Skip to main content
Week 3 Panthers at Raiders
Advertising

Kinamote ng Raiders ang Chiefs, 15-0

121612-gamecenter-cp.jpg

Sumipa si K[Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0]ng limang 5 field goal, pati na ang isang 57-yarda. Photo by Tony Gonzales.

Nakatala ang Oakland Raiders ng kanilang unang shut out simula noong 2002 nang talunin nila noon ng 24-0 iyon din na team na Kansas City Chiefs na ngayon ay kinamote nila ng 15-0 sa Linggo 15 ng NFL Regular Season. Napigil ng Raiders si RB Jamaal Charles sa 10 yarda kahit na siyam na beses na dinala niya ang bola at si K Sebastian Janikowski ang umiskor sa lahat ng puntos ng team sa kanyang limang field goal.

Ang Chiefs ang nanalo sa pambungad na coin toss pero ipinagpaliban sa 2nd half ang kanilang pagpili sa pagtanggap ng bola. Sinalo ni RB Mike Goodson ang panimulang kickoff ni K Ryan Succop at lumuhod ito sa endzone para sa touchback. Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si P Shane Lechler at ito ay ang pang isang libo na niya sa kanyang karera sa putbol. Hindi gumana ang drive ng Chiefs at sila ay nagpunt din. Nagsimula ang Raiders sa kanilang 3.

Natigil ang pagsugod ng Raiders sa kanilang 40 at sumipa si Lechler ng 59-yarda na punt. Tumalbog ang bola sa endzone at pagkaraan ay pinigilan ng depensa ng Raiders ang Chiefs sa three-and-out. Si WR Denarius Moore ay ang nag-fair catch sa punt ni Succop at dahil sa penalty ng Kansas City, nag-simula ang Raiders sa Oakland 40.

Umabot sa Chiefs 2 ang Raiders pero di sila makatawid sa enzone kaya sumipa na lang si Janikowski para sa 20 yarda na field goal. Lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 1:44 left ng 1st kuwarter.

Sinalo ni WR Josh Bellamy ang kasunod na kickoff at dinala niya sa Chiefs 20. Isang three-and-out na naman ang ginawa ng Raiders sa Chiefs at sumipa sa Colquitt ng punt.

Sa Oakland 15 ibinaba ang punt at si Terrelle Pryor ang pumasok na quarterback ng Oakland. Three-and-out din ang Raiders at sa Chiefs 27 ibinaba ni CB Javier Arenas ang bola.

Matapos ang tatlong play, naagaw ni CB Joselio Hanson ang pasa ni QB Brady Quinn at dinala ang bola sa KC 39. Bumalik na quarterback si Palmer, at kanyang isinugod ang Raiders hanggang sa makasipa sila ng 50-yarda na field goal. At lumamang ng 6-0 ang Raiders sa 10:19 pa ang 2nd kuwarter.

Three-and-out muli ang Chiefs at dahil sa illegal touching, nagsimula ang Raiders sa kanilang 25.

Nahinto ang atake ng Raiders sa Kansas City 33 at sumipa si Janikowski ng isang 51 yarda na field goal, ngunit pumaltos siya. Nagsimula ang Chiefs sa kanilang 41 pero nahinto na naman sila ng Raiders sa isa pang three-and-out.

Naka-posisyon ang Raiders para sa isa na naman na field goal para kay Janikowski sa layong 57 yarda. Ipinasok ito ni Janikowski at lumamang ang Raiders ng 9-0 at saka nagtapos ang 2nd kuwarter.

Sinimulan ng Chiefs ang 2nd half mula sa kanilang 18 pero pinigil sila ng Raiders na umabante para sa three-and-out. Humantong ang atake ng Raiders sa isa pang field goal ni Janikowski na 30-yarda. Lumamang na ng 12-0 ang Raiders sa 6:41 ng 3rd kuwarter.

Sa wakas ay naka-abante na rin ang Chiefs at sila ay pumasok sa teritoryo ng Raiders at nagbantang umiskor sa 4th ang goal, subalit nagpakatatag ang Pilak at Itim at pinigil nila ang Chiefs. Nag-take over sila sa kanilang 8.

Umabot muli ang atake ng Raiders sa isa pang field goal ni Janikowski mula sa 41 yarda. Pumasok ito at lumamang na sila ng 15-0 lead sa 13:27 ng 4th kuwarter.

Sa kasunod na kickoff ay pinabagsak ni RB Mike Goodson si Bellamy sa Chiefs 13. Umabot na naman sa loob ng teritoryo ng Raiders ang pagsugod ng Chiefs ngunit na-sack ni DT Tommy Kelly si Quinn at nagpunt si Colquitt.

Nag-fumble si McFadden at nakuha ng Kansas City ang bola sa Oakland 18. Sumugod ang Chiefs hanggang sa 4th and 12 pero di nila naipasok ito. Nag-take over ang Raiders.

Nagpunt ang Raiders at ibinalik ni WR Devon Wylie ang bola sa Chiefs 30. Nahinto ng Raiders ang Chiefs sa 4th and 2 at nag take over ang Raiders sa bola.

Hinawakan na ng Raiders ang bola hanggang sa sila ay nagtagumpay.

Gumana sa 4-10 ang Raiders at patungo sila sa Charlotte, North Carolina upang labanan ang Carolina Panthers sa darating na linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising