sack laban sa Miami Dolphins noong Nobiyembre 28. Silang dalawa ay papasok sa Linggo 13 ng season na parehong tabla sa second place sa mga defensive back sa NFL sa pareho nilang tatlong sack sa season.

UNANG PICK NG PANGUNAHING PICK: Narekord ni LB [Rolando McClaininternal-link-placeholder-0] ang kanyang unang career interception, nang ma-pick niya ang isang pasa ng kalaban sa 2nd kuwarter ng laro nila laban sa Miami Dolphins on November 28. Itong intersepsiyon ng rookie ang humadlang sa pagpasok ng Dolphins sa loob nang posibleng pag-iiskoran sa teritoryo ng Raiders.

DALAWA SA BAYONG NI BRYANT: Ang second year na DT [Desmond Bryantinternal-link-placeholder-0] ay kumuha  ng panagalawang sack sa season, ng pabagsakin niya ang kalaban na quarterback para sa apat na yarda na loss ng Miami Dolphins noong Nobiyembre 28. Si Bryant ang naging pangwalong  Raider na gumawa na ng mahigit isang sack sa season na ito.

PATULOY ANG RATSADA NI MILLER:Nakasalo si TE [Zach Millerinternal-link-placeholder-0] ng isa pang pasa laban sa Miami noong Nobiyembre 28 at patuloy ang pagrekord niya ng resepsiyon sa bawat laro at rumaratsada na sa 23 games ngayon. Si Miller ang nangunguna sa mga Raiders ng 37 resepsiyon para sa 476 yarda sa season na ito. Sa bawat game na siya ay naglaro ay nakakasalo siya ng pasa simula pa nooong Linggo 2 ng 2009 season. Dagdag dito, si Miller ay parating nakakasalo ng isang pasa sa lahat ng games na nilaruan niya sa Oakland-Alameda County Coliseum simula pa noong pumasok siya sa NFL bilang 2nd rawnd pick noong 2007.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising