Dinala ni CB[Stanford Routt ang isang intersepsiyon para sa touchdown sa pagkapanalo ng Raiders 31-10 laban sa Kansas City sa pangwakas na laro ng 2010 regular season. Photo by Tony Gonzales.
Kinontrata muli ng Oakland Raiders ang istarter na cornerback na si Stanford Routt. Si Routt, 27anyos, ay papasok na sa kanyang ikapitong season sa NFL at kagagaling lamang sa 2010 season na masasabing pinakamahusay sa kanyang karrera, nang gumawa siya ng personal na rekord sa tackles (55), sa mga pasang binuwag niya (13), at fumble na pinuwersa niya (isa) at iniskor na touchdown (isa).
Sa ganitong rekord sa 2010 ay naipakita na si Routt ay umuusbong na isa siya sa mga natatanging cornerback sa NFL. Batay sa Stats, Inc., si Routt ay isa sa top three na cornerback sa liga, at 39 posiyento lamang ng mga pasang pinuntirya ng kalaban ang nakalusot sa puwesto niya. Iyan ang pinakamababang porsiyento sa buong NFL sa mga depensang manlalaro na hinagisan ng 60 beses o mahigit pa.
Sa panghuling laro ng regular season sa Kansas City noong Enero 2, dinala ng 22 yarda ni Routt ang isang intersepsiyon sa 4th kuwarter para sa touchdown at nasiguro ang panalo ng Raiders, 31-10.
Mula pa noong pumasok siya sa NFL bilang second round draft pick ng Oakland noong 2005, si Routt ay meron ng 94 na laro sa liga at anim na intersepsiyon, dalawang sack, 35 pasang nadepensahan at isang forced fumble. Gumawa siya ng rekord na tatlong intersepsiyon noong 2007.