AP Image
PETSA: Linggo, Nob 21, 2011, 1:05 n.h. PT | POOK: O.Co Coliseum, Oakland, CA
NGAYONG LINGGO: Ang The Oakland Raiders na miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference ay nasa ika-52 season sa kumpetisyon ng putbol na propesyonal. Nakaharap ng The Raiders ang mga team ng American Football Conference sa kanilang unang siyam na laro sa 2011 regular season at tatlo nito ay sunod-sunod na kapwa miyembro sa AFC West. Ngayong linggo, sa ikalawang beses pa lang sa 2011 ay makakaharap ng Pilak at Itim Silver and Black ang kalaban sa ibang conference nang hahandaan nila ang Chicago Bears ng NFC North matapos na labanan nila ang Vikings sa Minnesota noong nakaraang linggo.
TELEBISYON: Ang palaro sa linggong ito ay naka-TV sa FOX, at si Kenny Albert ang maghahatid ng play-by-play, at ang dating player ng NFL na siDaryl Johnston bilang color analyst at si Tony Siragusa ay ang sideline reporter. Kung sold out ang laro ayon sa patakaran ng NFL tungkol sa blackout sa TV, ay ipalalabas ang laro sa Bay Area ngKTVU Channel 2. Ipalalabas din sa Sacramento ng KXTL Channel 40.
RADYO: Ang laro ay ihahatid ng Raiders Radio Network mula sa KITS LIVE 105.3 FM, ang flagship na estasyon ng Pilak at Itim para sa Radio Network na umaabot sa iba't ibang estado. Si Greg Papa at ang dalawang beses na kampeon na coach ng Super Bowl na si coach Tom Flores ay ang mag-aanunsiyu sa ika-14 sunod-sunod na taon. Ang pregame and postgame show sa radyo ay itatampok ang mga lehendaryong Raiders na sina George Atkinson at David Humm.
RADYO ESPANYOL:Ihahatid sa Espanyol ang lahat ng Raider games sa 2011 sa Bay Area ng estasyon ng KCNL 104.9 FM at silaFernando Arias at Ambrosio Ricoang mag-aanunsiyu.
SERYE NILA:Sa labanan ng Raiders at Chicago Bears sa regular season ay patas ang kanilang panalo sa isa't isa sa 6-6 at huling nagharap noong 2007. Ang unang paghaharap nila ay noong 1972, nang talunin ng Raiders ang Bears, 28-21.
MGA KUNEKSIYON
RAIDERS:Si LB [Kamerion Wimbley ay kakampi ni Bears DE Chauncey Davis sa Florida State…si DE [Lamarr Houston ay nakalaro ni Bears DL Henry Melton sa Texas…si WR [Darrius Heyward-Bey , si G [Bruce Campbell at si T [Stephon Heyer ay naglaro sa Maryland kasama nila Bears P Adam Podlesh at G/C Edwin Williams…si S [Michael Huff at Bears WR Roy Williams ay nagkalaro sa Texas…si RB [Michael Bush at CB [Chris Johnson at Bears DT Amobi Okoye ay nagkasama sa Louisville…si WR [Chaz Schilens ay nakalaro ni Bears G Lance Louis sa San Diego State…si T Joe Barksdale ay nakalaro naman ni Bears S Craig Steltz sa LSU…si WR [Louis Murphy at DE [Jarvis Moss ay nakasama si Bears S Major Wright sa Florida… si Offensive line coach Bob Wylie ay nag-coach din sa ganoong posisyon para sa Bears noong 1999-2003…si Offensive coordinator Al Saunders at Bears offensive coordinator Mike Martz ay nagkasama sa staff ng St. Louis Rams.
BEARS:Si FB Tyler Clutts ay naglaro sa Fresno State at tubong Clovis…si RB Khalil Bell ay nag-aral sa Marin Catholic High School sa Kentfield…si S Chris Conte ay naglaro sa Cal…si Stephen Paea ay taga-Los Altos…si LB Lance Briggs ay galing sa Sacramento…si S Winston Venable ay taga-San Rafael…si Defensive coordinator Rod Marinelli ay dating coach ng defensive line sa Cal noong 1983-91…si Offensive coordinator Mike Martz ay nanggaling sa Fresno State…si Martz din ay nagbabad sa Bay Area bilang coach sa San Jose State (1978), sa Fresno State (1979), sa Pacific (1980-81), at sa San Francisco 49ers (2008)…si Assistant defensive backs coach Gill Byrd ay galing sa San Jose State.
NAKARAANG LARO:Tinalo ng The Oakland Raiders ang Minnesota Vikings sa iskor na 27-21 noong Linggo sa Mall of America Field sa Hubert H. Humphrey Metrodome ng Minneapolis. Sumipa si K [Sebastian Janikowski ng 29-yarda na field goal para sa unang puntos ng Pilak at Itim. Sinundan ito nang umiskor si WR Chaz Schilens sa isang 11-yarda na pasa mula kay QB [Carson Palmer , at isang two yarda na pagtakbo ni RB Michael Bush at isang quarterback sneak ni Palmer sa first half at lumamang sila ng 24-7. Isa pang field goal na 26 yarda ang ipinasok ni Janikowski sa 3rd kuwarter.
SA SUSUNOD NA LINGGO:Dadayo na naman sa ikatlong beses sa huling apat na linggo ang mga Raiders nang sila ay patungo sa Miami upang harapin ang Dolphins ng AFC East. Pagkatapos, ay dadayo muli sila sa susunod na linggo upang harapin ang AFC North Packers sa Green Bay bago sila magbalik-bahay upang harapin ang isa pang team ng NFC North, ang Detroit Lions, sa O.Co Coliseum sa Linggo, Disyembre 18.