Skip to main content
Week 3 Panthers at Raiders
Advertising

Raiders Sa Linggong Ito

Mga Kalaban ng Raiders sa Pre-SeasonMarso 30, 2009

Sisimulan ng Oakland Raiders ang kanilang ika-50 na season ng kumpetisyon sa propesyonal putbol nang harapin nila ang Dallas Cowboys sa Oakland-Alameda County Coliseum sa Linggo 1 (Agosto 13-17) ng preseason ng NFL 2009. Sa Linggo 2 (Agosto 20-24) dadayo ang Raiders sa San Francisco upang sagupain ang mga 49ers, bago sila babalik sa Coliseum upang labanan ang New Orleans Saints sa Linggo 3 (Agosto 27-31). Tatapusin ng Pilak at Itim ang preseason ng harapin nila ang Seahawks sa Seattle sa Linggo 4 (Septiyembre 3-5).

Ibinebenta na ang Oakland Raiders 2009 Season Tickets. Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa 1-800-RAIDERS upang makausap ang sales rep o di kaya pumasok sa www.raiders.com/tickets

KALABAN NG RAIDERS SA REGULAR SEASON SA KOLISEO: Denver, Kansas City, San Diego, Baltimore, Cincinnati, New York (Jets), Philadelphia, at Washington.

KALABAN NG RAIDERS SA REGULAR SEASON NA DADAYUHIN: Denver, Kansas City, San Diego, Cleveland, Pittsburgh, Houston, Dallas, at New York (Giants).

Raiders Pinaghandaan ang Under Armour Event
Marso 24, 2009

Pinaghandaan ng Oakland Raiders sa ikalawang taon ang Under Armour Combine. Kagaya ng taunang scouting combine na isinagawa ng National Football League para sa mga manlalaro ng kolehiyo sa Indianapolis, ang combine na ito ay para sa mga high school players sa buong bansa. Ang susunod na combine ay gagawin sa Southern Calif. Mga ilang tampok na putbol players sa high school na taga-West, at mga 200 na taga-Bay Area ang nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga idolo nitong nakaraang Sabado. Sila ay sumali sa ensayo sa 40-yard dash, short shuttle, three-cone drill, broad jump at saka vertical jump. Pagkaraan ay grinupo sila sa mga posisiyon nila at tinuruan ng mga teknik. Lumahok din sila sa 7-on-7 passing drills.

Raiders Sisimulan ang Season sa MNF
Marso 23, 2009

Ang Oakland Raiders ay magsisimula ng 2009 regular season sa prime time sa pang-apat na pagkakataon sa loob ng limang season. Inanunsiyo ng NFL na ang Team ng mga Dekada ay haharapin ang San Diego Chargers sa Monday Night Football sa Septiyembre 14 sa ESPN. Ang labanan ng Raiders at Chargers sa Oakland-Alameda County Coliseum sa alas 7:15 n.g. PT ay ang pangalawang laro sa doubleheader na gaganapin sa selebrasyon ng NFL ng ika-50  anibersaryo ng American Football League. Ang apat na team na lalaro sa gabing iyon ay ang mga team na kalahok sa pangunahing1960 AFL season. Ang unang laro ay paglalabanan ng Buffalo Bills at ng New England Patriots sa Foxboro. Ang Pilak at Itim ay meron rekord na over-all sa MNF na 36-24-1 mula pa ng sinimulan ang MNF noong 1970, at sila ay 54-42-2 all-time  laban sa Chargers

Raiders Kinontrata si Satele
Marso 23, 2009

Nakuha ng Oakland Raiders si center Samson Satele sa pamamagitan ng trade sa Miami Dolphins. Naging istarter si Satele sa lahat ng 32 games na nilaruan niya mula noong pumasok siya sa NFL nang mapili siya ng Miami Dolphins sa pangalawang rawnd ng draft ng noong 2007. Si Satele ay kagagaling lang sa kanyang unang aksiyon sa post season at bilang istarter sa lahat ng 16 games nitong 2008. Siya ang ankla ng offensive line ng Miami na naging pang-10 sa NFL sa passing at pang-11 sa rushing noong 2008. Noong 2007, si Satele ay naging unang rookie sa kasaysayan ng Dolphins na nag-istart sa center sa lahat ng 16 games nila. Nagtapos si Satele sa University of Hawaii, at lider siya ng opensa na naging number 1 sa  total offense sa buong bansa noong 2006.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising