Nag-rush si B [Michael Bush para sa 109 yarda at isang TD at nagtagumpay ang Raiders ng 27-21 laban sa Vikings. AP Photo
Tatlong beses na-intersepan ng The Oakland Raiders si QB Christian Ponder ng Minnesota Vikings at kanilang dinepensahan ang pag-rally ng kalaban upang makamit ang tagumpay, 27-21 sa Mall of America Field sa Minneapolis sa Linggo 11 ng 2011 NFL Regular Season.
Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at ipinagpaliban ang kanilang pagtaya sa second half. Pinili ng Vikings na mag-receive. Ibinalik ni WR Percy Harvin ang opening kickoff sa Minnesota 32. Agad pinuersa ng Raiders ang 3 and out at ang punt ni Chris Kluwe ay nag-out of bounds sa Raiders 14.
Nakakuha ng first down ang Raiders bago sila nag-punt. Sa Minnesota 23 nag-umpisa ang atake ng Vikings. Nadala nila ang bola hanggang sa endzone at nailusot ni RB Adrian Peterson ang 12-yarda para sa TD at nauna sa 7-0 na lamang ang Minnesota sa 5:17 ng 1st quarter.
Ibinalik ni Rookie RB [Taiwan Jones ang kasunod na kickoff sa Raiders 45. Ang 29 yarda na field goal ni K [Sebastian Janikowski pagkaraan ng 9 na play at 44-yarda na drive ay gumana sa iskor na 7-3 sa huling 57 sandali na lamang sa 1st quarter.
Na-touchback ang kasunod na kickoff ni Janikowski at ang Vikings ay nagsimula ng atake sa kanilang 20. Naitakwil nila ang Vikings nang maagaw ni S [Matt Giordano ang pasa ni QB Christian Ponder at dinala ni Giordano ang bola sa Raiders 47.
Sinamantala ni QB [Carson Palmer ang bagong agaw na bola at kumunekta kay WR [Chaz Schilens para sa 11-yarda na TD. Sang-ayon sa bagong patakaran ng NFL, ni-replay ang TD at tiniyak ang touchdown. Pumasok din ang extra point ni Janikowski at lumamang ang Raiders sa 10-7 sa 9:10 sa orasan ng 2nd quarter.
Sa kanilang 45 nag-umpisa ang atake ng Vikings pero napuersa silang sumipa ng 49 yarda na FG. Pumalpak ito at nag-take over ang Raiders sa kanilang 43. Sumugod ang Raiders ng 57 yarda at tinapos ito ni RB Michael Bush nang itakbo niya ng 2-yarda para sa TD. Lumamang ang Raiders ng 17-7.
Sa kasunod na kickoff, nag-fumble naman ang Vikings at sa Vikings 16 nagsimula ang Raiders. Inabot ng 4 play bago natawid ang 16 yarda at itinakbo ni Palmer ng 1-yarda para sa TD. Lumamang ng 24-7 ang Raiders at 8 sandali na lamang ang second quarter.
Natapos ang half nang iniluhod ni Ponder ang bola.
Sa second half, ibinalik ni CB [Bryan McCann ang bola at dinala niya sa Raiders 18. Isang down ang nakuha nila bago sila nag-punt. Sa kanilang 38 umatake ang Vikings pero pinigilan ng Raiders na gumana ang atake ng Vikings. Si WR [Denarius Moore ang sumalo sa punt at siya ay napabagsak sa Raiders 5.
Nabara ang Raiders sa three and out at muling nagsimula ang Vikings sa kanilang 38. Salamat sa sack ni DE [Desmond Bryant at na-three and out ang Minnesota at ibinalik ni Moore ang punt ni Kluwe sa Vikings 46.
Hindi naka-iskor ang Raiders at nag-punt si Lechler. Nagkaroon ng pagkakataon na pigilin ang punt sa 5 ngunit di nagawa ni Rookie CB [DeMarcus Van Dyke at tumuloy sa touchback.
Nadaplisan ni CB [Lito Sheppard ang pasa ni Ponder at dinakma ito ni [Tommy Kelly para sa kanynag unang intersepsiyon. Sa Minnesota 24 nag-umpisa ang mga Raiders at sa 26 yarda sumipa si Janikowski ng FG at pumasok ito para sa lamang ng Raiders na 27-7 at 51 segundo na lamang ang 3rd quarter.
Ang kickoff ni Janikowski ay naibalik sa Minnesota 28 at kumunekta si QB Christian Ponder kay WR Percy Harvin para sa TD. Ok din ang PAT at nakaltasan ang lamang ng Raiders sa 27-14 sa 14:52 ng 4th quarter.
Ibinalik ni McCann ang kickoff sa Oakland 36. Nabarahan ang drive nila at na-block din ang 50 yarda na tinangkang FG ni Janikowski. Sa kanilang 40 nag-take over ang Vikings.
Gumana hanggang sa unahan ng endzone ang drive ng Vikings bago naagaw ni CB [Stanford Routt ang pasa ni Ponder sa loob ng end zone. Sa 20 nagsimula ang mga Raiders.
Pagkaraan ng ilang play, nag-fumble si Bush at narekober ng Vikings sa Raiders 38. Sa dalawang play lamang, ay tinamaan ni Ponder si TE Kyle Rudolph para sa 1-yarda na TD. Kasama ang extra point, naging 27-21 na lang ang lamang ng Raiders at meron 5:08 pa ang nalalabi sa laro.
Si Moore muli ang sumalo sa kickoff pero hindi gumana ang drive at nag-punt sila. Ibinalik ito sa Vikings 29.
Isang first down lamang ang ibinigay sa Vikings at ipinagtanggol ang 4th and 8 sa Minnesota 46, at nasa 2:00 minute warning na sila.
Gumanda ang rekord ng Raiders sa 6-4 at sa kanilang susunod na laro ay haharapin nila ang Chicago Bears sa O.co Coliseum sa Linggo, Nobiyembre 27.