Nagdayb si RB[Michael Bush;sa ibabaw ng kumpol ng mga players para sa 2-yarda na touchdown.AP Photo
Nagtapos sa laro si RB Michael Bush na meron 242 yarda, kasama rito ang 30 pagdala ng bola para sa 157 yarda at isang touchdown, at si WR [Denarius Moore ay nakasalo ng dalawang TD passes at ang walang tigil na pass rush ng Raiders ay siyang nagpaseguro sa kanilang 24-17 na panalo sa Chargers sa Qualcomm Stadium sa San Diego.
Sinalo ni WR [Jacoby Fordang opening kickoff ni K Nick Novak na na-touchback. Pinigilan ng Chargers sa three and out ang Raiders. Isang 60 yarda na punt ang sinipa ni P [Shane Lechler. Pagkaraan ng pagbabalik ng bola ng 40 yarda, sumipa ng 20 yarda na field goal si Novak para sa Chargers. Pumasok ito at lumamang ang Chargers ng 3-0 sa 10:40 ng 1st quarter.
Pinabagsak si Ford sa Raiders 13, at ang sumunod na drive ng Raiders ay nahinto so loob ng teritoryo ng Chargers. Nagpeke sila ng punt pero pumaltos ito. Mabuti na lang at na-three and out ng Raiders ang Chargers. Nakuha muli ng Raiders ang bola sa 13 yarda nila.
Pagkaraan ng 11 play, tumahak sila ng 86 yarda at tinapos ni Bush ang atake ng isang pa-dayb na 2 yarda na TD. Pumasok ang extra point at lumamang ang Raiders ng 7-3 sa huling 41 sandali ng first quarter.
Sa kickoff return, nag-take over sa kanilang 28 yardline ang Chargers. Na-three and out sila ng Raiders, at pagka-punt nakuha ng Pilak at Itim ang bola sa 25 yardline. Umatake sa sumunod na 7 play ang Raiders at tinahak nila ang 70 yarda, at tinapos ito ng 23 yarda na field goal ni Janikowski upang lumamang ang Raiders ng 10-3 sa 11:02 sa second quarter.
Paghawak ng bola ng Chargers, na-three and out sila ng depensa ng Raiders at nag-punt ang San Diego. Nag-punt din ang Raiders dahil sa mga nagawang penalty. Pagkaraan ay na-three and out na naman ang Chargers at nag-punt si Scifres.
Mabilis ang pagbalik ng bola ni WR Denarius Moore at dinala niya ng 21 yarda hanggang sa kanilang 44. Pagkaraan ng dalawang play lamang, pinasahan ni QB [Carson Palmer si Moore at itinakbo niya ng 33-yarda para saTD. Pumasok ang extra point at lumamang ng 17-3 ang Raiders sa 1:51 sa 2nd quarter. Dinala ng Raiders ang kanilang lamang sa halftime.
Na-touchback ang opening kickoff sa second half ni Janikowski at sa SanDiego 20 nag-umpisa ang Chargers. Umiskor din ng touchdown ang Chargers nang dalhin nila ang bola ng 80 yarda sa 8 play at isang pasa na 30 yarda na tumawid sa endzone. Kasama ang extra point ay nabawasan ang lamang ng Raiders sa 17-10 sa 11:48 ng 3rd quarter.
Ibinalik ni RB [Taiwan Jones ang kasunod na kickoff at itinawid ni Palmer ang mga Raiders ng 85 yarda sa loob ng 5 play at isang 26-yarda na TD pass kay Moore. Pumasok ang extra point at lumamang ng 24-10 ang Raiders sa 9:01 ng 3rd quarter.
Naibalik sa San Diego 30 ang kasunod na kickoff. Pero na-puersa ng depensa sila ng Raiders na sumipa ng 46-yarda na field goal, at ito ay pumaltos. Nag-take over ang Raiders sa kanilang 36. Subalit nag-fumble si Palmer at bumalik ang bola sa San Diego sa kanilang 49.
Dinala ni Rivers ang mga Chargers ng 51-yarda at pumasa siya ng 7-yarda na TD kay RB Jacob Hester. Kasama ang extra point nabawasan ang lamang ng Raiders sa 24-17 sa katapusan ng 3rd kuwarter.
Naging eksayting ang 4th kuwarter dahil sa tangkang humabol ng mga Chargers at ito ay naging malaking hamon sa depensa ng mga Raiders. Ang kasunod na kickoff ay nasalo sa endzone para sa touchback at nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 20. Pumasok sila sa loob ng teritoryo ng Chargers pero tinamaan si Palmer nang tinangka niyang maghagis kaya siya ay naagawan ng bola. Nag-take-over ang Chargers sa kanilang 6.
Napuersa naman ng Raiders ang punt sa 4th and 10 ng San Diego . Ngunit dahil sa penal;ty nag-umpissa muli ang Chargers sa bagong set ng downs. Naging matatag ang depensa ng Raiders at muling napuersa ang punt.
Humantong din sa punt ang atake ng Raiders pero paghawak ng Chargers ang bola, naintersep ni Safety [Matt Giordano ang pasa ni Rivers sa end zone at dinala niya ang bola sa Oakland 26. Nag-take over ang Raiders at 3:00 na lamang ang nalalabi sa laro.
Natamo ng Raiders ang 3rd and 11 dahil sa isang 24-yarda na pass kay TE [Kevin Boss. Sa two-minute warning nabara ang Raiders sa 3rd and 12 at napuersa ng Chargersa ang punt. Nag-take over ang Chargers sa kanilang 11 at meron 1:04 na lang.
Na-sack ng Raiders si Rivers ng dalawang beses at natamo ang tagumpay kaya nakuha nila ang first place sa AFC West sa kanilang 5-4 na rekord.
Sa Linggo 11 ng 2011 Regular Season patungo ang mga Raiders sa Minnesota upang labanan ang mga Vikings.