Skip to main content
Week 1: Raiders at Chargers
Advertising

Raiders Sa Linggong Ito

SWARCO Raiders Panalo sa Dragons
Abril 6, 2009

Ang SWARCO Raiders, kasama sa kalakal ng Oakland Raiders, ay nagtagumpay sa unang pagkakataon sa season ng talunin nila ang Danube Dragons sa iskor na 52-35. Hindi pa natatalo ang mga Tyroleans sa Korneuburg simula pa noong 1999. Umiskor ang SWARCO Raiders (1-1) ng pitong touchdown sa kanilang unang pitong posesiyon ng bola. Nakumpleto ni QB Jason Johnson ang 27 sa 34 na pasa para sa 305 yarda at apat na TD. Si WR Jakob Dieplinger ay nakasalo ng 8 pasa para sa 133 yarda at umiskor ng isang TD samantalang si Andreas Pröller ay nakasalo ng 7 pasa  para sa 61 yarda at umiskor ng tatlong TD. Si RB Florian Grein, kahit na nasakatan ng mild concussion sa laro nila sa Graz noong nakaraang linggo, ay nakapag-rush ng 66 yarda at umiskor ng dalawang TD. Ang depensa naman ay nakapuersa ng apat na turnover at dahil dito gumana sila ng 17 puntos.

Raiders Tumutulong sa mga Park
Abril 1, 2009

Nitong nakaraang 10 buwan, ang Oakland Raiders ay tumulong sa paggawad ng halagang $140,000 na mga grant sa pagpapaayos sa mga putbol field sa East Bay. Ang Willie Wilkins Park at Ernie Raimondi Field sa Oakland ganoon din ang Burrell Field sa San Leandro ay tatanggap ng biyaya mula sa handog ng Pilak at Itim sa mga komunidad. Inumpisahan ang pagpapaayos sa Willie Wilkins Park noong Enero at tatanggap ito ng grant na $40,000 bilang bahagi ng Youth Fitness Zone Program Grant mula sa Oakland Raiders at sa NFL Charities. Noong Hunio, ang putbol field sa Ernie Raimondi Field ay napagawan ng bagong bleachers, salamat sa $50,000 na grant mula sa NFL Grassroots Program. Ang Burrel Field sa San Leandro High School ay tatanggap naman ng halagang $50,000 na grant mula sa NFL Grassroots Program para sa bagong mga ilaw sa putbol field.

SWARCO Raiders Natalo sa Pambungad na LaroMarso 30, 2009

Sa labanan ng dalawang kampeon na team, ang SWARCO Raiders, kapartner sa kalakal ng Oakland Raiders, ay natalo sa Turek Graz Giants sa pambungad na laro ng season ng Austrian Football League. Sa harapan ng 2,500 na mga fans sa Tivoli stadium sa Innsbruck, ang kampeon ng Eurobowl ay natalo sa iskor na 22-29 (0-8; 7-14; 7-7; 7-0) sa kampeon ng Austria. Maaring lalong masama sa pagkatalo ay ang pagka-alis sa game ni RB Florian Grein, ang MVP noong nakaraang taon, dahil sa nasaktan siya sa isang helmet-sa-helmet na salpukan at nagkaroon siya ng mild head concussion. Nakumpleto ni QB Jason Johnson ang 20 sa 34 na pasa para sa 239 yarda at tatlong TD's at bumigay lang ng isang intersepsiyon. Ang kanyang kaibigan na si WR Matt Epperson ay nakasalo ng 9 para sa 80 yarda at umiskor ng isang TD.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising