Kinontrata na ng Raiders ang free agent defensive end na si[Dave Tollefson.
Si defensive end Dave Tollefson na ang kalagayan ay free agent ay pumirma na sa Oakland Raiders. Si Tollefson ay dating kasama sa Pilak at Itim noong 2007 ay naglaro sa New York Giants nitong nakaraang limang taon.
Siya ay katutubo ng Walnut Creek, Calif., at nakapaglaro siya ng 63 games sa Giants, at gumawa siya ng 81 tackles (56 ang solo), 10 sacks, limang pasang nadepensahan niya at tatlong fumble na kanyang napuersa. Nakalaro din siya sa walong postseason games sa New York, at katulong siya sa pagpanalo ng Giants sa kampeonato ng Super Bowl XLII at Super Bowl XLVI.
Si Tollefson, 29 anyos, ay naglaro sa lahat ng 16 games noong nakaraang season, at dalawa nito bilang istarter, at gumawa siya ng 21 tackles at limang sacks. Napuersa din niya ang dalawang fumble nong 2010 at 3.5 sacks noong 2008 season.
May taas na 6-4 at timbang na 266-pound si Tollefson at dating kasali sa training camp ng Raiders noong 2007, at nasa practice squad bago siya pumirma sa Giants. Pumasok siya sa NFL nang piliin siya sa 7th rawnd (pang-253 overall) ng Packers sa 2006 draft, at nasa practice squad siya ng Green Bay sa kanyang unang taon doon.
Nag-aral si Tollefson sa Northwest Missouri State at naging finalist siya sa Gene Upshaw Lineman Award, ang karangalan para sa pinakatampok na offensive or defensive lineman sa Division II. Naglaro siya sa Los Medanos Community College sa Pittsburg, Calif., at nag-prep siya sa Ygnacio Valley High School sa Concord, Calif.