Nakalaban ng Raiders sa Oakland noong nakaraang season. Photo by Tony Gonzales
Ang The Oakland Raiders ay dadayo sa Houston upang harapin ang mga Texans sa Reliant Stadium sa Linggo 5 ng 2011. Pagkaraan nang kanilang pagkatalo sa Houston sa Oakland noong isang taon, tatangkain ng Raiders na bumawi sa Texans at talunin nila sa kanilang sariling istadiyum. Upang magawa ito, kailangan na talunin ng Pilak at Itim ang isang team na 3-1 at nanalo sa Steelers sa Linggo 4.
"Ang Houston Texans ay 3-1," sabi ni Head Coach Hue Jackson sa katapusan ng ensayo noong Miyerkules. "Mahusay na football team, mahusay na opensa, pero ito ay tungkol sa atin. Kailangan mapabuti natin ang sarili at iyan ang ginawa namin ngayon. Sa palagay ko ay mas mahusay kami. Kailangan magawa namin ang magkasusunod na mahuhusay na paglalaro, at halina tayo nang maglaro."
Humahanga din sa Pilak at Itim ang head coach ng Texans na si Gary Kubiak at siya ay aminadong mahigpit ang hamon sa Linggo. "Pinapanood ko sila ngayong taon at kitang-kita ang galing ng opensa nila sa pagtakbo ng bola, at kaya nila ang big play, at ang pagsipa nila ay parating napakahusay, dahil ang punter at kicker ay mga pinakamagagaling sa putbol," sabi ni Coach Kubiak. "Sa ngayon ang depensa nila ay talagang humahabol at nambubulabog nang kalaban at malakas sila sa harapan. Kaya mahusay sila at sa ngayon magaling ang paglalaro nila."
Ang running back ng Texans na si Arian Foster ay nag-aakalang mabigat ang labanan sa Raiders. Si Foster ay humatak ng 30 carries para sa 155 yarda at isang TD laban sa Pittsburgh noong Linggo. Hinahangaan din ng Raiders team si Foster. "Siya ay isa sa mga pinakamagaling na runner sa putbol," sabi ni Coach Jackson. "Nakita rin natin noong Linggo ang quarterback na talagang napakahusay . Magaling siya, matibay, malaki, maliksi, at napakabilis para sa isang malaking tao. Kaya niyang gawin lahat ... kayang sumalo, kayang tumakbo, isa siyang malaking hamon para sa amin."
Pinaghahandaan ng depensa ng Raiders sila Foster, gayundin si QB Matt Shaub at TE Owen Daniels. "Nasasabik kaming harapin itong mga players," ani CB [DeMarcus Van Dyke* *. "Mahusay na team sila, mabibilis sila, kaya kailangan na sumabay kami sa hamon."
Ang nagbabalik mula sa injury na si safety [Mike Mitchell* *ay tiwala sa kanilang depensa na handa nang sumabay sa opensa ng Texans. "Talagang sabik kami," sabi ni Mitchell. "Marami kaming armas sa depensa. Okay din ang mga magkakaharap sa linya. Ibibigay namin lahat ng aming makakayanan, lahat ay babarahin namin at isagawa ang anumang kailangang gawin. Kung haharapin mo ang mabisang opensa na kagaya nila, talagang masasabik ka dahil ito ay NFL. Magaling ang opensa nila - mabilis ang pagbigay ng bola ng quarterback, kaya kailangan disiplinado ang laro namin at galingan namin."
Ika-apat na pinakamahusay sa NFL ang rushing offense ng Texans, pero nangunguna ang opensa ng Raiders sa rushing at ika-pito sa scoring. Si TE [Kevin Boss* *, na sumalo ng apat na pasa para sa 78 yarda laban sa Patriots, ay umaasang tuloy-tuloy sa Texas ang magandang opensa nila.
Makakaharap ng opensa ng Raiders at si QB [Jason Campbell* *ang depensa ng Texans na pinangungunahan ni Wade Phillips, ang dating head coach ng Cowboys. "Mahusay sila," sabi ni Coach Jackson. "Nandoon si Wade Phillips mula sa Cowboys; siya ang defensive coordinator. Meron din silang mga first at second-round picks sa depensa at mahuhusay ang laro nila; talagang mahusay sila. Sila Mario Williams at Antonio Smith, ay dalawa sa mga tao nila, at si Jonathan Joseph na galing sa Bengals, at si Danieal Manning sa safety at si DeMeco Ryans na linebacker. Ang mga players na yan ay malaki ang tiwala sa sarili at masipag maglaro at lumapit sa bola upang gumawa ng play, kaya ibig kong sabihin ay malaking hamon ito at dapat ay sumabay kami."
Napansin na rin ni offensive coordinator Al Saunders ang pag-unlad ng depensa ng Texans. "Napakahusay ang ginawa ni Wade [Phillips] sa kanilang depensa," sabi Coach Saunders. "Disiplinado sila, matibay sila, meron bagong anyo sila … dati 4-3 ang scheme nila ngayon ay a 3-4 scheme, kaya hinahangaan ko si Wade Phillips bilang defensive coordinator. Talagang nahihikayat niya niya ang mga players na magsumikap ng husto."
Nakahanda na rin humarap sa panibagong hamon si WR [Darrius Heyward-Bey* *, na siyang sumalo ng 115 yarda noong Linggo. Ito ang ang kanyang pinakamalaki sa kanyang karera. Pinag-aaralan namin sila at alam namin na magaling ang depensa nila," ani Heyward-Bey. "magaling ang pitong nasa unahan ng linya at isang secondary, masipag sila, at meron silang mahusay na galing sa Cincinati. Kailangan maghanda ng husto."
Kinalimutan na ng Raiders ang laro nila sa Patriots at naka-pokus na sila sa susunod na kalaban. "Bawat linggo ay meron hamon," ani WR [Derek Hagan* *. "Ang Houston ay ibang team at nasa harapan namin sila. Umaasa kaming magtagumpay."
Umaasa ang Pilak at Itim para sa pangalawang road win sa Texas, bale pangatlo sa overall win nila. "Ang suma nito – Kailangan maisagawa ang mga plays namin at laruin ang Raiders football upang manalo," sabi ni Coach Jackson.
Maglalaban ang Raiders at Texans sa Reliant Stadium sa Houston sa alas -10:00 n.u. PT. Panoorin ang aksiyon sa CBS o di kaya sundan sa Raiders.com, sa **Facebook**, o sa **Twitter**.