Umabante ang SWARCO Raiders
Mayo 18, 2009
Tinalo ng SWARCO Raiders, kasama sa kalakal ng Oakland Raiders, ang Braunschweig Lions, ang kasalukuyang kampeon ng Alemanya, sa iskor na 35-7 (14-7; 14-0; 0-0; 7-0) sa quarterfinals ng Eurobowl. Halos apat na libong masisiglang tagahanga sa Tivoli istadyum ng Innsbruck ang nakapanood sa pinakamahusay na laro ng mga Tyroleans ngayong taon bilang unang hakbang sa kanilang pagdepensa ng korona sa Europa. Gaya nang ipinakita nila sa nakaraang tatlong laro sa Austrian Football League (AFL), ang depensa ng SWARCO Raiders ay napakadominante. Nagpalusot lamang sila ng 208 yarda, nakakuha ng tatlong intersepsiyon, at kanilang ipinahawak ang bola sa Braunschweig ng 12:25 lamang. Si RB Florian Grein ang naging diperensya sa opensa sa kanyang pagtakbo ng 97 yarda sa 18 na pagdala ng bola at umiskor ng dalawang touchdown. Malakas din ang paglalaro ni QB Jason Johnson at kinumpleto niya ang 18 sa 22 na pasa para sa 143 yarda at isang touchdown. Si WR Matt Epperson ay tumulong din ng 164 total na yarda sa opensa sa special team, kasama rito ang isang touchdown.
Cruisin' Para sa Komunidad
06/06/09
Sa Hunyo 6, ang offensive lineman na si Robert Gallery ng Oakland Raiders ay sasama sa Cruisin' For Our Community, upang mangilak nang pondo para sa mga naiwanang mga pamilya ng apat na napaslang na pulis ng Oakland na biktima sa napakalungkot na pangyayari noong Marso 21. Si Gallery ay Raider na mula pa noong 2004 nang mapili siya ng Pilak at Itim sa 1st rawnd ng NFL draft, ay matinding naapektuhan sa pagkamatay ng mga pulis at nais niyang tumulong sa pulisya ng Oakland. Ang cruise ay sisimulan sa alas-10:30 n.u. sa parking lot ng dating Mervyn's sa 7117 Regional St. sa Dublin sa Sabado, Hunyo 6. Meron entry fee na $30 bilang donasyon, at lahat ng ito ay ibibigay sa mga pamilya ng mga yumaong pulis. Inaanyayahang dumalo ang mga klasik na All American cars, na yari bago-1970, at ganoon din sa mga motorsiklo na gawang Amerikano. Magtatapos ang cruise sa Los Vaqueros restaurant sa 1000 North Vasco Road sa Livermore ng mga alas-12:30 n.h., at pagkaraan ay magpipirmahan ng autograph at meron pa-raffle at 'silent auction'.
SWARCO Raiders Pinabagsak ang Blue Devils
Mayo 10, 2009
Nagwagi ang SWARCO Raiders na kasama sa kalakal ng Oakland Raiders, nang isang masayang tagumpay laban sa Cineplexx Blue Devils sa iskor na 41-3 (7-0; 14-3; 20-0; 0-0). Dahil sa ikatlong sunod-sunod na panalo ng mga Tyroleans ay tumaas ang overall rekord nila sa 4-2 sa Austrian Football League (AFL). Mula sa umpisa hanggang sa dulo, napakadominante ang SWARCO Raiders, at nagpabaya sa kalaban ng 157 total na yarda lamang at napuersa nila ang apat na turnover at umiskor ng anim na touchdown sa unang pitong paghawak ng bola. Ipinagkaloob ang bola kay quarterback Jason Johnson, dahil sa napakahusay na paglalaro. And dating bituin ng University of Arizona ay nakakumpleto ng 20 sa 22 pasa para sa 203 yarda at apat na touchdown. Nangunguna si Johnson sa AFL ng 19 touchdown at 2 intersepsiyon lamang. Una rin siya sa kumplesiyon (98), sa paramihan ng yarda (1,355) at yards per game (225.8). Sa kanyang huling tatlong laro, dinala niya ang team na bumuo ng 121 puntos, habang ang depensa ay nagbigay lamang ng 16 puntos.