Skip to main content
Week 3 Panthers at Raiders
Advertising

Raiders Sa Linggong Ito

Pagbabawas ng Roster09/01/09 at 09/05/09

Unang Bawas: Ang Oakland Raiders, kasama ng lahat ng 31 iba pang teams sa National Football League, ay kinakailangan na bawasan ang kanilang roster sa 75 players na lamang sa  Martes, Septiyembre 1, 2009.

Pangalawang Bawas: Lahat ng mga team ng NFL ay kinakailangan muli na bawasan nila ang kanilang mga roster sa pinal na 53 players bago o pagdating ng Saturday, Septiyembre 5, 2009.
Iaanunsiyo ang mga naiwan sa roster dito sa Raiders.com sa the transactions page. Maaring sundan din ito sa Twitter.

SWARCO Raiders Nanalo, Umabante
Hunyo 15, 2009

Dalawang taon nang magkasunod na ang SWARCO Raiders, kasama sa kalakal ng Oakland Raiders, ay umabot sa Eurobowl final. Tinalo nila sa Tivoli Stadium ng Innsbruck ang kampeon ng Finland, ang Porvoo Butchers sa iskor na 31-13 (14-7; 14-0; 3-0; 0-6) sa semifinal ng Champions League of American Football ng Europa. Ipinamalas ng SWARCO Raiders ang porma ng tunay na kampeon nang ipitin ng kanilang depensa ang kalaban sa total na 261 yarda lamang at pinuwersa ang dalawang turnover. Sinalo ni wide receiver Andreas Pröller ang 8 pasa at gumawa ng 105 yarda at dalawang touchdowns. Si running back Florian Grein naman ay nag-rush ng 16 beses para sa 88 yarda at umiskor din ng dalawang beses. At si quarterback Jason Johnson ay kinumpleto ang 21 sa 26 na pasa at gumawa ng dalawang touchdown kontra sa isang intersepsiyon. Noong nakaraang linggo, tinalo ng SWARCO Raiders ang Danube Dragons sa kahulihang laro sa Austrian Football League kaya sila umabante sa  postseason bilang 1st place sa ikalawang taon na magkasunod, at dahil dito ay nagkaroon ng first round bye at  home game sa AFL semifinals.

2009 Selebrasyon ng Bansang Raiders
Oakland - Alameda County Coliseum, Oakland, CA
08/08/09

Atensyun sa Bansang Raiders! Ang 2009 selebrasyon ng Bansang Raiders para sa araw ng pamilya ay nakatakda sa Sabado, Augusto 8, simula ng ala-1:00 hanggang alas-5:00 n.h.  sa Oakland - Alameda County Coliseum sa Oakland. Huwag kaligtaan ang natatangi na  pam-pamilya na event na itatampok ang kasalukuyang mga player at coach ng Raiders, ganoon din ang mga lehedaryong players at ang mga Raiderettes - Football's Fabulous Females, at ganoon din na meron pagkakataon na manalo ng mga magagandang gantimpala.
Ito ay LIBRE at magtatanghal ng praktis sesyon ang Raiders, meron din interactive Kids Zone,  mga piling oportunidad na makapagpapirma ng awtograp at makipag-kodakan sa mga Raiderettes at mga lehendaryong Raider, sa Lockers of the Decades, mga Super Bowl Trophy at maka-interview ng live sa mga lehendaryo at kasalukuyang players.  Ang Selebrasyon ng Bansang Raiders ay nakapangako ng kasiyahan para sa lahat. Pumirma lamang sa The Official E-Mail Newsletter of The Oakland Raiders – upang kayo ang mga maagang makatatanggap ng mga balita, impormasyon at mga detalya ng event bago ipaalam sa madla. At saka sundan kami sa follow us on Twitter para sa iba pang mga bali-balita.

Raiders Nagbigay ng Tulong sa mga Local Park
Hunyo 3, 2009

Ang Richmond Children's Foundation, at ang kapartner na Lungsod ng Richmond at ang Asosasyon ng Sports Field Users ay tatanggap ng $200,000 na grant mula sa Oakland Raiders bilang kaparte ng National Football League Grassroots Program. Ang grant ay ibinibigay ng  Raiders kaugnay sa NFL Youth Football Fund and Local Initiatives Support Corporation (LISC). Ang pondo ay gagamitin sa paglagay ng damong artipisyal sa Martin Luther King, Jr. Park football field. Ang bagong putbol field ay ang pinakapuso ng Nystrom United Revitalization Effort (NURVE), isang pagsisikap ng mga mamamayan upang mapasigla ang komunidad ng Nystrom. Ang NFL Grassroots Program, na kapartner ng NFL Youth Football Fund at LISC, ay nakapagawa na o nakapaayos ng 170 putbol fields sa buong bansa sa nakaraang dekada. Sa loob ng nakaraang 11 na taon, ang NFL Youth Football Fund ay nakapagbigay na ng mahigit na $25 milyon sa pagpapayos ng mga field sa mga kinukulang na komunidad.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising