PETSA: Oktubre 3, ala-1:05 n.h. PT | POOK: Oakland-Alameda County Coliseum* *
NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference ay nasa pang-51 season na sa kumpetisyon ng putbol na propesyonal. Matapos na dalawang beses na dumayo ng laro sa unang tatlong linggo ng 2010 regular season, ang Raiders ay maglalaro sa kanilang "bahay" sa ikalawang pagkakataon at kanilang haharapin ang [**
**](http://www.houstontexans.com/) sa Linggo. Sa larong ito gaganapin ang pang-9 na taon ng Raiders Fiesta Latina, na itinatanghal ng Bud Light, at dito pararangalan ang Buwan ng Pamana ng Lahing Espanyol sa pagtatampok ng mga aliwang Latino sa loob at sa paligid ng Koliseo.
TELEBISYON: Ang laro ay naka-televise sa CBSat si Gus Johnsonang maghahatid ng play-by-play at ang dating manlalaro ng NFL na si Steve Taskerang magbibigay ng color analysis.*Kung mabebenta lahat ang tiket sang-ayon sa patakaran ng NFL tungkol sa blackout, ang laro ay ipalalabas sa Bay Area ngKPIX Channel 5 at sa Sacramento ngKOVR Channel 13. Ipalalabas din ngKHSLsa Chico at ngKIONsa Monterey at ngKJEO *sa Fresno.
RADYO: Si Greg Papa at Tom Flores ang mag-aanunsiyu sa Raiders Radio Network. Ang laro ay ihahatid na live sa Raiders Radio Network na magmumula sa KITS LIVE 105.3 FM at KFRC 1550 AM, kasama ang pre-game at post-game analysis sa KFRC.. Si Papa at ang dalawang beses na coach ng Raiders na nag-kampeon ng Super Bowl ay mag-aanunsiyu ng ika-13 na taon na deretso Itatampok sa pregame at postgame show ang mga lehendaryong Raiders na si George Atkinson at David Humm kasama rin ang beteranong personalidad ng radyo na sina Bruce Magowan at Jason Ross.
RADYO ESPANYOL:Ihahatid sa wikang Espanyol ang lahat ng mga laro ng Raiders sa 2010 regular season sa estasyon ng La Kaliente, KZSF 1370 AM. Si Fernando Arias at Ambrosio Ricoang mag-aanunsiyu. Ang mga taga-Bay Area na personalidad ng radyo na sina Victor Zaragoza at Sal Acevedo ang magrereport sa sideline sa mga home games.
SERYE:Ang Oakland Raiders at Houston Texans ay limang beses pa lamang nagharap,at ang unang enkuwentro ay noong 2004. Lamang ng panalo ang Texans sa 4-1.
HULING LARO SA OAKLAND: Tinalo ng Oakland Raiders ang Houston Texans, 27-16 sa Linggo, Disyembre 2, 2008 sa Oakland-Alameda County Coliseum sa 2008 NFL Regular Season Linggo 16. Nakumpleto ni QB JaMarcus Russell ang 18 sa 25 na pasa, para sa 236 yarda at dalawang TDs; naibalik ni [Johnnie Lee Higgins*ang isang punt nang 80 yarda para sa touchdown at nakasalo pa ng isang pasa para sa TD. Naunang umiskor ang Raiders nang pasahan ni Russell ang bukas na bukas na si WR [Chaz Schilens para sa 20 yarda na TD sa unang kuwarter. Ipinasok ni K [Sebastian Janikowski ang dalawang field goals, sa distansyang 30 at 33 yarda at tatlo pang PATs. Nakaagaw din si CB [Chris Johnson *ng isang pasa ng Houston Texans.
MGA KONEKSIYON
RAIDERS: Si G [Daniel Loper*ay taga-Houston at nag-aral sa Episcopal High School…si P [Shane Lechler ay taga Sealy, Texas…si RB [Rock Cartwright ay tubong Conroe, Texas…si LB [Rolando McClain ay nakalaro ni G Antoine Caldwell at DB Kareem Jackson ng Texans sa Alabama…si DE [Matt Shaughnessy at ang Texan na si TE Garrett Graham ay nagka-teammate sa Wisconsin…si LB [Travis Goethel at TE [Zach Miller ay kalaro ni S Troy Nolan sa Arizona State…si S [Michael Huff ay naging kalaro ni DT Frank Okam at G Kasey Studdard sa Texas…si RB [Michael Bush at si DT Amobi Okoye ng Texans ay nagkasama sa Louisville…si S [Tyvon Branch *at si QB Dan Orlovsky ng Texans ay dating magkalaro sa Connecticut.
TEXANS: SiLB David Nixon ay naglaro para sa Raiders noong 2009 at nasa training camp ng Pilak at Itim sa 2010…si Quarterbacks coach Greg Knapp ay dating offensive coordinator ng Raiders noong 2007-08… si LB Zac Diles ay galling sa Tulare, CA at nag-aral sa Tulare High School.
SA SUSUNOD NA LINGGO:Muling maglalaro ang Raiders sa kanilang bahay at haharapin ang isang karibal sa Western Dibisyon ng AFC at paghahandaan nila ang pagdadayo ng [**
**](http://www.chargers.com/) sa Linggo, Oktubre 10 sa Oakland-Alameda County Coliseum.