Skip to main content
Week 1: Raiders at Chargers
Advertising

Raiders Sa Linggong Ito

Idinaos ang CTE Award Dinner

Noong nakaraang Biyernes ng gabi ay idinaos ang pangpitong annual award dinner, at ang Steering Committee para sa Oakland Raiders Booster Club ay iprinisinta ang Commitment to Excellence award sa dalawang manlalaro, kay running back Justin Fargas at kay cornerback Nnamdi Asomugha. Natanggap din ni Fargas ang award na ito noong nakalipas na taon sa kanyang magandang pagtakbo noong 2007 season samantalang si  Asomugha naman ay nanalo ng award na ito sa pasimulang season niya noong 2006. Ang parangal na ito ay ibinibigay sa manlalaro na ibinoto ng kasamahang manlalaro na pinakamagandang ehemplo ng pagpapahalaga, pangangatawan at pagpapakita sa diwa ng Oakland Raiders. Dumalo sa parangal ang mga lehendariong Raiders na kagaya ni Jim Otto at Dave Casper at sina Sam Williams at Isaiah Ekejiuba at mga kaibigan at kapamilya, kaya ang gabi ay puno ng emosyon at kasiglahan.

Kasama si McFadden sa Fuel Up Like a Pro 

Si running back Darren McFadden ay sasali sa isang kickoff party para sa isang bagong programa na uumpisahan sa tagsibol ng Oakland Raiders, kaugnay nila ang National Dairy Council at Dairy Council ng California. Ang programa ay FUEL UP LIKE A PRO, isang palatuntunan upang hikayatin ang pag-eehersiso at wastong pagkain para sa kalusugan ng kabataan. Ang 1st rawnd seleksiyon ng Raiders sa 2008 NFL Draft na si McFadden ay sasali sa  "Milk Rally" sa Huwebes, Marso 12, na gaganapin sa alas-4 ng hapon sa pasilidad ng Raiders sa Alameda. Magpapalabas ng isang presentasiyon sa "Milk Rally" ang mga Program Directors ng Sports4Kids. Ang Sports4Kids (www.Sports4Kids.org) ay isang pambansang nonprofit na organisasyon na ibig pabutihin ang mga kalusugan at kapakanan ng kabataan sa pagtataguyod ng mga palaro at mga aktibidad na pisikal sa mga paaralan sa buong bansa na pinapasukan ng mga kabataan na galing sa pamilyang mababa ang kakayahan.

Referral Programa ng Raiders

Sabik ang Oakland Raiders na ipaalam sa lahat ang Raiders Referral Program – isang bagong paraan upang mapasalamatan at magantipalahan ang kanilang mga Season Ticket Holders kapag nag-refer sa mga kaibigan, kapamilya o kasamahan na bumili ng bagong Season Tickets.  Sa Raiders Referral Program, ang mga kasalukuyang Season Ticket Holders ay tatanggap ng kredit sa halagang 3% ng presyo ng Season Ticket na binili ng kanilang ni-refer.  Makakatanggap din ang Season Ticket Holders ng 250 Raider Rewards points sa bawat bagong Season Ticket account na ni-refer. Upang makalahok at gumana ng kredit points sa Raiders Referral Program ang mga Season Ticket Holders,  kontakin lamang ang Ticket Service Manager sa 1-800-RAIDERS at ipaalam ang pangalan at impormasyon para makontak ang sinumang gustong makabenepisyo sa mga handog ng Raiders.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising